(Sa loob ng classroom..)Amisa: Psst.. Pahiram nga ng ballpen.
Elijah: (kumuha ng extra pen mula sa bag at binigay sa katabi)
Alam mo ba, kaya ako na-late kanina kasi nadulas ako doon sa 3rd floor, sa hallway na tapat ng faculty office ng College of Engineering. Pero buti na lang walang nakakita sa akin.
Amisa: <Hindi lang pala ako ang nadulas doon? Pero bakit nung ako andaming tao doon. Tsk. Nakakahiya talaga.>
Elijah: Ha? Nadulas ka rin doon? Hahaha! Akala ko ako lang! Hahaha!
Amisa: Shhh! Ang ingay mo! Kailangan mo pa ba talagang ipagsigawan? At proud na proud ka pa, ha? Batukan kita diyan.
Elijah: Haha! Masaya lang ako kasi may kasama pala akong nadulas doon. Pero teka, paano ka nadulas? Nauna ba likod mo or you landed on your belly? Marami ba nakakita sa'yo?
Amisa: ....................
Elijah: Ah! So, tama nga ako! Marami ngang nakakita sa'yo. Hahahaha! Sana nakita ko. Sigurado ako nakakatawa 'yon. Hahahahaha!
Amisa: Kaibigan ba talaga kita, ah? Imbes na tanungin mo ako kung nasaktan ako, ikaw pa ang may lakas na loob na tawanan ako. Gusto mo, i-rewind natin ang pangyayari kahapon? Pero this time, ako ang tutulak sa'yo. Ano, ha?
Elijah: Hahaha! Nadulas si Amisa! Hahaha!
Amisa: Oi, nakikinig ka ba?? Gusto mo talagang----
Professor: Ahem, ahem..
Amisa: ...........
Elijah: ............
Professor: I'm glad that you two are willing to share some of your embarrassing experiences but I hope you're aware that we are in the middle of a quiz right now.
Elijah: .............
Amisa: .............
Elijah: Quiz pala 'to? Akala ko seatwork.
Amisa: Buti ka pa inakala mo na may seatwork tayo. Ako nga hindi ko napansin na kanina pa andiyan si Sir.
😂😂
----

BINABASA MO ANG
97 Days
Teen FictionGaano mo kakilala ang bestfriend mo? Sigurado ka bang tama ang mga alam mo tungkol sa kaniya? Paano kung ito'y ilusyon lamang? Saksihan ang typical na buhay ng mag-bestfriend na sina Amisa at Elijah. Pero habang-buhay ba silang ganito? Anong pwede...