(Itinigil ni Amisa ang motorsiklo hindi malayo sa malaking bahay na malapit lang sa isang golf course. Dito raw muna nagtatago ang pamilya ni Engr. Ibarra kaya dito niya hinatid ang bata bagamat hindi siya mismo sa gate nagpark dahil siguradong may mga CCTV sa gate at baka makita siya.
Tinulungan niyang makababa mula sa motor si Llyana.)
Llyana: Ate, sigurado ka bang ayaw mong pumasok sa loob? Niligtas mo ako kaya you deserved an award. Sigurado ako 'pag malaman ni Papa---
Amisa: Hindi na kailangan. Ang importante, nakauwi ka na ng ligtas.
Llyana: Pero ang sugat mo. Kailangan mong pumunta sa hospital. Or let my mother treat you, at least!
Amisa: Huwag kang mag-alala, pupunta ako mamaya sa hospital.
(Pagsisinungaling niya para hindi na mag-alala ang bata.)
Llyana: .......... Pwede ba kitang makita ulit?.....
Amisa: ..........
Amisa: Give me your hand.
(Finold niya ang kanang long-sleeve ni Llyana at sinulat sa braso nito ang mobile number niya. Alam niyang risky ang ginagawa niya pero may pakiramdam siyang hindi pa rito magtatapos ang mga pangyayari.
Oo, wala siyang obligasyon sa batang 'to pero nailigtas na niya ito once kaya wala naman sigurong mawawala kung mangyari iyon ulit. At ang isa pa, marami pa siyang dapat na malaman mula sa Ibarra Family.)
Amisa: Dapat walang makakita niyan maliban sa'yo, okay? 'Pag may mangyaring masama, tawagan mo ako.
(Malungkot na tumango ang bata. Muling tiningnan nito ang kanang balikat niya. )
Amisa: Off you go. Sigurado akong nag-aalala na ang mga magulang mo.
Llyana: We'll see each other again, right?Amisa: ........ Yes, we will.
(Nagulat siya ng biglang yakapin siya nito. Waaah, usually ayaw sa kaniya ng mga bata dahil masungit siya pero this kid is....
Tumakbo si Llyana papunta sa gate at ginawa ang lahat para hindi lumingon hangga't sa hindi makapasok sa loob ng compound.
Nang makita na ni Amisa na tagumpay niyang nailigtas ang bata, agad siyang umalis bago pa may makakita sa kaniya.
Pero tumigil rin siya sandali nang makarating sa town at nilabas ang phone mula sa bulsa. Hindi muna niya pinansin ang 15 missed calls at 8 SMS mula sa iisang tao at nagsend ng address sa isa sa mga contacts niya na may pangalang #6.
Pagkatapos ay tinawagan niya ito.)
Amisa: Nasa Pilipinas ka ba ngayon?
#6: Oh, hey, Amisa! Ang tagal nating hindi nag-usap, ah. Musta ka na?
Amisa: I want you to do something for me.
#6: Kasama mo pa rin ba hanggang ngayon si Vincent? Oi, miss ko na rin siya. Naaalala ko pa hanggang ngayon nung operahan niya ako ng walang anesthesia. Grabe! Hahaha!
Amisa: Pumunta ka sa address na sinend ko sa'yo ngayon din.
#6: Wait, bakit feeling ko walang communication na nangyayari sa tawag na 'to? Hahaha!
Amisa: Jin......
#6: Okay, okay, seryoso na 'to, promise. Hahaha. Hindi ka pa rin nagbabago. Grumpy Amisa as usual. Hahaha. So, anong maipaglilingkod ko sa'yo, boss?
Amisa: Pagpunta mo doon sa address na sinend ko sa'yo, may madadatnan kang tatlong bangkay. May nakatakas na isa at sigurado ako hindi pa siya nakakalayo base sa sugat na tinamo niya kanina. Itago mo muna siya and wait for my further instructions.
#6: Okey dokey. Ako bahala. Kailangan ko rin bang linisin ang iniwang mong bakas?
Amisa: As if naman na libre pagdating sa'yo. Wala akong pera ngayon.
#6: Ahahaha! Oo nga, may bayad talaga. Ahaha!
Amisa: Hindi na kailangan. Basta ang importante, mahanap mo siya.
#6: Roger! Oo, nga pala, gusto ko palang ipakita sa'yo ang bago kong Audi R---
(Pinatay na ni Amisa ang tawag dahil baka umabot pa ng isang oras ang kuwentuhan nila knowing this guy.
Chineck niya ang orasan.Lagpas Alas-kuwatro na pala. Shit! Baka wala na siyang maabutan sa basketball game. Agad siyang sumakay ulit sa motor at pinaandar ito. Pero nakaramdam siya ng sakit mula sa kaniyang balikat at bahagyang dumilim ang paningin.
Malaki ang nawalang dugo sa kaniya kanina kaya problema 'to 'pag hindi siya nakapagpahinga kaagad. )
Amisa: <Just another 1 hour to see Elijah... Just another 1 hour..>
----

BINABASA MO ANG
97 Days
Roman pour AdolescentsGaano mo kakilala ang bestfriend mo? Sigurado ka bang tama ang mga alam mo tungkol sa kaniya? Paano kung ito'y ilusyon lamang? Saksihan ang typical na buhay ng mag-bestfriend na sina Amisa at Elijah. Pero habang-buhay ba silang ganito? Anong pwede...