Day 11 (c)

763 18 2
                                    

(Mabilis na humaharurot sa MacArthur Highway ang isang 2015 Rolls-Royce Ghost Series II na siyang minamaneho ni Frederick habang nasa passenger seat sa likod si Elijah Reizen. Mag-aalas-otso na at pauwi na sila mula sa funeral ng isang executive officer ng HJ Corporation.)

Frederick: Mukhang malala na po ang sitwasyon, sir. Hindi man nagsasalita ang higher officials ng HJ Corporation, halatang aware sila sa mga nangyayaring sunud-sunod na assassination. Kung magpapatuloy ito, baka walang lumapit sa ating potential investors o kaya'y mag-pull out ang mga current investors sa pangambang sila ang sumunod.

(Napabuntung-hininga si Elijah. Hindi na lang siya nagkomento at sumandal sa headrest ng upuan. Pinikit rin niya ang mga mata para baka sakaling makaidlip pero nang maalala ang mga nangyari, biglang sumakit ang ulo niya.

Hindi man siya nagkomento sa sinabi ng sekretarya ng kaniyang ama, maging siya ay nababahala na rin. Paano ba naman hindi eh ang board of director ng HJ Corporation na kasalo niya sa dinner meeting nung isang araw at pinangakuan pa ng larong golf sa susunod nilang pagkikita ay patay na ngayon. Imbes na sa golf course, sa punerarya sila sunod na nagkita. Hindi man sila malapit sa isa't-isa nung matanda, hindi pa rin niya maiwasang malungkot para sa sinapit nito.

At ang malubha pa, hindi ito ang unang pagkakataong nangyari sa HJ Corporation. Pang-apat ang yumaong executive officer na nakasalamuha niya noong isang araw at nangyari ang lahat ng pagpatay sa loob lamang ng isang buwan. At lahat ng mga biktima ay pawang bagong investors ng kanilang kompaniya. Kaya kahit saang anggulo mo tingnan, sa bandang huli maiuugnay pa rin ang Reizen Corporation dahil sila ang huling naka-transact nila sa negosyo.)

Frederick: Hindi na po ako magugulat kung bukas o sa isang araw ay may mga reporter ng nakaabang sa labas ng headquarter. At hindi rin impossible na makialam rin ang pulisya tungkol rito.

Elijah: For now, let's keep on strengthening our ties with HJ Corporation. 'Pag humingi ng assistance ang mga pamilya ng biktima sa atin, huwag kayong mag-atubiling tumulong. This is the reason why I've been attending funerals myself kasi para kahit papaano ay makapagpakita tayo ng sinceridad. Dahil sa bandang huli, ang tatanungin ay ang mga naiwang pamilya ng mga biktima. Kung manggagaling mismo sa mga bibig nila na inosente tayo, malaki ang posibilidad na mabawasan ang mga paghihinala sa atin.

(Napaisip si Frederick. May ponto ang boss niya dahil mukhang umubra nga ang pagpunta nito mismo sa mga lamay ng mga napatay. Tulad na lang kanina, gulat na gulat ang maybahay at ang mga bisita ng makita nila si Elijah--ang tagapagmana ng Reizen Corporation-- na siya mismong nakiramay sa kanila kahit na puwede naman itong magtalaga ng representative ng kompaniya at siyang pumunta pero hindi niya ginawa 'yon.

At hindi lang 'yon, sa maikling oras na pananatili niya roon, pansin na pansin ang pagbabago sa expression ng naulilang pamilya. Nang kausapin sila ng personal ni Elijah, napaiyak ang nabiyudang misis pero mayamaya ay napangiti rin ito na para bang nahawa sa mala-anghel na ngiting pinapakita ni Elijah. Sa oras na 'yon, nilisan nila ang lamay na iniwang kuntento ang pamilyang nawalan ng minamahal sa buhay.

Sa maikling presensiya nito, naimpluwensiyahan na niya agad ang paligid. Hindi talaga inakala ni Frederick na may mga tao palang ganito sa totoong bahay.)

Elijah: Sabihin mo rin sa spokesperson natin na mag-ingat-ingat sa mga sasabihin. For our Legal Team, sabihan mo rin sila na maghanda sa mga pwedeng mangyari.

Frederick: Ye-yes, sir!

<Whoaa, katulad talaga niya si Chairman. 'Pag nagbibigay sila ng utos, kinikilabutan ako.>

(Sinilip niya sa rear-view mirror ang kaniyang boss. Nakapikit ang mga mata nito habang nakakunot-noo. Mukhang pagod na pagod ito. Hindi tuloy niya maiwasang maawa lalo na't pagkagaling nito sa university, diretso trabaho agad at wala man lang pahinga. Kung siya ang tatanungin, napakabata pa nito para akuhin ang mga responsibilidad bilang 'heir' ng kanilang pamilya.

97 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon