Day 11 (b)

656 23 2
                                    


(Pag-ring ng bell, nagsilabasan na ang mga estudyante. Ang iba nagtatanong sa kasama kung anong sinagot sa number ganito o kaya number ganiyan. May nagtatalo na rin habang ang iba ay nakahinga ng maluwang dahil nabawasan ang exams.

Kasama na doon si Amisa na masayang lumabas ng silid. Buti na lang at nakapag-review siya kagabi kahit na kinailangan niyang palayasin sina Suzy, Boy, at Tristan  sa kaniyang unit dahil sa sobrang ingay na dala at para makapag-aral naman ng maayos.

Pero ibang usapan si Elijah na kanina pa nakalabas dahil siya ang pinakaunang mag-pass ng papel. )

Elijah: Amisa, tara. Daan tayo doon sa bagong coffe shop!

Amisa: ....... Um..

Elijah: Bakit? May lakad ka?

Amisa: ......... Kasi.....

(Sakto namang tumunog ang cellphone ni Elijah. Tahimik na nagdasal si Amisa na sana importante 'yon. )

Elijah: Yes, Frederick. Is there a problem?......... What time?.......... Okay, I'll be there... Amisa, sorry pero hindi matutuloy ang plano. Tsk. Looks like I have to postpone it.

Amisa: Hindi, okay lang, mauna ka na.

Elijah: Huwag kang pumunta doon na wala ako, okay? Dapat magkasama tayo.

Amisa: Hindi ako kakain doon kung wala ka rin naman. Sige, bye. Dito na ako.

Elijah: .............

(Pipigilan sana niya si Amisa pero ayaw gumalaw ng katawan niya. Sobrang hindi niya inasahan ang huling sinabi ng kaniyang bestfriend.)

Elijah: Did she just say....

(Hindi niya nakontrol ang sarili at namula na naman ang kaniyang mga pisngi. Napayuko tuloy siya nang marealize na nasa publiko pala siya. Bago pa may makapansin sa kaniya, mabilis siyang umalis.

Ang hindi lingid sa kaalaman niya, kanina pa sa kaniya nakamasid ang kaklaseng may maikling buhok.)

Girl1: Oi, Gina, aalis na tayo. Ano pang hinihintay mo? Bakit tulala ka diyan?

Gina: ...! Ha?? Ah, mamaya pa ako uuwi. Mauna na kayo.

Girl1: Pero diba sabi mo kanina ipo-photocopy mo pa 'tong libro ko sa labas?

Gina: Ewan ko. Basta umalis ka na lang!

Girl1: Hmp! Bahala ka na nga diyan!!

(Hindi pinansin ni Gina ang nainis na kasama at itinuloy ang pagmamasid kina Amisa at Elijah. Buti na lang at maraming tao sa paligid kaya hindi siya masyadong mapapansin at nagtago ulit sa likod ng malaking poste at--)

Gina: Huh? Nasaan na sila? Kani-kanina lang andito sila ah.

(Lumingon siya sa paligid. Wala. Wala talaga. Ang huling nakita niya ay si Amisa na naglalakad pababa ng hagdan habang naiwan naman si Elijah pero ngayon parehong nakaalis na ang dalawa.)

Gina: Ugh!! Shit! Hindi sila dapat makalayo!!

(Tumakbo siya pababa kahit na may nababangga na. Sigurado siyang pauwi na sina Elijah kaya bumaba sila ng hagdan. Pero kakarating pa lang niya sa susunod na floor, nakita niya si Amisa na naglalakad at kumaliwa sa makitid na hallway imbes na dumiretso sa baba.)

Gina: Saan siya pupunta? Sa 1st floor ang lobby diba, eh nasa 3rd floor pa lang 'to. Wait lang...

(Naalala niya, Nursing Supply room at Clinic lang ang andito sa 3rd floor. At ano naman ang gagawin ni Amisa rito eh hindi naman siya Nursing student??)

97 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon