Day 11 (e)

542 18 4
                                    


(Tumigil ang magarbong kotse sa pinakamalaki at pinakamahal na condominium sa buong region. Gusto sanang umakyat ni Frederick hangga't sa unit ni  Elijah para masilip nito kung kumakain pa ba ito ng tama o hindi.

Pero dahil pagod na ang kaniyang boss, ayaw na niyang istorbohin ito. Lalo na't mas lumala ang mood nito at hindi mapakali sa upuan kanina habang tawag ng tawag sa numerong hindi naman siya sinasagot.

Pagpasok ni Elijah sa kaniyang condominium unit, patuloy pa rin niyang tinatawagan si Amisa pero walang nagbago. Wala pa ring sumasagot.

Tulog na ba siya? No, hindi naman naka-silent ang phone nito kahit nasa bahay ito. Low-bat ba? No, there's a charger for that either.

Elijah: But why she's not answering my calls? Damn it!

(Nag-flash na naman sa memorya niya ang babaeng naka-motorsiklo. If si Amisa nga 'yon, hindi naman siya magagalit. Gusto lang niyang malaman kung bakit hindi nito sinabi sa kaniya na marunong na pala itong magmaneho. Mas matutuwa pa nga siya eh dahil magandang bagay 'yon.

Well, hindi pa naman siya nakakasigurado. And that's why he really wants to know already. But Amisa seems busy and not responding to his calls.

Nakalimutan na niya ang pagsakit ng ulo niya. At mas lalong nakalimutan niya na dapat eh tatawag siya sa girlfriend niya ngayong gabi. But because of Amisa.....

This is what Amisa is doing to him lately. Ang bestfriend na lang niya ang iniisip niya buong araw.

Which is not good... and must be stopped....

Huminga siya ng malalim and decided na bukas na lang niya tatanungin si Amisa. For now, he really need rest and sleep.

Isa-isa niyang hinubad ang mga damit at pumasok sa banyo. Pagkatapos niyang maligo at napa-dry ang buhok, nagsuot siya ng pajama pants at hinayaan nang walang pangitaas saka dumiretso sa higaan.

Umalis sa sofa ang pusa niya at lumipat sa higaan at tumabi sa kaniya gaya ng nakagawian. Dapat ay nakatulog na rin siya kaagad sa sobrang pagod pero ang mga mata niya ay palingon-lingon sa cellphone na nasa ibabaw ng bedside drawer.

Sa bandang huli, bumigay rin siya at kinuha ang phone. )

Elijah: Should I call her again or just send her a text message?

.............................

That's it. Text message, it is.

(At nagtype siya ng maikling mensahe at sinend sa bestfriend.

Sa Aquino Apartment Complex, tinago ni Amisa sa kaniyang kuwarto ang isang pulanh cellphone na kakatapos lang niyang gamitin. Safe doon at hindi makikita ng mga bata kapag naglalaro sila dahil pinagbabawalan niya ang mga ito na pumasok sa kaniyang kuwarto.

Nang masigurong okay na ang lahat, narinig niyang tumunog ang isa niyang cellphone na kulay puti naman na siyang parating ginagamit.

Pagtingin niya, SMS pala na galing kay Elijah.)

Amisa: At ano na namang kailangan niya at this time of the night?

(Binuksan niya ang text at binasa.)

'I can't sleep..'

Amisa: Hay naku.... para talaga siyang bata....

(Napailing na lang siya at tinapon sa ibabaw ng sofa ang cellphone.

Makalipas ang isang oras.....

Dahil sa pagod, nakaidlip rin si Elijah. Sa kaniyang kanang kamay, hawak-hawak pa rin niya ang mobile phone.

Wala siyang kaalam-alam na may nakatayo malapit sa higaan niya....

na nakatitig sa natutulog niyang anyo.

Pagkatapos ay lumapit ito sa kaniya, inayos ang kumot at binawasan ang liwanag ng mga ilaw.

Sa huling minuto, tiningnan uli siya nito at inalis ang mga buhok na tumatakip sa kaniyang mga mata.

Biglang nabahiran ng lungkot ang seryosong expression ng mukha nito...)

Amisa: Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko sayo, Elijah....

----

97 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon