Day 10 (b)

650 25 13
                                    

(Nakatambay ang grupo ni Louis sa hallway na tapat ng CR ng mga babae habang hinihintay ang susunod na klase.)

Guy1: Sa susunod na basketball game natin this Sunday, manunuod daw ang girlfriend ko. Grabe, excited na ako.

Guy2: Umayos ka nga. Anong girlfriend ka diyan? Hindi ka pa naman niya sinasagot, ah.

Louis: Okay lang 'yan. Buti pa nga siya may nagmo-motivate sa kaniya.

Guy3: Bakit Louis, wala bang nagmo-motivate sa'yo para ipanalo ang game? Saklap naman.

Louis: Basketball scholarship lang ang rason kung bakit ko sineseryoso ang bawat game. 'Yon lang at wala ng iba.

Guy4: 'Sino' hindi 'ano'. Grabe ka naman. Ibang level talaga ang mga sikat eh, no? 'Yong tipong 'friends with benefits' lang ang mga turing sa mga babae. Hahaha!

Guy2: Oi, kung ganun 'shoulder bag' mo lang si Trisha? 'Kala ko seryoso ka sa kaniya.

Guy1: Asa ka pa. Alam mo, dito kay Louis, maghihintay ka pa ng isang dekada bago siya makahanap ng 'bagback' niya. Tandaan mo 'yan.

Louis: <'Bagpack'?? 😓 >

Guy3: Hahaha. Baka sa lagay na 'yan maukay-ukay na si Trisha sa sobrang tagal ng paghihintay niya kay Louis.

(At nagtawanan ang grupo nila.)

Louis: Hindi ko lang talaga kailangan ng motivation. Kung meron man, 'yon ay ang sarili ko dahil nasa sa akin lang kung seseryosohin ko ang isang bagay o hindi. Ako lang at wala ng----

Guy2: ....... Teka, 'yon yong babaeng nakabangga kay Louis nung isang araw, diba?

(Nakita nilang nagmamadaling pumasok sa CR si Amisa. )

Guy3: Akala niya makakatakas siya, ha? Sige, tambangan natin.

Louis: There's no need. Mukhang hindi naman siya ang nakabangga sa akin.

Guy2: Oh,...... okay, sinabi mo, eh.

(After 5 minutes.. )

Guy1: Pagbigyan mo na si Trisha, Louis. Ang tagal nang hindi ka tinatantanan nun.

Guy3: Oo nga. Parang obsessed na nga siya sayo.

Guy2: Oy, lumabas na 'yong babae oh.

(At lahat sila napalingon sa pintuan ng CR. Lumabas nga doon si Amisa pero this time ay nakayuko ito at haplos-haplos ang tiyan. Halata ring pinagpapawisan at paika-ika kong maglakad. )

Guy3: Ang tagal naman niya sa banyo. Ano kayang nangyari sa kaniya? Mukha siyang zombie, oh.

Guy2: Masakit yata ang tiyan niya.

Guy1: Pffft. Ang lame naman. Hahaha.

Louis: .............

Guy4: Karma 'yan sa ginawa niya kay Louis.

(After 5 minutes...)

Guy2: Oi, siya na naman oh. Magsi-CR na naman siya ulit.

Guy4: Malala na 'ata sitwasyon niya, dude.

Guy1: Hahahahah.. Diarrhea na 'yan, sure ako.

(Another 5 minutes... Nakalabas rin si Amisa mula sa banyo.)

Guy4: Whoah, zombie apocalypse na 'to.

Guy3: Ang putla-putla na niya, oh. Kung ako sa kaniya uuwi na ako.

Guy2: Para namang ganun kadali 'yon. Nagtatae nga 'yong tao. Baka pagsakay niya ng sasakyan, ayan na naman ulit.

Guy1: Hahaha! Oo nga, no? Hahaha--

Guy3: Oi, tingnan niyo. Si Elijah!

(Sabay-sabay silang napatingin kay Elijah na tumatakbo patungo sa CR ng mga babae. Pagkakuwan ay tumigil ito sa harap ni Amisa at binigay rito ang isang bottled water at gamot. Hinawakan pa niya ito sa baywang dahil parang hindi na rin ito makatayo ng maayos. Si Elijah rin mismo ang nagpainom rito ng gamot maging ang pagpunas ng tubig na tumulo mula sa bibig ni Amisa.)

Guy1: (blush)

Guy2: (blush)

Guy3: (blush)

Guy4: (blush)

Louis: .............

Guy1: 'Yan ang matatawag mong 'bagpack'...

Guy2: Ahem.. True..

Guy3: Agree ako..

Guy4: Ako din...

(Habang si Louis ay napakunot-noo at umiwas ng tingin.)

Guy3: Alam kong mag-bestfriend sila pero hindi ko inakala na ganito sila ka-close.

Guy2: Ang narinig ko magkakilala na sila since highschool.

Guy1: Talaga? Kaya naman pala---

Louis: Tara na.

Guy1: Hah? Papasok na tayo? Pero hindi pa naman nagri-ring ang bell.

Guy2: Oi, Teka Louis, hintayin mo kami!!

(Nilabas ni Louis ang phone mula sa bulsa at tumawag.)

Louis: Come to my place tonight.

Trisha: Su-sure? I thought ayaw mo....

Louis: Gusto mo ba o hindi?

Trisha: Siyempre gusto ko! 'Kaw naman. What time?

----

Hmm. I know what you're thinking. Hehehe 😏😏

Thank you for reading. Don't forget to vote and follow A. Michalski.  😉

97 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon