Day 14 (c)

527 19 5
                                    


( Inis na inis na si Gina. Hindi talaga niya ma-predict kung anong susunod na gagawin ni Amisa. Una, hindi niya inasahan na ganun pala kahigpit ang hawak nito sa leeg ni Elijah. She can't believe na naniwala agad si Elijah na walang relasyon si Amisa at nang doktor na 'yon kahit na alam niyang may na-realize ito from observing the two.

Pangalawa, ay si Elijah ang nakabasa ng blackmail note niya na dapat eh para kay Amisa. At ang panghuli..

What the heck is she doing in St. Peter Academy????

May kapatid ba siyang nag-aaral diyan??? Pero ang narinig niya only child naman daw ito. Pero siyempre hindi pa niya naco-confirm 'yon. To think of it, wala rin siyang nasagap na information tungkol sa mga magulang nito o kung saan siya probinsiya nanggaling. Kung iisipin niya, Amisa is really ... mysterious.

Pinark niya ang motorsiklo sa tapat ng internet shop ilang metro ang layo sa kainan kung saan pumasok si Amisa pagkababa nito ng jeep. Bibili ba 'to ng pagkain para sa kapatid na nasa loob ng academy? Siguro. Why not?

Hay naku, heto siya nag-aanticipate na may malalamang sekreto 'yon pala wala. Pupunta lang naman pala si Amisa para umattend ng foundation day ng St. Peter Academy churva. In other words, nagsayang lang siya ng panahon. )

Gina: Wait, bakit nagmamadali siyang tumawid?..... Ha? Saan siya pupunta? .. Hmp, bahala siya. Basta ako nagugutom na ako. Hindi pa ako nakakapag-lunch. Hindi naman siguro siya babalik doon sa kainan diba? Bibili na lang muna ako ng kahit anong makakain diyan. Hindi pa ako nakakapag-pananghalian dahil sa kakasunod sa kaniya. Hmp.

(Iniwan na niya ang susi sa motorsiklo maging ang helmet saka naglakad papunta sa kainan. Pagkabili ng pagkaing sandwich, binalikan niya ang motorsiklo sa harap ng internet shop at.....

Gina: < Oh.. my... God...

Si Amisa..

papunta rito...

Nakita niya ako!!

Nalaman ba niya na sinusundan ko siya?? Ano nang gagawin ko? Tatakbo ba ako?? Lord, help me!!>

(Tumatakbo nga sa direksiyon niya si Amisa. Napaatras si Gina sa takot. Nang tumigil mismo sa harap niya ang taong dapat ay huling makakita sa kaniya rito, napapikit siya sa sobrang kaba.)

Amisa: Hihiramin ko muna 'tong motorsiklo mo, ha? Don't worry ibabalik ko din.

(Iminulat ni Gina ang mga mata. )

Gina: .......

(Sumakay si Amisa sa motorsiklo at tumingin sa kaniya.)

Amisa: Helmet, please.

Gina: Ah, su-su-sure.

(Sinuot ni Amisa agad ang helmet pagkabigay sa kaniya ni Gina.)

Gina: O-okay lang kahit anong gawin mo sa motor ko! Um.. Nasa sa'yo na rin kung hindi mo ibabalik agad. Hahaha---

(Parang kidlat sa bilis na tumakbo ang motor at sa isang idlap ay wala na sa harap niya si Amisa.)

Gina: A-Ah anong..

(Ang mga taong malapit sa kanila ay nagulat rin sa bilis ng takbo ng motor. Pero kung nagulat sila, mas nagulat naman si Gina.)

Gina: Marunong pala siyang mag-motorsiklo?....... At ganun kabilis.....

(Nakanganga pa rin siya. Kanina ngang gamit niya ang motor na 'yon, natatakot siya kasi may pagka-bulky hindi tulad ng nakagawian niyang Vespa. Pero si Amisa, she's driving it like a pro.... )

Gina: Tama talaga ako....

Amisa really never fails to suprise me...

(Napatingin siya sa kalsadang nasa unahan niya. Wala na siyang makitang anino ni Amisa o ang motorsiklo niya for that matter.

Napabuntung-hininga tuloy siya. Ayaw man niyang aminin pero.. nakaramdam siya ng... inggit....)

Lalaki1: Miss, okay ka lang? Motor mo 'yon, diba? Tinangay ba sa'yo?

(Lumingon si Gina sa dalawang lalaking mukhang nag-aalala matapos masaksihan ang nangyari.)

Gina: Pati puso ni Elijah, kinuha na rin niya.......

Lalaki2: H-ha??

(Nagkatinginan ang dalawang lalaki dahil sa kakaibang kinikilos ni Gina. Pero walang paki ito at umalis na lang habang tulala pa rin. )

Gina: Hay, wala na pala akong pera. Maglalakad pala ako pauwi.... Ito ba ang tinatawag na karma?....

(Nakatanggap siya ng notification mula sa kaniyang cellphone. Nag-post pala si Elijah sa Instagram with a caption,

'Will be watching the b-game with my bestfriend #TimeWithBestie #GoForTheWin'

Kasama ang isang selfie na ang background ay ang gym na puno na ng mga tao.)

Gina: Ah.. karma nga..

(At para siyang ewan na naglakad pauwi.)

----

97 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon