Day 18 (b)

533 17 9
                                    

(Nilayo ni Amisa ang kutsilyo sa leeg ni Jin at dumistansiya. Ang hinarap niya ngayon ay ang babaeng nasa kusina na gulat na gulat at hindi na halos kumukurap.)

Gina: So-so-sorry... hindi ko ..sinasadyang makinig.... I mean.. no! Wala akong narinig sa usapan niyo! Promise, Amisa!

(Napataas ang kaliwang kilay ni Amisa.)

Amisa: You mentioned my name. Kung ganun kilala mo ako?

Gina: Ha?? Ah.. um...

Jin: Come on, Amisa. Huwag mo namang takutin ang customer ko. Andito lang naman siya dahil curious siya kung paano namin bina-bake ang mga tinapay namin. Sobrang sarap kasi ng mga luto namin kaya hindi matiis ng mga customer na silipin pati kusina.

(Tiningnan siya ng masama ni Amisa.)

Jin: Hahaha, pasensiya ka na, Miss. Ang tagal na kasi naming hindi nagkita ni Amisa kaya nang mag-reunite kami kanina hindi niya napigilan ang sarili and acted that way. Hay, na-miss talaga niya ako ng sobra. Diba, Amisa?

(Hindi sumagot si Amisa at imbes ay nilatag sa ibabaw ng counter ang kutsilyo.)

Amisa: Hindi pa tayo tapos.

(Mahinang sabi niya bago lumabas ng bakery na siya namang ikinangiti ni Jin.)

Jin: 'Yan ang gusto kong marinig...

(Dahan-dahan namang lumabas mula sa kusina si Gina at lumunok saka lakas-loob na sinundan palabas si Amisa.)

Gina: Amisa, wait!!

(Nasa tapat ng gate ng Aquino Apartment Complex si Amisa nang harapin niya ang babaeng tumatawag sa kaniya. Nakasimangot niya itong tinitigan mula ulo hanggang paa.)

Amisa: Bakit mo alam ang pangalan ko?

Gina: Seriously?? You don't remember me?

Amisa: Bakit? Dapat ba kitang maalala?

(Napanganga si Gina.)

Gina: OMG, I can't believe this.... Okay, ahemm.. I'm Gina. We go to the same university. Kaklase mo pa nga ako sa ibang subjects mo simula nung first year tayo. And third year na tayo ngayon. It's been 3 years!! Hindi mo talaga ako namumukhaan?

Amisa: .....

Gina: At hiniram mo pa 'yong motorsiklo ko last Sunday! 'Wag mong sabihing hindi mo rin maalala 'yon??

Amisa: Ah, ikaw pala.. So, pumunta ka dito sa apartment ko para kunin 'yong motorsiklo mo?

Gina: Oo, ganun nga.... Teka, hindi! Napadaan lang ako dito at nagkataon lang na nasa bakery ako kanina! Kung gusto kong kunin 'yong motorsiklo ko eh di sana sa university na lang kita kinausap since magkaklase lang din tayo kaya bakit pa kita pupuntahan dito? Duh! At saka, hindi ko alam bahay mo, no?

Amisa: ......

(Buti na lang at may talent sa pag-arte si Gina kaya kering-keri niya ang pagsisinungaling. Hindi na nagtanong pa si Amisa kaya siguro ay naniwala ito sa mga sinabi niya.)

Amisa: Hintayin mo ako dito. Kunin ko lang sa garahe 'yong motorsiklo mo.

(Nakahinga ng maluwag si Gina nang pumasok nga sa loob ng compound ng apartment complex si Amisa. Buti na lang at hindi siya na-bokeng.

Si Amisa naman ay dumaan muna sa kaniyang apartment unit at kinausap si Suzy. Sinabi niya rito na wala na itong dapat na ikabahala at pwede na silang lumabas. Gayunpaman, bakas pa rin sa mukha ng bata ang pag-alala kaya na-guilty tuloy siya.

Tinupad niya ang kaniyang sinabi at binalik sa nagpakilalang Gina ang motorsiklo nito. Pero kung sa akala nito ay maloloko siya nito, pwes, nagkakamali siya. Halatang-halata niyang hindi coincidence ang pagkikita nila na taliwas sa sinabi nito kanina.)

97 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon