(Alas-kuwatro na ng hapon at marami nang nagsisiuwian na mga estudyante. Kasama na doon si Suzy na nagmamadaling umuwi sa bahay. Pero dahil andami niyang kasabay na naglalakad sa kalsada, hindi siya halos makasingit. Wala pa naman siya sa mood, aish.
Mas nadagdagan pa ang pagkainis niya nang makita sina Tristan at Boy na papunta sa kaniyang direksiyon. Pareho silang nakasuot ng mga school uniforms at nasa likod ang malalaking bagpack. Tulad niya ay pauwi na rin ang mga ito. Magkalapit lang kasi ang mga paaralan nila kaya parati silang nagkakasabay. Binilisan niya ang paglalakad para hindi siya abutan ng dalawang bata.)
Boy: Ate Suzy!! Yohooooo~
Suzy: Tsk, ang iingay pa...
(Pero nakahabol rin sa kaniya ang mga kapitbahay kaya ngayon ay sabay na rin silang naglalakad. Hay, nakakahiya tuloy. 'Yong iba, kasabay umuuwi ang mga friends pero siya mga bubwet ang mga kasama. Mas nagiging obvious tuloy na wala siyang mga kaibigan.)
Tristan: Nakauwi na ba si Amisa?
(Gulat na napatingin si Suzy sa nagtanong na si Tristan na may dala-dalang soccer ball.)
Boy: Di-diretso kami ngayon sa apartment niya. May nahiraman kaming soccer ball, oh. Pwede kaya kaming maglaro doon?
Tristan: Kaso diba hindi pa siya umuuwi simula kahapon? Dumating na kaya siya?
(Biglang nakaramdam ng kaba si Suzy. Kagabi, nagtaka siya ng hindi umuwi si Amisa sa apartment nito. Nanatili silang tatlo doon at inabutan hanggang alas-nuwebe sa paghihintay pero wala. Tapos kaninang umaga bago siya pumasok ng school, sinilip niya ang apartment unit ni Amisa pero kagaya kagabi nang iwan niya, ay wala ring tao.
May nangyari kaya?....)
Tristan: Ate, okay ka lang?
(Doon lang niya napansin na huminto pala siya sa gitna ng kalsada at tinutulak na ng mga nasa kaniyang likuran dahil nakalikha siya ng traffic.
Agad niyang tinuloy ang paglalakad at humabol sa dalawang bata na naghihintay sa kaniya.)
Boy: Masakit ba ang tiyan mo, Ate? O natuloyan ka na? Gusto mo hanap tayo ng malapit na CR rito?
Suzy: Tumigil ka nga. Hindi ako nadudumi, no? May iniisip lang ako. Tara na nga, bilisin natin ang paglalakad. Gusto ko nang makauwi.
Tristan: Pero si Ate Amisa? Madadatnan ba natin siya sa apartment niya pag-uwi natin?
(Matagal bago nakasagot si Suzy.)
Suzy: Oo naman.... may mauuwian pa ba siyang iba? At saka nag-overnight lang siguro siya sa bahay ng kaibigan niya kagabi kaya hindi nakauwi. Ganun talaga mga college students. Kaya kayo, huwag niyong ipagsasabi sa iba ang tungkol sa hindi pag-uwi ni Amisa kagabi, okay? Lalo na sa mga nakatira sa complex.
Tristan: Pero bakit hindi niya sa atin sinabi? Pinapaalam naman niya sa atin kapag mala-late siyang umuwi para balaan tayo na hindi sunugin ang bahay niya just in case. Pero kahapon wala naman siyang nabanggit.
(Napakunot-noo si Suzy. Natapakan ng isang babaeng estudyante ang kaliwang sapatos niya nang nagmamadali itong sumingit sa kaniyang tabi. Normally, hihilain niya ang buhok ng sino mang may kagagawan nun dahil hindi pinapakinis ng Tatay niya ang sapatos niya tuwing madaling araw para magmukhang brand new araw-araw para tapak-tapakan ng ganun-ganun na lang.
Pero dahil busy ang utak niya sa pag-iisip kung nasaan ang isa sa mga tenant ng apartment complex nila, wala na lang siyang ginawa. Kinurot na lang niya si Tristan sa braso.)
Suzy: Ba't ba andami-andami mong tanong, ha? Kay bata-bata mo pa, andami mo nang napapansin.
Tristan: Aray! Masama bang magtanong? At saka hindi ba kayo nag-aalala? Nitong mga nakalipas na araw, kakaiba ang kinikilos ni Ate Amisa. Para siyang.....
BINABASA MO ANG
97 Days
Teen FictionGaano mo kakilala ang bestfriend mo? Sigurado ka bang tama ang mga alam mo tungkol sa kaniya? Paano kung ito'y ilusyon lamang? Saksihan ang typical na buhay ng mag-bestfriend na sina Amisa at Elijah. Pero habang-buhay ba silang ganito? Anong pwede...