Day 12 (c)

560 20 9
                                    

(Natatarantang nag-park ng kotse sa condominium parking lot si Frederick. Dahil sa traffic kanina, akala niya mala-late na siya sa pagsundo sa boss na si Elijah. Pero nang silipin niya ang oras, may time pa pala siya at doon lang siya nakahinga ng maluwag.

Pagbaba niya ng kotse, dumiretso siya sa elevator para makaakyat sa floor kung saan situated ang unit ni Elijah. Pero nasalubong niya ang boss on the way na siya nang bumaba sa parking lot.

Nakasuot na ito ng corporate attire at kung guwapo na ito tingnan kahit na siguro basahan ang suot, 10 times naman ang kaguwapuhan nito sa formal na attire.

Hai, ang guwapo talaga ng boss niya. Nakakainggit naman. )

Elijah: We still have time, right?

Frederick: Ah, yes po. May isang oras pa tayo.

Elijah: That's good. Dumaan muna tayo sa malapit na flower shop.

(Sumakay na ito sa likod ng kotse at chineck ang mga hawak na papeles.)

Frederick: < Flower shop? Bibili siya ng bulaklak? Para saan?....... Ah!! Para sa girlfriend?? Wow, naman. >

Elijah: Frederick!

Frederick: Sorry, sir! Andiyan na po.

(At masayang pinatakbo ni Frederick ang kotse. Natutuwa siya dahil may girlfriend na pala ang young master. Buti na lang at hindi ito nagiisa. Kahit papaano ay may nagpapasaya rito. Hmmm, siguro maganda ang girlfriend niya...

Nang makarating sila sa sikat na shopping center, tumigil sila sa harap ng sikat na flower shop.

Sa labas pa lang, maaakit ka na sa magagandang bulaklak na naka-display. Pero pagpasok nila, mas maganda pa pala sa loob.

Agad silang sinalubong ng mga babaeng empleyado.)

Employee1: Good afternoon, sir! What can we do.......

(Naging estatuwa ang babaeng empleyado sa kinatatayuan nito. Ang kasama naman nito ay nabubulol na.)

Employee2: Wha-what can we do fo-for you, sir?....

(Sanay na si Frederick sa ganitong eksena. Siya nga na lalaki, minsan hindi makapaniwala sa kaguwapuhan ng boss, mga babae pa kaya? 

Napabuntung-hininga tuloy siya.)

Elijah: A bouquet of red and white roses, please.

Employee2: Ri-right away, sir.

(Tinapakan ng babae ang sapatos ng kasama na tulala pa rin para magising sa pag-iimagine.)

Employee1: YES, RIGHT AWAY, SIR!!

(Nginitian sila ni Elijah bilang pasasalamat. Ang resulta, napahawak ang dalawang babae sa malapit na poste dahil biglang nanghina ang mga tuhod nila. Sobra-sobra para sa kanila ang ngiting 'yon. Sobra-sobra talaga!

Pero hindi ito napansin ni Elijah dahil tumitingin-tingin na ito sa mga ibang flower arrangements na naka-display.
Kumuha ito ng pulang rosas at inamoy. Napapikit siya at mas lumawak ang ngiti.)

Elijah: Kung mahilig lang sana sa bulaklak si Amisa, siguro parati ko rin siyang binibigyan ng flowers....

(Saktong dumating ang may-ari at siya ring main florist ng shop.)

Owner: Ay, may customer pala tayo. Good afternoon sir! How do you---

( Natameme siya ng makita ang eksena sa kaniyang harap.

A handsome man holding a flower.....

What a perfect scene!! 💘)

Owner: Oh my, what is this......

(Tinulak niya palayo ang mga empleyadong nasa harap niya na tulala pa rin at mabilis na lumapit sa customer.)

Owner: My goodness, this is such a beautiful day to have you visit our shop. Ahhh, I can finally die peacefully~~

(Sumunod naman na lumapit ang dalawang empleyado at tinitigan si Elijah na parang bang first time nilang makakita ng lalaki. To the rescue naman si Frederick dahil baka sunggaban nila ang boss pero nabigo siya dahil hindi siya makalapit.)

Employee1: Oo nga po, sir. Artista ba kayo??

Employee2: O kaya'y international model? Ang guwapo niyo ho kasi~~

Elijah: Um.. Thanks. I'm very flattered but I'm not an actor nor a model.

Owner: 'Yet', sure ako diyan. Anyway, You're such a beautiful man, sir. Para kayong bulaklak~~

Employee2: Naku, oo nga!!

Employee1: True! True!

Elijah: Me? A f-flower??

Owner: Opo. Ang mga bulaklak po kasi nagpapaganda ng kapaligiran. Kahit panget ang mood mo, pagpasok mo ng bahay na may magagandang bulaklak, gumagaan ang pakiramdam mo. Kapag may nagbibigay sa aming mga babae ng bulaklak, bumibilis ang tibok ng puso namin. Ah~~ kayo po ang simbolo ng mga bulaklak~~

Employee1&2: 😍😍😍

(Nagtatakang napatitig si Elijah sa hawak na rosas. Siya?.. Parang bulaklak??

.........

.........

(Isang mapait na ngiti ang nabuo sa kaniyang mukha.)

Elijah: But Amisa doesn't like flowers....

......

(Nag-aalalang nilapitan ni Frederick si Elijah. Anong nangyari? Bakit bigla itong nalungkot? May nangyari ba??

Maging ang may-ari ng shop at mga empleyado ay napansin din ang kakaibang expression na 'yon. Napatingin tuloy sila sa isa't-isa sa pagaalalang may nasabi silang ikinisama ng loob ng customer.

Nang makuha na ni Elijah ang biniling bouquet ng rosas, bumalik sila sa kotse at tumungo sa headquarter ng kompanya.

Sa buong oras ng biyahe, blankong nakatingin lang sa bintana si Elijah...)

----

I know, I know. Please huwag niyo akong tingnan ng masama. Just keep reading, lovelies. Don't lose faith, hehehe.

Anyway, thanks for reading. 😉

97 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon