Day 19 (a)

597 25 5
                                    

(Nagulantang ang lahat nang mabuksan ang pintuan ng pagkalakas-lakas at tumambad sa kanila si Inspector Gascon na hindi maipinta ang mukha.

Ang isang pulis na hihigop sana ng kape ay muntik nang mabitawan ang hawak na tasa pero malas niya dahil tuluyan rin itong nahulog dahil sobrang lakas din ng pagkakasara ni Gascon sa pinto.

Sa takot, walang gustong lumapit rito dahil baka mapag-buntungan sila ng galit. At saka ang isa pa, controversial ang pagkaalis nito sa trabaho noon at ganun rin ang pagka-reinstate nito. Kaya hinayaan nila ang pulis sa desk nito at itinuloy ang kani-kanilang trabaho.

Hindi ito ang unang pagkakataon na pumasok sa trabaho si Gascon na parang nag-aaburotong bulkan. Pero medyo naibsan 'yon nang makakita ng umuusok pang kape sa kaniyang lamesa.)

Gascon: <Buti naman at hindi nakalimot ang dalawang pulis sa usapan.>

(Ang tinutukoy niya ay ang dalawang pulis na natiyempuhan niyang pinagchi-chismisan siya sa tambayan niyang karinderya kahapon at mukha ngang ililibre siya ng kape ng mga ito araw-araw gaya ng kanilang sinabi. Maganda 'yon para maka-save siya ng oras sa pagtitimpla ng inumin.

At speaking of oras, natandaan niya ang nangyari kahapon. Mas nainis tuloy siya.

Bakit naman hindi eh, pagdating niya sa headquarter kahapon akala niya siya lang ang hinihintay dahil matagal nang nagsimula ang meeting. 'Yon pala hindi dahil pinapahanap lang siya ni Zamorra para sabihan siyang hindi matutuloy ang pulong kasama ang mga opisyal ng Reizen Corporation at ng HJ Corporation. Ang dahilan? May importanteng bagay daw na kinailangang asikasuhin ang dalawang malaking kompanya kaya ipina-postpone nila ang meeting.

Parang gusto tuloy niyang magmura. Anong akala nila, sila lang ang busy? Akala ba nila wala silang ginagawang mga pulis kaya pwede nilang i-reschedule kahit kailan nila gusto? Paano kung may importante rin silang gagawin sa oras na 'yon? Ang yayabang talaga ng mga 'yon. 'Yan ang dahilan kung bakit ayaw niyang mag-handle ng kaso na may halong politika. Lalo na kung involve ang malalaking pamilya tulad na lang ng naghahari-hariang pamilyang Reizen. Kung tratuhin silang mg pulis parang utusan lang. Pwee! Sinasayang lang nila ang oras niya.

Para siyang nanalo ng jackpot nang mai-assign noon sa kaniya ang Tripoli Highway Ambush Case na nangyari noong nakaraang linggo. Malakas kasi ang kutob niya na may koneksiyon sa kasong 'yon ang grupong matagal niyang tinutugis-ang Triangulo.
Tapos bigla na lang sa kaniya babawiin dahil mas prioridad daw nila ang kaso ng HJ Corporation. Anong klaseng biro 'to, huh???

Kumukulo talaga ang dugo niya kapag naaalala niyang isang malaking oportunidad ang inagaw mula sa kaniya. Pero hindi siya sumusuko. Kahit na ibang kaso na ang hinahawakan niya ngayon, paulit-ulit niyang nire-remind ang kaibigang pulis na miyembro ng team na naka-assign ngayon sa kasong 'yon na ipaalam sa kaniya ang bawat progress kung meron man.

'Yon pa nga ang pinobroblema niya dahil hanggang ngayon hindi pa siya binibigyan ng update ng lalaking 'yon. Naiinip na kaya siya. Kaya naman lumabas muna siya ng opisina at tinawagan ang gago.)

Officer Sebastian: Oh, Inspector Gascon, buti na lang at tumawag kayo. Papunta na ako sa headquarter ngayon at dadaanan ko sana kayo.

Gascon: Bakit? May bago ba kayong info na nakuha?

Officer Sebastian: Oo, sir. May lead tayo rito.

Gascon: Sa labas tayo mag-usap. Alam mo 'yong Japanese restaurant malapit sa Venice Hospital? Doon tayo magkita.

(At mabilis na tumungo si Gascon sa napagkasunduang lugar.

Nang makapuwesto na sila sa table na nalalayo sa iba at may sapat na privacy, binuksan ni Sebastian ang dalang maitim na malaking envelope.)

97 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon