Day 12 (a)

521 22 10
                                    

(Halos 30 minutes nang naghihintay sa university parking lot si Gina. Sa pagsa-stalk, hindi, panget pakinggan. Sa pag-oobserba niya sa everyday life ni Elijah, napag-alaman niyang dito pina-park ni Elijah ang kotse nito every Monday, Tuesday, at Friday.

Sa mga ibang araw, nagta-taxi na lang ito o kaya'y sinusundo. At dahil Friday ngayon, nag-aabang siya rito sa parking lot.

Nasimulan na niya ang mga dapat na gagawin. Tulad na lang ng paglagay ng note sa locker ni Amisa.

Huh, akala ba niya habang-buhay niyang mai-enjoy ang relasyon kasama ang doktor na 'yon? Pwes, nagkakamali siya. At matatapos na ang lahat ng kaligayahan niya ngayong-ngayon na.

Narinig niya ang paparating na ingay ng mga gulong ng kotse kaya bumalik siya sa isang exit ng parking lot at nagtago.

Napangiti siya ng makita ang maitim na kotse ni Elijah. Pagkababa nito, pasimple siyang naglakad papunta sa isang exit at kunwari ay napadaan lang.)

Gina: Oh, Elijah. Nice to see you here!

Elijah: Ikaw pala, Gina. How's your Mom?

Gina: Okay naman siya. Okay din ako, if you're curious about it. Hahaha.

Elijah: Dapat bumibisita ka sa bahay. My Mom invited you before, right? She would be glad to see you. 

Gina: O-oo. Next time, 'pag may time ako, bibisita ako.

(At pinilit niyang ngumiti. Ayaw na ayaw niyang marinig ang anumang makapag-uugnay sa kaniya kay Elijah. Wala itong kaalam-alam na isinusumpa niya ang katotohanang magpinsan sila.  Kung bibigyan siya ng pagkakataong makabalik sa nakaraan, hihilingin niyang maipanganak sa ibang pamilya.)

Elijah: That's good. Anyway, nakita mo ba si Amisa?

(Mas lumawak ang pekeng ngiti ni Gina.)

Gina: Um.. Hindi kaya siya nasa clinic?

Elijah: Clinic? Why would she be in clinic? Is she not feeling well??

Gina: Sa tingin ko hindi. Pumupunta naman siya doon kahit wala siyang sakit. Parati ko nga siyang nakikita doon, actually.

Elijah: Oh, that's because she sleeps there sometimes.

Gina: Talaga? Hinahayaan siya ni Dr. Vince na matulog doon? So, kaya pala. Hmmm....

Elijah: What is it?

Gina: Na close sila. Dahil kung hindi, hindi siya papayagan na tumambay doon. Ipinagbabawal 'yon ng school, diba?

Elijah: ... Close?...

Gina: Once nga pumunta ako ng clinic at nadatnan ko silang naguusap, kung hindi ko alam na university physician si Dr. Vince aakalain kong magkasintahan sila. I mean, I know na hindi palakausap si Amisa pero she looks at ease kapag kausap niya si Dr. Vince. Don't you think?

Elijah: ............

Gina: Diba bestfriend mo siya? I'm sure may alam ka. Share mo naman sa akin.

Elijah: Ah, no. I don't know anything about that. Hindi ko rin sure kong totoo ang mga 'yan. Ang alam ko kasi until now, they are just acquaintances.

Gina: Ay, talaga? Sayang naman. Bagay pa naman sila. Hindi naman siguro bawal na magkaroon ng girlfriend si Dr. Vince na estudyante ng school, diba?

Elijah: ..............

Gina: <'Yan. 'Yan nga. Tama ako diba? Hindi mo rin alam ang tungkol sa kanilang dalawa. Actually, isang beses ko lang nakita si Amisa na pumunta sa clinic at gawa-gawa ko lang 'yong mga sinabi ko.

Now, start doubting yourself, Elijah. Ngayong alam mo na ang mga bagay na hindi mo napansin dati, you feel disappointed, right?

Sa'yo at sa bestfriend mo?....>

(Hindi na nakapagsalita si Elijah. Mukhang nalunod na ito sa malalim na iniisip. Habang si Gina ay tahimik na nagdidiwang dahil tumatakbo ang mga pangyayari ayon sa pinlano niya. )

----

Thank you for reading! Don't forget to vote and follow A. Michalski.

97 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon