Old Days (Part 4)

273 10 7
                                    

(Dalawang babaeng estudyante ang nakatanaw mula sa bintana ng isang silid sa first floor ng gusali habang pinapanood ang grupo ni Elijah Aquino na nakaupo sa isa sa mga bench malapit sa mga school buildings.

Mainit nga ang sikat ng araw pero dahil mahangin, hindi alintana ng mga binata ang init. Napapaligiran pa sila ng mga namumulaklak na halaman kaya para sa dalawang babaeng estudyante, parang nakatingin sila sa isang magandang eksena ng obra maestrang pelikula.)

Girl1: Haaay, ang guwapo talaga ni Elijah Reizen. Sana mapansin naman niya ako bago ako gumraduate. 'Yan lang naman ang hiling ko, eh. Napaka-simple pero bakit hindi ako mapagbigyan?

Girl2: Mapansin lang, ha? Siguraduhin mong 'yon lang ang gusto mo dahil asa ka pa, gurl. Ang ganda kaya ng bagong girl friend ngayon ni Elijah.

Girl1: Ano?? Kala ko ba kaka-break lang nila ng ex niya? May bago na siya agad??

Girl2: Sabi ko na diba, na maganda 'yong bagong gf niya? Baka first time lang niya na makita na in-love siya agad. At saka isa pa, halata namang si Elijah ang nakipag-break doon sa past gf niya kaya madali lang sa kaniya na pumasok sa bagong relationship.

Girl1: Ano ba 'yan? Huhuhu... Wala na ba talaga akong pag-asa kay Elijah? Unfair naman, super.

Girl2: I already told you, 'wag ka nang umasa. Kaya nga mag-stick ka na lang doon sa pangarap mong mapansin niya. I repeat, 'mapansin lang' at wala ng iba.

Girl1: Alam mo, napaka-nega mo. Kanina ko pa napapansin. Kaibigan ba talaga kita? Down na down na nga ako kasi tinawag ako sa guidance office kanina tapos dinadagdagan mo pa.

Girl2: Just showing you the reality of life, gurl. Mahirap umasa sa wala.

Girl1: Hmp!

Girl2: Kung ako sayo, kay Mark na lang ako lalapit. Baka may chance pa ako, no?

(Nalipat ang focus ng naunang babaeng estudyante sa lalaking naka-akbay kay Elijah na may brown na buhok.)

Girl1: Si Mark ba kamo?

Girl2: Hindi nga siya kasing-guwapo ni Elijah pero sikat din siya among girls. Tingnan mo, ang kisig din niya, diba? Mas approachable pa siya kaysa kay Elijah. Narinig ko nga pinatulan niya last month 'yong sobrang baduy manamit na third year kaya sigurado ako gurl, may chance ka sa kaniya.

Girl1: Hey, talaga??... Teka, sinasabi mo ba na magkasing-level kami ng baduy na third-year na 'yon??

Girl2: Parang ganun na nga........ Hindi, I mean...

Girl1: WHAT?? Excuse me---

Girl2: Uy, uy, tumingin ka sa kanan, oh. Tingnan mo 'yong paparating.

Girl1: Babalikan kita mamaya doon sa sinabi mo kanina, ah..

(Lumingon nga siya at nakita niya ang babaeng naka-uniform tulad nila at naglalakad sa sidewalk at madadaanan sila maya-maya. Mahaba ang buhok nito at maputi ang kutis. Maitutulad sana ito sa ibang normal na estudyante ng school kaso lang may kakaiba sa mga mata nito na hindi niya mawari kung ano.)

Girl2: Ayan na naman siya. Ang weird niya, diba? Tingnan mo, wala na naman siyang kasama. Siguro sarili niya kinakausap niya o kaya may imaginary friends siya. Eeegh, creepy.

Girl1: Si Amisa? Ang tagal ko siyang hindi nakita, ah. Last week pa 'ata.

Girl2: Hindi mo lang siya napapansin kaya akala mo hindi mo siya nakikita. Napaka-irrelevant kasi niya kaya ultimo presensiya niya, hindi napapansin. Hahaha!

Girl: Mali ka! Hindi ko siya nakikita kasi parati siyang absent. Ilang beses na nga siyang natatawag sa faculty office dahil doon.

Girl2: Talaga? Kung ganun, bakit pa siya andito? Dapat matagal na siyang na-drop. Ako nga nag-skip lang ng isang beses dahil nag-attend ng concert, napatawag na agad sa faculty office. Super strict kaya ng school sa tardiness at absences.

97 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon