Day 6

940 24 4
                                    


( Pagkatapos ng kaniyang huling klase sa hapon, mag-isang umuwi si Amisa. Naglalakad siya ng biglang bumuhos ang ulan. Wala pa naman siyang dalang payong. Lumingon siya sa paligid at naghanap ng masisilongan nang makita ang bagong kaka-open na coffee shop.

Pagpasok niya, hindi na siya nagulat ng makitang karamihan sa mga customers ay mga estudyante. Malapit kasi ito sa university kaya magandang tambayan. Pero as usual, pinagtitinginan na naman siya.

Tahimik siyang umorder at umupo sa pinakalikod.)

Girl1: Hi, Amisa!

(Before she knows it, nilapitan siya ng tatlong babae na mukhang estudyante from the same university.)

Amisa: Hello...

Girl2: Um, kung okay lang may itatanong sana kami sa'yo.

(Alam na ni Amisa kung ano 'yon kahit na takpan pa niya ang mga tainga niya at hindi makinig. Sana pala sa ibang lugar na lang siya nagpunta.)

Girl2: Totoo bang may bagong girlfriend na si Elijah? Is this her?

(At pinakita kay Amisa ang picture ni Elijah na may kasamang girl na pinost nung tinutukoy nila sa instagram account nito.

Speaking of the devils, magkasama nga ang dalawang 'yon. Elijah took her on a date.)

Amisa: ....... Oo, siya nga.

Girl3: I knew it!

Girl2: So, official na pala? Kakainggit naman siya.

Girl1: Sige, Amisa ha? Thanks for the info.

(And pagkatapos nun umalis na sila. Nang hindi man lang siya kinumusta, walang tanong kung gusto ba niyang makishare ng table sa kanila, o hayaan siya na sumama sa kanila kahit na mga kaklase niya ang tatlo...

Basta wala. Parati na lang Elijah dito, Elijah doon...

And totally ignoring her.

Sanay na siya sa ganito. Afterall, kaya siya kilala sa uni kasi siya ang parating kasama ni Elijah--ang pinakasikat na estudyante sa campus. Pero hindi dahil doon ay marami siyang friends tulad ng super friendly na si Elijah. Until now, kung wala ito sa tabi niya, mag-isa lang siya.

Tulad noon.)

Amisa: Aah, hindi pa tumitigil ang ulan....

(Pagkatapos niyang ubosin ang inorder na kape, pumasok siya sa comfort room ng shop. Pagsara niya ng pintuan ng cubicle....)

Girl1: That Amisa girl is really annoying me. Bakit kailangan ko pang mag-effort para i-approach siya para makasagip ng balita about kay Elijah when in the first place siya dahilan kung bakit hindi sumasama sa atin si Eli. Grrr!!

Girl3: Tiis-tiis na lang tayo, gurl. Buti pa nga madali lang siyang utuin eh. Even though maging ako hindi ko rin alam why Elijah is always hanging out with her. I mean, duh? Ang laki ng difference nila.

Girl2: She's kinda weird rin. Nagsi-smile pa ba siya? At kung i-monopolize pa niya si Elijah, wagas! Who does she think she is, anyway? 'Pag ako maging gf ni Elijah, hinding- hindi ko palalapitin ang girl na yon sa kaniya. Like, never!!

Amisa: ...............

(Pagkalabas ng mga babae mula sa CR, saka lang umalis ng cubicle si Amisa. Hinugasan niya ang mga kamay sa may sink at tumingin sa salamin. Doon lang niya narealize na nanginginig pala ang mga kamay niya.

Kung si Elijah ang dahilan kung bakit siya kilala sa campus, si Elijah din ang rason kung bakit siya kina-aayawan ng karamihan...

Minsan naiisip niya, kong mag-isa lang siya tulad nung dati siguro tahimik lang ang buhay niya ngayon. Walang mga plastik na babaeng kumakausap sa kaniya at mga backbiters na nagpapakalat ng mga kasinungalingan tungkol sa kaniya. Oo sigurado 'yon. Siguradong-sigurado.

Nakayuko siyang lumabas ng CR at tinungo ang exit ng coffee shop.

Nanlaki ang mga mata niya ng makita si Elijah na nakapayong sa gitna ng ulan.

Ngumiti si Elijah pagkakita sa kaniya. )

Elijah: Sabi ko na nga ba't andito ka.

Amisa: ...............

Elijah: What are you planning to do? Maglalakad ka talaga pauwi kahit na umuulan? Wala kang payong, diba? Tara, hatid kita.

Amisa: ........ <Bakit? Bakit ganun? Ba't kapag nahihirapan ako, andito siya sa tabi ko? Ba't kapag kailangan ko ng tulong bigla na lang siyang susulpot? Bakit...

Ilang ulit nang sumagi sa isip ko na iwasan at layuan ang taong 'to para kahit papaano ay matahimik naman ako.

Pero kung dahil sa kaniya naranasan kong apak-apakan ng iba, doble naman ang naranasan kong saya kapag kasama ko siya.

Dati wala akong pakialam kung mag-isa lang ako at walang kaibigan. Pero kalaunan nagiging mahirap ng gumising sa umaga dahil alam kong maliban sa motivation na mabuhay para sa sarili, wala ng ibang dahilan para magpakapagod na manatiling gising buong araw..

Nang makilala ko siya, doon ko nalaman na hindi ko naman kailangang sarilinin ang hirap. Na may taong parating andiyan para damayan ako.

Doon mismo narealize ko na kahit isa lang... Kahit isa lang.... Sana magkaroon din ako ng kaibigan....

.....................

And then I found him.. my bestfriend, Elijah..

Na kahit ipagtaboyan ko, sigawan, at saktan, babalik at babalik pa rin siya kasama ang napakaganda niyang ngiti.

Na kahit minsan nasasaktan ako sa the way na tratuhin ng ibang tao, hinding-hindi ko pa rin magawang kalimutan na lang ang pagkakaibigan namin.

Dahil alam ko....

Alam ko dahil ilang ulit niyang pinaramdam sa akin na siya lang ang taong tanggap ako kahit ano man ang sabihin ng iba...>

Elijah: Ang daya mo naman, Amisa. Ni hindi mo man lang ako sinama. Dahil diyan may punishment ka! Bukas sasamahan mo ako dito whether you like it or not. Heheee..

Amisa: < Aaah, so beautiful..

How can I refuse? Especially when he's smiling like that?

Alam kong nakatingin sa amin ang mga customers ng coffee shop, pero wala na akong pakialam kahit pagusapan na naman nila ako bukas o sa isang araw.

Basta, nagpapasalamat ako kay God dahil binigyan niya ako ng isang malaking biyaya.....>

----

97 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon