(Ayaw na ayaw ni Amisa kapag may nakakaalam sa mga sekreto niya. Pakiramdam niya para siyang hinuhubaran ng damit at parang langaw na pinagpipiyestahan ng mga tao ang kaniyang mga naibulgar na kahinaan. Sobra rin niyang kinaaayawan ang mga matang mapanuri kapag nagdududa na sila sa kaniya.
Tulad ngayon.
Nakangiti si Elijah sa kaniya pero alam niyang sa ilalim ng matamis na ngiting 'yon, makikita ang nakatagong disappointment.
Hindi niya alam kung anong nalaman nito pero ang masisiguro niya ay nakita nito o may nagsabi rito tungkol sa mga nangyari kanina. Sinigurado niyang pantay ang boses niya bago siya nagsalita at hindi inalis ang pagkakatitig sa matalik na kaibigan.)
Amisa: Para saan 'to?
(Hindi pa rin umuupo si Elijah sa nireserba niyang upuan at imbes ay nanatiling nakatayo sa kaniyang harap habang masusing pinag-aaralan ang kaniyang reaksiyon.
Naririnig na rin niya ang mga bulongan ng kanilang mga kaklase na nakatuon na ang atensiyon sa kanila. Akala siguro nila birthday niya ngayon dahil sa dalang cake ni Elijah.)
Elijah: Nanalo ka rin ng coffee mug from that bakery shop. Nasa bag ko, gusto mo ring tingnan?
(Napakunot-noo si Amisa. Anong klaseng laro 'tong nilalaro ni Elijah?
Kung may gusto 'tong sabihin, bakit ayaw pa siya nito diretsuhin? Hindi 'yong pinapakitaan pa siya ng ngiti na kasing peke ng mga pustisong ngipin ng susunod nilang instructor.)
Amisa: Hindi ko kailangan ng mug at mas lalong hindi ko rin kailangan ng cake--
Elijah: I didn't know na close pala kayo ni Gina.
(Pagkakuwan ay sabi ni Elijah.)
Ano raw??
Close nino? Ng babaeng hiniraman niya ng motorsiklo? Does that mean na nakita siya ni Elijah habang kasama ang babaeng 'yon kanina sa bakery? Kung ganun.... Pero teka, may kakaiba rito, eh. Ang inexpect niya, ang unang babanggitin nito ay ang sekreto niyang marunong pala siyang mag-motorsiklo o na tinutukan niya ng kutsilyo ang tindero ng kapitbahay niyang bakery kanina.)
Elijah: I heard that you two are supposed to go to school together but something happened. Are you alright?
(Anong bang pinagsasabi ni Elijah?
Ang sabi nito, 'I heard' so, kung ganun narinig nito dahil sinabi sa kaniya ng babaeng 'yon? Magkakilala ba sila? Well, si Elijah Reizen ang pinag-uusapan natin rito. Walang iba kundi ang pinaka-friendly na taong kilala niya na kaibigan na halos lahat ang estudyante sa university.
Pero may kakaiba talaga rito, eh. Ang ibig bang sabihin nito hindi sinabi sa kaniya ni.... ano ba ulit pangalan niya? Rina? Hindi. Ah, oo, Gina. Hindi ba nasabi rito ni Gina ang iba at mas importanteng detalye?
This time ay umupo na rin si Elijah. Nakayuko ang ulo nito nang magpatuloy sa pagsasalita.)
Elijah: Kailan pa kayo naging close? Recently or matagal na? Sabi rin niya nanggaling kayo sa apartment mo. Wow, alam rin niya ang address mo habang ako na 'bestfriend' mo hindi pa alam kung lumipat ka na naman o ano. I thought wala kang ibang kaibigan maliban sa akin.... pero mukhang akala ko lang 'yon.
(Ngumiti na naman ito pero hindi 'yon tumutugma sa mahina at malungkot nitong boses---bagay na hindi nagugustuhan ni Amisa ngayon.
Sanay siyang nakikita ang maliwanag na ngiti nito na most of the time ay nakakapagbulag sa kaniya at nakakapagpalimot na all this time ay napapaligiran siya ng kadiliman.
Parating si Elijah ang hinihintay niyang araw kapag dumidilim ang kalangitan at umuulan ng malakas. Hindi tulad ngayon na unting-unting nagdadala sa kaniya ng kalungkutan dahil sa mga kakaibang kinikilos.)
BINABASA MO ANG
97 Days
Teen FictionGaano mo kakilala ang bestfriend mo? Sigurado ka bang tama ang mga alam mo tungkol sa kaniya? Paano kung ito'y ilusyon lamang? Saksihan ang typical na buhay ng mag-bestfriend na sina Amisa at Elijah. Pero habang-buhay ba silang ganito? Anong pwede...