Day 14 (h)

573 15 5
                                    

( Sa paglipas ng panahon, nanatiling kakaiba ang lungsod ng FontCarlo city kumpara sa ibang bayan dito sa Pilipinas. Kung bibisita ka rito bilang isang turista, mapapansin mo na agad ang maraming Italyanong banyaga sa lugar.

Nagsimula ito nang humina ang impluwensiya ng mga banyagang kastila noong panahon ng kanilang pananakop. Sa FontCarlo city, ang namumuno noon ay ang Reizen Family.

Kalaunan, sumingit ang mga amerikano pero sa lungsod ng FontCarlo, Italyano ang dumating. Nanatili ito hanggang sa pananakop ng mga Hapon pero nang maging malaya ang Pilipinas, bumalik ang kapangyarihan ng pamilyang Reizen. Pero hindi ibig sabihin nun ay napalayas nila ang mga Italyano. Dahil hanggang ngayon, nananatiling nag-aagawan ang dalawa sa kung sino man ang maghahari sa lugar.

Sa kasalukuyan, halos pantay sa level ang dalawang faction. Lalo na't sa nakaraang eleksiyon ay ang kandidato ng mga Italyano ang nanalo. Kaya hindi lang sa gobyerno sila may kontrol kundi maging din sa pulisya.

Pero hindi pa rin magpapatalo sa laban ang Reizen Family dahil hanggang ngayon, hawak nila ang malalaking negosyo sa FontCarlo city. Dahil sa kanila, umunlad ang komersiyal na industriya ng lungsod.

Kung pagpipiliin ang mga tao, hati ang kanilang opinyon. May ibang suportado ang pamilya ng Reizen dahil mas malapit sila sa dugong Pilipino. Bagama't may nananalatay na dugong kastila, tinuturing nila ang sarili bilang mga Pinoy.

Pero para sa iba, tinuturing na bayani ang mga Italyano sa kanilang lungsod. Hindi lang 'yon, dahil kumpara sa miyembro ng Reizen Family, mas palakaibigan at madaling lapitan ang mga banyaga. Kung ituring daw kasi ng mga Reizen ang kanilang pamilya, parang nasa mataas na level sila. High-class family, kumbaga, kaya may mga mamamayang naiilang na lumapit sa kanila lalo na kung tulong ang pinag-uusapan.

Ang sitwasyon ng Reizen at ng mga banyagang Italyano ay maikukumpara sa hidwaan ng pamilyang Aquino at Marcus. Pero ang kaibahan, mas malala ang sa kanila.

Kung unang beses mo lang sa FontCarlo City, mapapansin mo agad ang mga Italyanong makulay ang mga suot at nagsasalita gamit ang nakakatawang Filipino accent. Makikita mo ang karamihan sa kanila sa Silangang bahagi ng lungsod.

'Pag may makita ka namang pormal kung magsuot, miyembro 'yon ng pamilyang Reizen. Makikita mo ang malalaki nilang bahay sa Kanlurang parte ng FontCarlo.

Kung wala kang pakialam sa politiko at ayaw makisawsaw sa away pamilya, sa gitnang bahagi ng lungsod ka na lang manatili. Sa Center Point kung tawagin, malaya ang lahat. Walang pro-Reizen o anti-Italians dito dahil halo-halo lahat. Marami pang tourist spot doon at tinuturing ring commercial center. Dito rin nakatayo karamihan ang mga pampublikong establisyemento na bukas sa lahat tulad ng hospital, government agencies, schools and universities, public market, at ibp.

Pero minsan, dito rin nabubuo ang mga away kanto. Paano ba naman hindi, eh dito lang nagkakasalubong  ang mga Reizen at Italyano. Mararamdaman talaga ang tension sa pagitan nila kahit na nagkasabay lang sa daan.

Sa unang tingin, payapa ang Center Point. Pero kung bubusisain ng mabuti, may masasamang elementong nagkukubli sa mga sulok. Tulad na lang ng 'Black Town' na matatagpuan sa katimogang parte ng Center Point. Dito matatagpuan ang mga sugalan at sabungan na pagmamay-ari ng mga Italyano. Andito rin ang mga clubs at restaurant na mina-manage ng mga Intsik.

Sa lugar na 'to sinasagawa ang mga illegal na transaction tulad ng pagbebenta ng illegal na druga, pagbubugaw ng mga babae, at ibp. Dito rin madalas may nagpapatayan o kaya'y tapunan ng mga sina-salvage.

Sa isa sa mga lumang building doon, matatagpuan sa unang palapag ang walang sign na espasyo. Pero sa mga kliyenteng alam ang pakay, dire-diretso lang sila sa loob.

97 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon