Day 4

959 24 40
                                    


( Sa university library.. Tumabi si Elijah kay Amisa na busy na nagsusulat.)

Elijah: Good morning, Amisa .....Whoah, you look terrible. Nagpuyat ka ba?

Amisa: Hindi ako nakatulog kagabi. Tinapos ko pa 'tong assignment. Diba ako ngayon 'yong gagawa ng assignment natin? Pero damn, ang hirap at 3 pages pa.

Elijah: Tinapos mo lahat in just one night? Wow, you're the best. Thanks, Amisa!

Amisa: Huh. 'Wag ka ng magpasalamat dahil ikaw naman gagawa next.

Elijah: Roger! Pero ako, hindi rin nakatulog ng maayos for how many nights na. Tapos ang sakit pa ng likod ko.

Amisa: Ha? Napano ka?

Elijah: Ang dami kasing scratches sa likod ko kaya hindi ako makasandal ng maayos lalo na kapag nakaupo at nakahiga ako. Tsk.

Amisa: <...Ano daw?.....Scratches? Puyat? Every night?? At may scratches?? Don't tell me......>

Elijah: Ang hirap kaya kasi---

(Napakabilis ng pangyayari at sa loob lang ng isang segundo, galit na galit na hawak ni Amisa sa kwelyo si Elijah.)

Amisa: Walang hiya ka! Ako, masakit  ang likod dahil nakayuko buong gabi para lang magawa ang assignment natin. Tapos ikaw, sumasakit ang likod dahil may gino-goodtime gabi-gabi!! Ano? Na-enjoy mo ba?? Worth ba ng mga scratches mo sa likod ang overnight na exercise mo? HAH?? WALA KANG UTANG NG LOOB!

Elijah: Amisa, a-anong pinagsasabi mo diyan? Ca-calm down! Mali ang pagkakaintindi mo. It was my pet cat's doing!

Amisa: Pusa pa ang ginamit mong dahilan, ah? At kailan ka pa nagka-pusa, ha???? Traydor!! Katapusan mo na talaga ngayon!!

Elijah: WAAAAH!!! Eme serey!!!!

Librarian: You two!! Get out!!

Amisa: ......................

Elijah: ........................

( 5 minutes after,  sa labas ng library..

Tinitingnan ni Amisa ang picture ng isang maputing pusa mula sa iPhone ni Elijah. Napakamot siya ng wala sa oras.)

Elijah: I adopted her last Monday. Hobby talaga niya ang i-scratch ang mga nails niya sa kahit saan. And recently, ang likod ko ang tina-target niya lalo na kapag natutulog ako. That's all.

Amisa: Ahem.. Ahem.. My bad.. Pero bakit kasi hindi mo sinabi agad. Ayon tuloy..

Elijah: Ayaw mo kasi akong pakingggan. And of all things, bakit 'yon pa talaga naisip mo?

Amisa: Ang ano?

(Humakbang palapit sa kaniya si Elijah.)

Elijah: Me....

(..Nang mas malapit pa at napaatras si Amisa.)

Elijah: Doing 'that'...

(Nang mas malapit pa..)

Amisa: Oi, anong ginagawa mo?

(At mas malapit pa.)

Elijah: Every night....

(Hanggang sa masukol si Amisa sa pader. Napalunok siya.)

Amisa: Oi.. You're too close...

(Namula ang pisngi niya ng makitang isang inch na lang ang layo ng mukha ni Elijah.)

Elijah: Tell me, sinong nai-imagine mong kasama ko during those 'times'?

Amisa: Ha-ha????? A-a-anong pi-pinag..sasabi mo di-diyan?

Elijah: (stare)

Amisa: (stare)

(At nabuksan ang pintuan ng library)

Librarian: Hay naku, ang mga estudyante talaga ngayon! Kung anu-anong-----

Elijah: ...............

Amisa: ..............

Librarian: ................

(Nagpanggap na lang ang librarian na walang nakita at pumasok ulit sa loob ng library.

After 5 minutes...)

Elijah: Hindi ako makapaniwalang bawal na tayo sa library for 2 weeks. Hmp! 

Amisa: (facepalm while blushing)

----



97 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon