Day 7 (c)

704 22 3
                                    


(Nakapag-paalam na si Amisa sa landlady niya at bukas ng umaga ay ibabalik na niya ang susi ng kaniyang apartment unit bago umalis.

Bumalik siya ulit kanina para kunin ang mga natira pang gamit kaso gabi na kaya naisip niya na ipa-bukas na lang.)

Amisa: Huling gabi ko na pala 'to dito....

(Napatingin siya sa paligid. Parati na lang ganito, siya nagliligpit at lilipat na naman. Actually, sanay na siya. Kaso nga lang..... nakakapagod rin...)

Amisa: Ha? Alas-otso na pala?

(Agad siyang lumabas ng apartment para magbasakaling may madatnan pang bukas na karinderya sa labas. Sa busy niya sa pagliligpit, hindi niya napansin ang oras at nakaligtaang maghapunan. Ngayon lang niya naramdaman na gutom na gutom na pala siya.

Nang makalabas na ng building, napabuntung-hininga siya ng makitang ang dilim-dilim sa labas. 'Yan ang isang dahilan kung bakit gustong-gusto na niyang lumipat dahil mag-iisang buwan nang sira ang mga streetlights sa kalsada pero hanggang ngayon hindi pa rin naaayos. Nakakatakot tuloy kapag umuuwi siya ng gabi.

Naglalakad siya nang makarinig ng mga yapak maliban ng sa kaniya. Tumigil siya saglit. Natigil din ang mga yapak na sumusunod sa kaniya. Pinagpawisan tuloy siya ng malamig.

Hindi niya guni-guni 'yon. May sumusunod talaga sa kaniya. Pero bakit ngayon pa nagkataon na walang tao sa paligid?? Naku naman! Binilisan na lang niya ang paglalakad at baka sakaling may makasalubong siyang mga---

Isang kamay ang mabilis na humila sa kaniya papunta sa makitid na eskinita. Bago pa siya makasigaw isang kamay naman ang tumakip sa bibig niya.)

Amisa: Hmmm! Hwmn!

(Humigpit ang yakap ng isang braso sa baywang niya. Naramdaman rin niya ang maiinit na paghinga sa kanang tainga niya.)

Unknown: Gotcha........

(Nanlaki ang mga mata niya. Ang boses na 'yon....

Pamilyar ang boses na 'yon!)

Unknown: I already told you not to go outside at this time of the night, didn't I?.....

(At nakangiting mga labi ang dumapo sa kaniyang kanang tainga..)

Amisa: I-ikaw..... Ikaw.... IKAW PALA HA??!!!

PAAAAAAK!!!!!!

Elijah: Aray!!!! Amisa, para saan 'yon??

Amisa: Sinasabi ko na nga ba at ikaw!!  Langhiya ka. Akala ko nahoholdap na talaga ako 'yon pala (PAAAAK! ) prank (PAAK!) mo lang pala!!!

Elijah: Aray! Aray!! Sorry na po!!!

Amisa: Gusto mo ba akong atakihin sa puso, ha??? Wala kang awa!!

Elijah: Hahaha! Natakot ka talaga? Hahaha! I'm sorry, on the way na kasi ako sa apartment mo tapos bigla kitang nakita kaya hehehehe... Hindi ko alam na maniniwala ka naman. Hahaha!

Amisa: 'Pag subukan mo 'yon ulit promise tutuluyan na talaga kita. Sige ka!

Elijah: Okay, hahaha. Anyway, bakit ka pala andito sa labas? Hindi ka dapat lumalabas ng mag-isa ng ganitong oras. It's dangerous, you know.

Amisa: Bibili lang ako ng ulam diyan. Kung meron.

Elijah: Ngayon ka palang kakain? Pero nadaanan ko kanina 'yong karinderya at sarado na. Paano ka na ngayon?

Amisa: Ganun ba? Bili na lang ako ng cup noodles doon sa convenience store. (At nagsimula ng maglakad..)

Elijah: Hey, Amisa, hintayin mo ako!! Sama ako sa'yo.

Amisa: Dalian mo baka this time may makasalubong na tayong totoong holdaper.

Elijah: Haha! Okay lang. Kayang-kaya mo naman silang patumbahin. Lakas mo kayang manuntok at sumipa. Hindi nga kita kinaya, eh. Hahaha!

----

97 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon