(Parang matandang nakaratay sa higaan si Amisa. Pero gayunpaman, sinubukan pa rin niyang bumangon at tumayo.Kumpara kanina, mas maganda na ang pakiramdam niya ngayon. Hindi na niya feel na pumunta sa banyo at wala na ang sakit ng tiyan niya. Buti na lang at nakainom siya ng gamot kaagad. Ang tanging problema lang ngayon ay..... nagrereklamo na ang tiyan niya.
Lumabas siya ng kuwarto at dumiretso sa kusina para maghanap ng makakain. Napansin niya ang isang Tupperware na katulad ang design sa Tupperware na binigay ni Ate Jackie kaninang umaga. Nang buksan niya, naglaway siya ng makita ang tinolang manok.
Amisa: Shet, good timing! Kahapon ko pa gustong humigop ng mainit na sabaw..
(Kakain na sana siya nang mapansin ang isang piraso ng papel sa may upuan.)
'Bigay ni Ate Jackie. Sa ref, naglagay si Tatay ng herbal drinks. Inumin mo daw.
P.S. hiniram ko pala ang laptop mo. Dali naman ng password. Birthday mo talaga ha? Lol. -Suzy'
Amisa: Ang batang 'yon. Tsk.
(At karugtong ng message ni Suzy ay ang iniwang mensahe na sa hula niya ay mula kina Boy at Tristan base sa sulat-kamay.)
'Ate get well soon. Para makapaglaro kami ulit sa apartment mo. ☺☺'
Amisa: Ito namang isa, halatang-halata ang motibo.
(Pero still, na-touch talaga siya sa mga ginawa nila. Siguro sa iba, normal lang 'to pero para sa kaniya, malaking bagay ang lahat ng natatanggap niyang kabaitan.
Kaya imbes na itapon, maingat na dinikit niya sa refrigerator ang papel at napangiti ng basahin ito ulit.)
Amisa: Bukas, papasalubongan ko sila pag-uwi ko from school. Tutulongan ko rin sa Manong Greg sa paglilinis ng bakuran at bibisitahin ko rin ang pamilya ni Ate Jackie para makapagpasalamat.)
(Masaya niyang sabi at itinuloy ang naudlot na kainan session.)
Amisa: Huhu, ang sarap. Wala akong pakialam kung sumakit man ulit ang tiyan ko basta kakain ako ng marami ngayong gabi. Magtae man ako----
Girl's voice: ~ Ah! Ah! Dito... Hawakan mo rin ako dito sa baba... ~~
(Muntik nang mabulunan si Amisa sa narinig. Agad siyang uminom ng tubig para malunok ang kanin na sinubo.)
Amisa: Anak ng tipaklong! Ano 'yon? Saan nanggagaling ang boses na 'yon?
Girl's voice: ~Ah! Ngh.. Doon tayo sa bed.. Baka madumihan 'to.. Ah!! ~~
(Nabitawan niya ang hawak na tinidor.)
Amisa: Susmaria! Tama ba ang iniisip ko?! Sa kabila ba 'yan nanggagaling? What? WHAT?!
(Napatayo siya agad at lumapit sa pader na pagitan ng apartment niya at ng kaniyang kapitbahay. Nakarinig na naman siya ng mga kalabog at ungol ng babae.)
Amisa: Hindi ako makapaniwala. Mag-aalas-otso pa lang ng gabi, naglalaro na sila ng apoy?! At dito pa talaga sila nakapuwesto sa pader ha? Hindi ba soundproof ang apartment? Bakit parang...... ah, gets ko na. So, kaya pala mura lang rent. Hmm. Ganun pala. At ang tanga ko naman para umasa na nakasuwerte ako sa pagpili sa unit na 'to. Ngayon alam ko na.. Okay... Hmm.. HINDI!! HINDI AKO OKAY!!!
(Galit na galit na si Amisa. Buti na lang pala at hindi pumunta rito ang mga bata. Dahil kung nagkataon, hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag kung anong ginagawa ng magagaling niyang kapitbahay.)
Amisa: Hindi man lang ba sila nahiya? Kung hindi nila mapigilan may malapit namang motel dito kung alam nilang maninipis ang mga pader sa buong building. Nanadya ba sila, ha?
Girl's voice: Ah! Mmn.. ~~ More! More! Ipasok mo na! Ah! Ah~~
(Hindi nakapagpigil si Amisa kaya nasuntok niya ang pader.)
BAAM!!!
Amisa: @$@%! Sige, lakasan niyo pa boses niyo at sisirain ko na talaga pintuan niyo!! Sige pa!!!
...................
( Biglang tumahimik ang paligid.)
Amisa: Oh, effective. Buti naman at nakaintindi sila. Hmp. Matuto kasing lumugar paminsan-minsan.
(Nang wala na talagang sumunod na ingay, masaya siyang bumalik sa kusina na pasipul-sipol pa.)
Amisa: Ahhh. Katahimikan, at last.
(At tinuloy rin niya ang pagkain ng hapunan.)
After 7 minutes....)
Knock! Knock!!
Amisa: Hmm? Sino kaya 'yon?
KNOCK! KNOCK!!
Amisa: Andiyan na po!
(At binuksan niya ang pintuan.
Nanlaki ang mga mata niya nang bumungad sa kaniyang harapan ang isang matangkad na lalaking nakahubad.
Um, not exactly. Wala lang siyang suot na pang itaas pero... kung may sumulpot bigla sa harap mo na half-naked na guwapo tulad nito eh.. siguradong ahem.. ahem..
Kutsara naman this time ang nabitawan ni Amisa.)
Louis: Congratulations. Nakarating sa akin ang indirect na reklamo mo.
----
BINABASA MO ANG
97 Days
أدب المراهقينGaano mo kakilala ang bestfriend mo? Sigurado ka bang tama ang mga alam mo tungkol sa kaniya? Paano kung ito'y ilusyon lamang? Saksihan ang typical na buhay ng mag-bestfriend na sina Amisa at Elijah. Pero habang-buhay ba silang ganito? Anong pwede...