Day 11 (d)

567 17 4
                                    

(Ngayon, sanay na si Amisa na may maabutan sa apartment pag-uwi niya. Sinalubong siya nina Boy at Tristan at hinila papunta sa kusina. Pero kasama na rin doon ang pagkainis dahil siya ang nang-uupahan rito pero bakit mas nauuna ang bisitang kumain at ginagamit pa ang kusina niya.

Naririto rin si Manong Greg kasama ang anak. Nililipat niya sa malalaking plato ang mga ulam na galing sa mga tupperware na dala. Habang si Suzy ay ina-arrange sa mesa ang mga plato at kubyertas.)

Amisa: Um... Dito ho kayo maghahapunan?

Manong Greg: Oo, dito nga. Sana hindi ka namin naiistorbo heheeh. Sige maupo ka na.

Amisa: <Ah, hindi niyo na po kailangang ipagalala 'yan. Iniistorbo niyo na ako ever since nung lumipat ako rito.>

(Umupo rin si Amisa at sinaluhan sila.)

Amisa: Si Aling Martha, saan po siya? Bakit hindi niyo siya sinama rito para sabay-sabay na tayong kumain?

Suzy: Umuwi muna siya sa probinsiya. Kaya nga namin dinala rito ang hapunan namin dahil wala kaming kasama doon sa bahay.

(Nabuksan ang pinto sa sala at pumasok si Jasmine.)

Jasmine: Helloooo ~. Ay, naghahapunan pala kayo? Ang swerte ko naman!

Boy: Ate, dito ka na kumain para mas marami tayo. Ang saya diba?

Amisa: <Diba dapat ako ang nagsasabi niyan sa bisita? 😑>

(Masayang tinanggap naman ni Jasmine ang alok at umupo sa bakanteng upuan.)

Manong Greg: Jasmine, umuwi rin ba sa probinsiya ang nanay mo?

Jasmine: Oho, umalis sila kaninang umaga. Gusto ko rin sanang sumama kaso may pasok pa ako sa trabaho.

Amisa: <Ahh, so kaya rin siya dito nakikikain dahil wala rin siyang kasama sa bahay.>

Jasmine: Ikaw Amisa, nakapunta ka na ba sa probinsiya namin?

(Napag-alaman ni Amisa na karamihan sa tenant ng Aquino Apartment Complex ay mga kamag-anak lang ni Manong Greg at galing sa iisang probinsiya.)

Amisa: Hindi pa po ako nakakapunta roon.

Manong Greg: Piyesta dun ngayon. Isasama ka sana ni Martha sa probinsiya namin kung wala kang exam kaso meron. Sayang talaga.

Amisa: <Ha? Bakit nila ako isasama? Hindi naman nila ako relative o matagal na kakilala. Why would they go all the way para lang makita ko ang probinsiya nila? >

Tristan: Tama si Manong Greg Ate Amisa. Dapat maranasan mo rin ang sariwang hangin at magandang tanawin sa probinsiya. Parati ka kasing nagkukulong sa loob ng apartment mo at natutulog.

Suzy: Hmp, napakaboring talaga niya, as usual.

(Pinandilatan niya si Suzy pero nagpanggap lang na parang walang sinabi ang mas bata sa kaniya at hindi siya pinansin.)

Jasmine: Don't worry, Amisa. Sa susunod na holiday, isasama kita. Let's stay there for two days, okay?

(Sa paraan ng pananalita nito para bang niyayaya lang siyang pumunta sa kalapit na kanto at hindi sa lugar na aabutin ng tatlong oras na biyahe. Pero gayunpaman, walang nagawa si Amisa at napapayag rin.)

Boy: Kayo lang?? Sama din kami!

Manong Greg: Hmmm, magandang ideya 'yan. Parang gusto ko ring umuwi. Anong sa tingin mo Suzy?

Suzy: Whatever...

Tristan: Sama din ako! Maliligo ako sa ilog at mangmimingwit ng mga isda!

Jasmine: It's decided then. Lahat tayo uuwi this holiday. Isn't that exciting? 😇

Amisa: Ah..um... oo.. exciting nga.....

(Hindi alam ni Amisa kung anong nangyari pero apparently sasama siya sa kanila kahit hindi siya taga-roon. Bakit parati na lang siyang nahihila sa mga kalukuhan ng mga tenant ng apartment complex na'to? But to think of it, hindi pa niya nararanasang magbakasyon kasama ang maraming tao....

Napatingin siya sa mga kasama. They all look so happy. Wala rin naman sigurong mawawala sa kaniya kung sumama siya diba?)

Amisa: Oo. Exciting nga......

(Pagkatapos nilang kumain, nagpaalam na ang mga kapitbahay niya. Habang naglalakad pabalik sa mga sari-sariling apartment...)

Jasmine: Ay, oo nga. Nakalimutan kong itanong kay Amisa. Diba may motorsiklo siya? Bakit hindi niya ginagamit kapag may pasok siya sa university?

Manong Greg: Napansin ko rin 'yon pero ang sabi lang niya nagtitipid daw siya ng gas kaya nagco-commute na lang siya.

Jasmine: Ganun ba?........

----

97 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon