Day 2

1.2K 25 13
                                    


(Sa loob ng classroom, nakaupo na si Amisa habang  hinihintay na lang na dumating ang kanilang instructor. Pero kung normal na sa mukha niya ang nakasimangot, mas lumukot ang mukha niya habang hinihimas-himas ng kaniyang kamay ang kaniyang kanang pisngi.
Kung siya nakasimangot buong araw, masaya namang pumasok sa room si Elijah na sunod-sunod pang binabati ng mga kaklase.)

Elijah: Good morning, Amisa!

Amisa: ....Mownin

Elijah: Alam mo ba narinig ko na uso na naman daw ang Dengue ngayon.

Amisa: <Ahh, andito na naman ang maingay. Sana pala lumipat na lang ako ng upuan. >

Elijah: Dito nga daw sa school over 20 students na ang nagka-Dengue recently. Dumarami nga rin daw ang mga lamok dito sa university. Kaya ikaw dapat magsuot ka ng mahahaba.

Amisa: Oo na. Lubayan mo ako, wala ako sa mood makipagkuwentuhan dahil masakit ang ngipin ko. Shoo, Shoo!

Elijah: Talaga? Sabi ko na nga ba, eh! Bakit mo kasi inubos 'yong isang pack ng------

(Natigilan siya nang may makitang lamok na dumaan sa kanila)

Amisa: Patayin mo! Dali!

Elijah: Leave it to me! I have fast reflexes kaya siguradong---

(Dumapo ang lamok sa kanang pisngi ni Amisa)

Amisa: Oi,.. oi teka lang... Kalimutan mo muna ang sinabi ko.

Elijah: Amisa, huwag kang gagalaw, ha? Akong bahala.

Amisa: Hoy, hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko--

Elijah: Here... I....goooooooo

PAAAAK!!!!

Amisa: ARAAAAAAAAAY!!!!!

(RIP Amisa... 😇😂)

----

97 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon