( Sampung minuto pa bago mag-alas siyete ng umaga pero nasa loob na ng university sina Dr. Vince at Amisa. Sa university clinic, to be specific. Hinintay muna ni Amisa na masarhan ng batang doktor ang mga kurtina sa lahat ng bintana at ma-lock ang pinto bago hinubad ang suot na hooded pull-over kasama ang long-sleeve top hangga't sa ang matira na lang ay ang maitim na low-impact bra. Umupo siya sa isa sa mga higaan at hinayaan si Dr. Vince na palitan ng bandage at lagyan ng shoulder pad brace ang kaniyang balikat. )
Dr. Vince: Hindi mo pa nasasabi sa akin kung saan ka pumunta kagabi.
(Pagkakuwan ay binasag nito ang nakakabinging katahimikan. Simula ng dumating sila kanina, wala pang nagsasalita sa kanilang dalawa.)
Amisa: Kala ko ba nasagot ko na 'yan. Ang sabi ko sa tabi-tabi lang—
Dr. Vince: You didn't even leave a fucking note, Amisa!! Walang text o tawag man lang! Do you even know how worried I am??... Ah, sorry, ah. Wala ka nga palang pakialam kung nag-aalala ang ibang tao para sayo. Haha. Bakit ko pa tinanong 'yon? Hmm? Nagsasayang lang ako ng laway rito.
Amisa: Tama, nagsasayang ka lang ng laway, Vince. Kung ako sayo, mag-focus ka na lang sa ginagawa mo. Nagawa kong makauwi ng ligtas kaya huwag kang umarte na parang bata ang kausap mo.
(Huminga muna ng malalim ang doktor para pakalmahin ang sarili bago nilapitan ulit si Amisa at itinuloy ang pagpapalit ng bandage. Galit nga siya pero nanumbalik na naman ang nararamdamang awa nang makita ang sugat nito sa balikat. )
Dr. Vince: Alam mo ba kung gaano nag-panic si Suzy nang malaman niyang bigla ka nalang naglaho? She thought may kumuha sayo o ano. Hindi mo alam kung gaano ko katagal kinailangang kumbinsihin 'yong bata na namasyal ka lang sa "tabi-tabi" gaya ng sinasabi mo.
Amisa: Oo, alam ko. Kanina nga ayaw niya akong palabasin ng apartment. May balak atang i-house arrest ako. Ang batang 'yon talaga...
Dr. Vince: ..... We're just worried about you, y'know....
Amisa: And I don't meant to, alam mo 'yon.
(Bumalik na naman ang katahimikan. Naputol lang 'yon nang makarinig sila ng mga ingay sa labas. Nagsimula na sigurong magsidatingan ang mga estudyante.)
Dr. Vince: We have to make this fast. If may balak kang sabihin sa akin kung anong nangyari nung isang araw, simulan mo na ngayon.
(At ipinaliwanag nga ni Amisa sa doktor ang mga nangyari simula nang makita niya si Engr. Ibarra hangga't sa paghatid niya sa anak nito sa kasalukuyang pinagtataguan ng pamilya.)
Dr. Vince: Seryoso ka? 'Yong niligtas mong bata ay siya ring anak ni Engr. Ibarra? Are you sure??
Amisa: Trust me, hindi rin ako makapaniwala noong una.
Dr. Vince: Well, may nakain ka sigurong swerte kaya nagkaganun. Pero teka, anong nangyari doon sa mga kidnappers? Hinayaan mo na lang sila doon?
Amisa: ...... Iniwan ko kay No. 6 ang pagliligpit.
(Nagulat si Vincent. Ngayon alam na niya kung bakit bigla siyang naisip na padalhan ng 'welcoming' na text message.)
Dr. Vince: Bakit sa dinami-dami ng pwede mong utusan si No. 6 pa? Kilala mo naman siya, hindi ba? Pagdating sa kaniya, lahat may kapalit.
Amisa: Oo, at 'yan ang dahilan kung bakit ko binigay sa kaniya ang number mo para ikaw na ang bahala sa 'bayad'. Wala kasi akong pera ngayon, eh.
Dr. Vince: Oh... my... God....
Amisa: Yeah, Amen.... Oh, tapos na ba? May pasok pa ako, eh.
(Hindi makapaniwala si Vince sa ginawa ni Amisa pero wala... wala siyang magagawa. Ganito na lang parati. Sa huli, siya ang umaayos ng mga gusot na iniiwan ni Amisa. Hay, ang buhay....)
BINABASA MO ANG
97 Days
Teen FictionGaano mo kakilala ang bestfriend mo? Sigurado ka bang tama ang mga alam mo tungkol sa kaniya? Paano kung ito'y ilusyon lamang? Saksihan ang typical na buhay ng mag-bestfriend na sina Amisa at Elijah. Pero habang-buhay ba silang ganito? Anong pwede...