(Sa Hilagang bahagi ng lungsod, may tanyag na bundok roon na noo'y kilalang tourist spot. Maraming umaakyat rito para makita ang tuktok o kaya'y binibisita ang lumang Buddhist temple na sikat sa mga foreigner. Pero dahil sa sunod-sunod na aksidenteng naitala tungkol sa mga umaakyat rito, ipinagbawal ang pagtanggap ng mga tourista. Hanggang sa makalimutan na ang bundok at tuloyan nang inabandona.
Pero dahil rito, napanatili ang kalinisan at kagandahan ng lugar. Malinis pa rin ang hangin, sagana sa flora at fauna, at ang higit sa lahat, walang mga taong nagtatangkang sirain ang kalikasan.
Hindi alintana ang panganib sa bundok, isa na si Amisa at ang kaniyang ama sa mga taong nahalina sa ganda ng kabundukan.Walong taong gulang si Amisa nang dalhin siya ng kaniyang ama sa bundok at nag-picnic sa gilid ng sapa malapit rito. Mula noon, paulit-ulit silang bumalik hangga't sa isang araw,
... mag-isa na lang si Amisa na bumibisita roon.)
Elijah: A-amisa... sigurado ka bang hindi tayo naliligaw?.. I mean... kanina pa tayo naglalakad... It would really help if sasabihin mo muna sa akin kung saan tayo pupunta....
(Napahawak siya sa malapit na puno dahil hinihingal na siya habang si Amisa ay pasimple pa ring naglalakad at hindi alintana ang layo ng kanilang nilalakad.)
Amisa: Huwag kang mag-alala, malapit na tayo.
Elijah: Oo, pero 'yan rin ang sinabi mo 30 minutes ago at--
Amisa: We're here.
(Lumingon si Amisa sa kaniya at ngumiti.)
Elijah: You better not be kidding because........
Wow....
(Napanganga si Elijah sa nakita. First time niyang makakita ng ganito ka-breathtaking na sapa. Sa sobrang linis nito, kitang-kita niya ang mga halaman sa ilalim at mga isdang lumalangoy. Dahil sa palubog na rin ang araw, unti-unti na ring nagsisilabasan ang mga alitaptap sa paligid na tumutulong magpailaw sa paligid.
Pagkatapos niyang madulas ng dalawang beses, habulin ng palaka--that is very embarassing by the way because of all animals palaka talaga ha?-- at maglakad ng pagkalayo-layo ay nakarating rin sila sa wakas. Nakalimutan niya bigla ang pagod na nararamdaman.)
Elijah: It's so.... beautiful...
(Hiling tuloy niya, manatili na lang dito habam-buhay...
Pagtingin niya kay Amisa, nakita niyang nakapikit ito.)
Amisa: Nagustuhan mo ba?
Elijah: Oo, I love it. Pero paano mo nahanap ang lugar na 'to?
(Ngumiti na naman si Amisa. Wow, ilang beses na niyang nakitang nag-smile ang bestfriend sa loob lang ng isang araw. This is a miracle. A miracle, indeed.)
Amisa: May nagsabi sa akin tungkol sa lugar na 'to. Malaki talaga ang utang ng loob ko sa kaniya for showing me this lovely place...
(Nakatitig pa rin si Elijah kay Amisa. Hindi niya maiwasang magtanong sa sarili kung sino ang tinutukoy ni Amisa. Kilala ba niya?
Sa wakas ay dumilat ang mga mata nito. Pero tulad kanina ay ligaw ang paningin nito sa paligid at hindi niya mawari kung anong iniisip. Pero dahil nakangiti ang kaniyang bestfriend, hindi na siya nagtanong. Kontento na siya doon. I-enjoyin na lang niya ang moment. Natawa tuloy siya nang may dumapong alitaptap sa kaniyang ilong.
Habang si Amisa ay nakatingin sa kawalan. Nagpapasalamat siya at kasama niya si Elijah dahil kung hindi, kanina pa siguro siya napaiyak.)
Amisa: (Patawarin niyo ako, Papa. Hindi ko tinupad ang pangako ko....
Anong gagawin ko? Gusto ko lang talaga siyang protektahan... >
(At luhaan siyang napatingin sa bestfriend na masayang pinapaligiran ng mga umiilaw na alitaptap.)
(Natatakot ako, Papa.. Natatakot ako.. Napaka-importante niya sa akin..
mas importante pa kaysa sa buhay ko...>
----
Thank you for reading. :) Don't forget to vote and follow A. Michalski. :)

BINABASA MO ANG
97 Days
Fiksi RemajaGaano mo kakilala ang bestfriend mo? Sigurado ka bang tama ang mga alam mo tungkol sa kaniya? Paano kung ito'y ilusyon lamang? Saksihan ang typical na buhay ng mag-bestfriend na sina Amisa at Elijah. Pero habang-buhay ba silang ganito? Anong pwede...