Day 10 (a)

681 21 1
                                    


(Muntik nang mahulog mula sa higaan si Amisa nang makarinig ng malakas na kalabog mula sa labas. Ano 'yon?  Nagising tuloy siya kahit na ang dapat eh mamayang 9 siya babangon dahil sa hapon pa ang pasok niya. Ipinikit na lang niya ang kaniyang mga mata dahil baka sakaling makatulog siya ulit.

Boy1: Hahaha! Nadumihan yong uniform mo. Lagot ka ngayon sa nanay mo! Hahaha!

Boy 2: Ikaw kasi! Ang dumi ng kamay mo. 'Wag mo nga akong hawakan!

(Dumilat agad ang mga mata ni Amisa. Hindi galing sa labas ng apartment ang mga boses na 'yon kundi sa labas lang ng kuwarto niya. Anak ng tipaklong! Paano nangyari 'yon?!

Agad siyang bumangon at lumabas ng kuwarto. Napanganga siya ng makakita ng tatlong bata sa mismong living room niya.)

Amisa: A-anong ginagawa niyo rito? At.. papaano kayo nakapasok???

(Nakilala niya ang dalawang batang pumunta rito noong isang araw para magtanong kung may pasok. At andito rin ang high school girl na ngayon ay relax na relax na nakahiga sa sofa niya at nagbabasa ng magazine.)

Boy1: May susi si Ate Suzy sa apartment mo kaya nakapasok kami. Galing diba?

Amisa: <Ay, dapat ba akong ma-amaze sa galing niyo sa pag-trespass ng bahay? Sinong pinagloloko niyo, ha???>

(Ngumiti naman si Suzy habang nilalaro sa mga daliri nito ang duplicate na susi ng unit niya.)

Amisa: Akin na 'yan.

Suzy: Bakit ko ibibigay sa'yo, eh, duplicate na susi 'to ni 'Tay.

Amisa: Anong ibig mong sabihin?

Boy2: Tatay niya si Manong Greg na may duplicate ng mga susi sa lahat ng unit kaya nahihiram niya kahit kailan niya gusto. Amazing diba?

Amisa: <Like I said, bakit ako dapat ma-amaze, hmm??? At hindi ako makapaniwala na hinahayaan lang ng owner na kunin ng anak niya ang mga susi. My goodness!>

Ano ulit mga pangalan niyo?

Boy1: Ako si Tristan.

Boy2: Boy naman ang pangalan ko. Hehehe.

Suzy: Suzy here..

(Napabuntung-hininga si Amisa.)

Amisa: Okay, Suzy, Tristan, and Boy, ipaliwanag niyo nga sa akin kung bakit kayo andito? Diba may pasok kayo? Mag-aalas-siyete na, oh.

Suzy: Hmp. Di naman kami mala-late kahit alas-siyete na kaming umalis. Malapit lang naman dito ang school namin.

Amisa: Good. Pero ang problema, naiistorbo niyo ako eh. Natutulog ako pero ang ingay-ingay niyo. Ang aga-aga nanggugulo na kayo. 'Yan ang problema rito!

Boy: Okay lang 'yan, Ate Amisa. Ganyan talaga ang buhay. ☺

Amisa: .................. <Bakit wala akong masabi bigla? Ahhhh, wala na akong energy para makipagtalo sa mga bubwet na 'to.>

Hay, bahala na nga kayo. Basta huwag kayong magkakalat. 'Pag ma-late kayo huwag akong sisihin niyo.

Boy&Tristan: Yeheey! Yes po, Ate Amisa.

Suzy: (OK sign)

(Babalik na sana si Amisa sa kuwarto pero napansin niya ang dalawang malalaking supot sa kusina. Pagpunta niya doon nakita niyang mayroon ding Tupperware na nasa ibabaw ng lamesa. Pag-alis niya ng takip, muntik na siyang maglaway ng maamoy ang adobong manok. Maging ang mga supot, sariwang gulay at prutas ang laman.)

Amisa: Kanino galing ang mga 'to?

Suzy: Ah, nakalimutan kong sabihin. 'Yong mga gulay at prutas, galing sa probinsya namin. Pinapabigay nina Nanay at Tatay sa'yo. 'Taz 'yong naka-Tupperware galing kay Ate Jasmine.

Amisa: Jasmine?

Suzy: Hindi mo kilala? Siya 'yong maganda na parang modelo. Nakatira siya sa 4th floor.

Amisa: <Siya yata 'yong nanghingi ng sanitary napkin..... But really, this is..... quite surprising.>

(Sa lahat ng natirhan niyang apartment, hindi pa siya naka-experience ng ganito. Ang experience na tratuhing parang tunay na kapitbahay. Usually kasi, walang pakialamanan. Ni wala ring bumibisita sa kaniya maliban sa landlady na naniningil ng delay na renta. Pero dito, unang araw pa lang, binulabog na siya ng nga kapitbahay. But at the same time.....

Napatingin siya sa dalawang bata na naghahabulan sa sala at sa batang babaeng umaastang para sa kaniya ang bahay. Maiingay nga sila at magulo pero napaka-considerate rin nila. Hindi siya mahilig sa bata pero there she is, naging baby-sitter na. Hindi siya palakausap sa matatanda pero ngayon kung tratuhin siya ni Manong Greg para silang magka-tropa. Kung tratuhin siya ng iba rito, parang ilang taon na siyang okupante sa apartment complex. Here, everything is... new to her.

Everything.

But it's not that bad, right?

Napangiti tuloy siya ng wala sa oras.)

Boy: Oh, nag-smile si Ate Amisa!!

Suzy: Seryoso ka?? Akala ko nga robot siya eh o kaya walang ngipin kaya hindi siya ngumingiti.

Tristan: Ako din! Ako din! Gusto kong makita!

Amisa: Ahhhh, ang iingay niyo. Heto oh, magbaon kayo dito sa mga prutas. Heto, mansanas at orange.

Suzy: Wala bang chips?

Amisa: Ikaw gulay ang baunin mo. Heto sa'yo, ampalaya.

Suzy: Haah??? At bakit ako magbabaon ng ampalaya??? Duh!!

(At mula nun, hindi na naging tahimik ang apartment ni Amisa.)

----

97 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon