Day 16 (d)

402 15 5
                                    

(Sinubukang umatras ni Louis ngunit wala nang natitirang espasyo dahil para sa iisang tao lang naman talaga ang cubicle ng banyo PERO BAKIT BIGLANG PUMASOK DITO ANG BABAENG 'TO??!! AISHH!! )

Louis: A-a-anong sa tingin mong gina-ginagawa mo rito?? H-ha???

(Nilakasan niya ang loob para kausapin ang bestfriend ni Elijah pero nang harapin siya nito kasama ang walang emosyon na mukha, napaatras rin siya ulit sa takot. Malay niya baka may binabalak 'tong masama sa kaniya kaya sinundan siya rito sa restroom. Hay, grabe, hindi pa ba 'to satisfied sa pagsuntok sa kaniya kanina?? )

Amisa: Ako dapat ang magtanong sayo niyan. Anong ginagawa mo sa CR ng mga babae?

Louis: ....

Louis: Ha??

(Itinuro ni Amisa ang katapat na banyo pero parang hindi na-gets ni Louis ang ibig niyang sabihin dahil nakanganga lang ito sa kaniya.)

Amisa: What I mean to say is, nasa tapat ang CR ng mga lalaki kaya bakit ka andito?

Louis: Kung ganun....

Amisa: Oo, tama ang iniisip mo. Ganito ka ba ka-slow?? Tsk!

Louis: Hindi, ah. Nagkamali lang ako---

(Natigilan siya nang marinig ang mga boses sa labas. Hindi rin nagtagal at nakilala rin niya ang pamilyar na boses ni Elijah. )

Owner: Ay, naku, sir, hindi na kayo dapat nag-abalang pumunta rito. Pwede naman naming i-deliver sa inyo. ~~

(Umismid si Frederick na kasama ni Elijah. Halatang-halata namang gustong-gusto nilang makita ang boss niya kaya kunwari pa sila. )

Elijah: It's okay, po. Dadaan rin naman ako rito sa Center Point and besides, I'm not really that busy.

Frederick: <Sir, anong hindi busy? Late na nga tayo, oh! >

Girl1: Nagustuhan niyo po ba ang arrangement ng inorder niyong bouquet?~~

Elijah: Yes, I like it. Thank you very much.

(Nanghina na naman ang tuhod ng mga babaeng empleyado nang ngitian sila ni Elijah.)

Owner: Naku, kami dapat ang magpasalamat sayo dahil patuloy mong tinatangkilik ang shop namin. Ay teka, para po ba 'to sa.. alam niyo na.. kasintahan niyo..?

Elijah: Oh, hindi po. This is for a friend of mine who is currently admitted at a nearby hospital.

Owner: Aaah.. ganun po ba?

(Sunod-sunod na napatango ang mga babaeng empleyado.)

Owner: Eh, 'yong nabanggit niyo pong hindi mahilig sa bulaklak? Kumusta na po siya?

Frederick: .....

Elijah: Ah, actually, she's my bestfriend.

(Nagkatinginan naman this time ang dalawang empleyado habang si Frederick ay nagulat din dahil unang beses niyang narinig ang tungkol rito. Si Sir Elijah may bestfriend? Hindi pa kasi niya name-meet kaya... sino?

Sa likuran naman ng shop, napatingin si Louis sa kaharap na kanina pa niya iniiwasang tingnan. Hindi nagbago ang expression ni Amisa pero may napapansin siyang kakaiba.)

Elijah: She doesn't like flowers because she has Pollen Allergy. Kung wala siyang allergy, siguro araw-araw ko siyang binibigyan ng mga bulaklak na mas maganda pa kaysa rito.

Owner: ......

Girl1: .....

Girl2: .....

Frederick: ......

97 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon