(Dahil kakatapos lang ng mga exams, bigayan na ng mga grades. Siniksik ni Amisa sa bag ang naibalik na test papers at kuntento sa nakuhang score.
Pag-ring ng bell, nagsilabasan ang mga estudyante at nakipagsiksikan rin siya sa hallway. Bagamat maingay sa paligid, dinig pa rin niya ang usapan ng mga nasa likod niya. )
Girl1: Ang tagal mo kasi. Sabi ko na ngang lumabas ka na, eh. Wala naman kayong ginagawa kundi makinig sa tsismis ng instructor niyo. Baka pagdating natin ng gym, tapos na ang laro.
Girl2: Heto na nga nagmamadali na, oh.
Girl1: Dapat ma-videohan natin. Hindi araw-araw makikita nating naglalaro ng basketball si Elijah. OMG, kung nakita mo lang siya. Grabe siya, promise.
Girl2: Oo na, oo na. Tumakbo na lang tayo.
(Tumakbo nga ang dalawa at kahit nabangga siyang nasa unahan nila, hindi man lang sila nag-sorry.
Binalewala na lang niya ang mga ito. Imbes ay nag-focus siya sa narinig na usapan. )Amisa: < Si Elijah naglalaro ng basketball? Diba may exam pa siya ngayong araw? Ang lalaking 'yon, nagagawa pang maglaro imbes na mag-review.>
(Pero dahil malapit na rin siya sa gym, naisipan niyang silipin na rin ito at makiusyoso.
Hindi pa siya nakakapasok sa loob, dinig na dinig na niya ang mga sigawan ng mga nanonood.
Akala ba niya bukas na Sunday pa ang basketball game? Ano 'yong nangyayari sa gym ngayon? Practice game lang? Pero bakit sobrang hype ang mga spectators?
Saka lang niya nalaman kung bakit nang makasingit siya sa loob. Ang unang nakita niya ay si Elijah na hawak ang bola, mabilis na nag-dribble papunta sa ring, at nag-dunk.
Akala niya mabibingi na siya sa sobrang lakas ng hiyawan ng mga nanonood. Pero hindi niya masisisi ang mga ito. Kung si Elijah ang isa sa mga naglalaro, hindi na siya magugulat. Paano ba naman kasi, kahit hindi ito regular sa basketball team, maikukumpara ang husay nito sa mga regulars.
At wala pa doon ang taglay na charisma nito kaya didikit talaga ang mga mata mo sa kaniya the whole game.
Pawis na pawis nga ito but that makes him sexier. Lalo na't naka-fold ang sleeves ng maputi nitong dress shirt at nakasuot pa ng navy blue na slacks.
He's really.......... beautiful...
Just like a flower...
Her one and only flower.....
Dahil hindi naman siya nagmamadaling umalis, tinuloy na lang niya ang panonood. Hangga't sa umupo sa bench si Elijah at pinalitan ng ibang player.
Dahil nakakalamang naman ang team nila sa score, siguro umupo muna ito para magpahinga. Tatawagin sana niya ito pero sakto ring nakita siya ni Elijah.
..............
Ha? Bakit...
Sa hindi niya inasahan, agad na umiwas ng tingin ang kaniyang bestfriend.)
Amisa: < Hindi ba niya ako nakita?....
Pero sure ako tumingin siya sa direksiyon ko. Bakit hindi niya ako pinansin?>
(Kinuha niya ang phone sa bag, hindi pinansin ang natanggap na isang SMS at nagsimulang magtext kay Elijah.
Ise-send na sana niya pero naramdaman niyang may humawak sa kaniyang kanang balikat.)Dr. Vince: I was waiting for you at the clinic tapos andito ka lang pala.
(Napakunot-noo si Amisa.)
Amisa: At kailan mo pa ako hinintay? Pinapalayas mo nga ako araw-araw dahil ayaw mo akong makita.
Dr. Vince: Hindi mo ba nabasa ang text message ko?
Amisa: ........ Oh, nagtext ka pala. So, anong meron? Siguro importante 'yang sasabihin mo dahil hinanap mo pa talaga ako.
(Mas lumapit sa kaniya si Dr. Vince at bumulong sa kaniyang tainga. )
Dr. Vince: This is urgent. Kailangan nating mag-usap in a private place. Doon tayo sa clinic. Walang pasyente dun ngayon.
(Teng.
Teng.
Teng.
Teng.
Sunod-sunod na notification sa kaniyang phone ang natanggap niya. Hindi niya pinansin ang doktor at tiningnan na lang ang text message na natanggap.
Pagbasa niya,
Elijah: Bakit kayo magkasama ni Dr. Vince?
Elijah: Anong pinaguusapan niyo?
Elijah: Stay there.
Elijah: Pupuntahan kita.
(Napatingin siya agad kay Elijah. Nagulat siya ng makitang nakatingin rin ito sa kaniya.
Amisa: <Bakit siya nakatingin sa akin ng ganiyan?.....>
Dr. Vince: Let's go.
(Nauna na ito at hinihintay na sumunod siya. Lumingon siya ulit kay Elijah. Nakatingin pa rin sa kaniya ang bestfriend. Pero this time ay nakakunot-noo na ito.
..............
Matagal silang nagtitigan ni Elijah pero dahil may importante silang pag-uusapan ni Dr. Vince, wala siyang choice kundi ang sumunod sa clinic.
Nanlumo si Elijah.)
Elijah: So, mas pipiliin mo pala siya kaysa sa akin....
----
BINABASA MO ANG
97 Days
Genç KurguGaano mo kakilala ang bestfriend mo? Sigurado ka bang tama ang mga alam mo tungkol sa kaniya? Paano kung ito'y ilusyon lamang? Saksihan ang typical na buhay ng mag-bestfriend na sina Amisa at Elijah. Pero habang-buhay ba silang ganito? Anong pwede...