Day 15 (a)

523 16 12
                                    

KakaoTalk Group Chat

4:02 am

Girl1: Oi, wala pa tayong sagot sa question no. 12 pati na 'yong tatlong last items. Bakit feeling ko ako lang ang nagsasagot, aber??

Girl2: Teka lang bes, sino-solve ko pa.

Girl3: Diba kay Gina 'yong last na tatlong items?

Girl1: 'Yong sagot ang tinatanong ko hindi 'yong kanino naka-assign, gurl. At asan nga pala siya?? Siya 'yong nagsabing gumising tayo ng maaga para gawin ang assignment tapos siya naman ang wala. Ano 'to? Lokohan??

Girl2: Tulog pa ata siya, bes. LOL

Girl3: Pero kanina sa Messenger, online siya.

Girl1: Ang bruha, ang lakas ng loob na isnabin tayo. Tawagan niyo nga!

Girl2: Me tawagan ko. Wait lang mga bes

(After 5 minutes...)

Gina: Yohooo!! 👋👋

Girl1: Itsura mo! Bigay mo na nga sa amin 'yong sagot sa No.13-15 para matapos na 'tong assignment. Kanina pa kami nagsasagot taz kaw walang ginagawa. Groupchat mo itsura mo!

Gina: Don't worry, tapos ko na. Ako pa. 😎

Gina: Pero teka lang, maiba ako. Diba nanood kayo kahapon ng basketball game? Nakita niyo ba doon si Amisa?

Girl3: Na naman? Alam mo napansin ko, this week parati kang tanung ng tanong about kay Amisa. Ano bang meron?

Girl2: Ang alam ko kay Elijah ka lang obsessed pero bakit feeling ko nag-uumpisa na rin ang obsession mo kay Amisa?? Anyare, bes?

Girl1: Ewan ko sa kaniya. Ang bukambibig na lang niya lately si Amisa dito, si Amisa doon. Psshhh. Oi, hindi pa tapos ang assignment natin. Ano nang nangyari doon sa no. 12??

Girl2: Ay, sorry. Tataposin ka na, hehehe. 😅😅

Gina: Che! Sagutin niyo na lang 'yong tanong ko. Nakita niyo ba siya kahapon o hindi?

Girl1: Pumunta siya. Nakita ko silang magkatabi ni Elijah pero saka lang siya dumating nung patapos na 'yong laro. Ano 'yon, nakibalita lang? Umihi lang sa CR ng gym?? Ganun?

Girl2: Hala, oo nga. Hindi pa ako nakaka-get-over sa pagkaka-injury ni Louis kahapon. Huhhuhuu 😭😭😭

Girl1: Eh, 'yong question no. 12? Nakaget-over ka na dun? Ha?! 😤

Girl2: Ah, hehehe, malapit na 'to, promise. Hehehe

Girl3: Ba't mo naman natanong, Gina?

Gina: 'La lang. Eh, ito, alam niyo ba na marunong siyang magmotorsiklo?

Girl3: Talaga? So, may motor siya?

Gina: Sabi ko na nga ba, eh. Hindi niyo rin alam. Did you know, mag-isa rin siyang nakatira sa inuupahan niyang apartment? I repeat, hindi dorm, kundi apartment. A 2LDK Apartment, mind you.

Girl2: Omo, omo. Seryoso ka, bes? Kala ko poor siya?

Girl3: O baka naman si Elijah ang nagpo-provide ng renta niya?? I mean, para kay Elijah, barya lang kaya ang 5-digit na renta. Anong sa tingin niyo?

Girl2: OHMYGAWD!!

Girl1: Oi, 'yong no. 12???!!

Gina: Hindi naman siguro. At saka hindi naman' yon ang inaalam ko, eh. Ang gusto kong malaman eh 'yong family background niya. Maging personal information na rin. You know, province, parents' names, siblings, churva churva...

97 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon