Konting flashback muna tayo sandali. Don't worry, after this babalik na tayo sa present. Enjoy!
☘☘
(Lunes na naman, simula ng bagong week sa kalendaryo. Tulad ng nakaugalian, dumating si Ms. Cuenca, ang school librarian, sa library ng saktong alas-siyete ng umaga. Naging routine na niya ito kahit na pwede naman siyang pumasok ng one-hour late dahil wala namang estudyanteng maagang naghihiram ng libro. Sa katunayan nga, dinudumog lang ang silid-aklatan kapag maglu-lunch na kaya hanggang tanggali ay mag-isa lang siya, nilalangaw, at walang ibang kausap kundi ang sarili.
Inayos niya ang malaking bilog na salamin sa mata at huminga ng malalim bago kumuha ng walis at sinimulang linisin ang sahig.
Ganito na lang araw-araw at walang excitement na nangyayari. Hindi na siya nagtaka nang marinig niyang isa ang library sa mga pinaka-boring na workplace sa buong-mundo. Lalo na kung nabasa mo na halos lahat ng libro sa mga bookshelves. Maniwala ka kay Ms. Cuenca, 'yan kasi ang himutok niya araw-araw.
Limang taon na kasi siyang nagtatrabaho rito at pinalitan niya ang nagretirong matandang dalagang librarian. Dalaga pa naman siya pero nape-pressure na siyang mag-asawa dahil mayroon daw history ang school na ito na lahat ng naging librarian nitong babae ay pawang mga old-maid.
Nang malaman niya 'yon, isang linggo niyang iniyakan kasi late na nang nalaman niya at hindi na siya pwedeng maging mag-resign. Siya pa naman 'yong tipo ng babae na family-oriented at gustong magkaroon ng malaking pamilya tapos bigla na lang niyang malalaman na mamamatay pala siyang uhaw at tuyong-tuyo, punyeta.
Pero okay lang 'yon.. Sa bawat paglipas ng araw, linggo, buwan, at maging taon, unting-unti rin niyang natatanggap ang kaniyang tadhana. Ewan, 'yon na siguro ang kapalaran niya. Bahala na.
Pero mukhang may konting pagbabago ngayong araw dahil maagang bumisita ang Head Teacher ng academy sa library. May ideya na si Ms. Cuenca kung anong sadya ng ginoo sa kaniyang kaharian pero ang reaction niya ay, 'Na naman??'
Nababagot na nilapag ni Sir Paras, ang striktong Head Teacher ng academy, ang isang maputing folder sa ibabaw ng counter at binati ang dalagang librarian ng wala man lang ngiti at napaubo ng ilang beses nang makalanghap ng maruming alikabok.)
Sir Paras: Ahem, ahem.. Good morning, Ms. Cuenca.
(Mabilis na lumapit sa kaniya ang librarian at iniwan muna ang walis sa gilid saka siya masiglang binati.)
Ms. Cuenca: Good morning rin po, Sir. Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo? Ah, oo nga, kape. Gusto niyo po munang uminom ng kape?
Sir Paras: Thank you for the offer but I must decline. Hindi rin naman ako magtatagal lalo na't napag-usapan na natin ito before.
(Sabi nito at itinuro kay Ms. Cuenca ang maputing folder.)
Ms. Cuenca: Aaah, ganun ho ba?
(Kinuha rin niya ang folder at binuksan. Nakita niya ang dokumento kung saan nakalagda ang mga pamilyar na impormasyon. Nakadikit doon ang 2x2 na picture ng babaeng estudyante na kasama niya rito sa library noong nakaraang linggo lang.)
Ms. Cuenca: Um, ano ho 'to? May kopya na po ako nito kasi diba nakatanggap na ako nung kay Ms. Ansel last week---
Sir Paras: I know. And I'm giving you another one because Ms. Ansel will be extending her detention here in library for another week.
Ms. Cuenca: Ho?? Bakit naman po?? Natapos naman po niya ng maayos 'yong detention niya rito. Wala naman pong naging problema.
(Napabuntung-hininga ang punung-guro at inayos ang suot na slacks bago umupo sa malapit na upuan.)
![](https://img.wattpad.com/cover/82338032-288-k283635.jpg)
BINABASA MO ANG
97 Days
Ficțiune adolescențiGaano mo kakilala ang bestfriend mo? Sigurado ka bang tama ang mga alam mo tungkol sa kaniya? Paano kung ito'y ilusyon lamang? Saksihan ang typical na buhay ng mag-bestfriend na sina Amisa at Elijah. Pero habang-buhay ba silang ganito? Anong pwede...