Day 16 (b)

392 12 0
                                    

( Kitang-kita ni Louis kung paano tumaas ang kanang kilay ng babaeng kapit-bahay niya. Sigurado siya, nakilala siya nito kaya ganun na lang ang expression nito nang makita siya. Pinatay nito ang tawag at pinasok sa loob ng bulsa ng jacket ang cellphone.)

Amisa: Sinong mag-aakalang nag-aaral pala tayo sa iisang university?

(Pagkakuwan ay sabi nito. Napanganga si Louis. Ano daw? Ang ibig sabihin ba nun ngayon lang nito nalaman ang tungkol doon? Siya, si King Louis, ngayon lang niya nalaman? Sikat kaya siya sa school and considered as the ace of the basketball team since Freshmen year niya tapos ngayon lang ito magre-react?? Is that why ganun na lang siya nito kung tratuhin nung huli na pagkikita nila? Hah, hindi siya makapaniwala. Habang siya, kilala na niya ito nung simula pa lang pero ito...

Sa inis, napagdesisyunan na lang niyang huwag pansinin ang narinig at lumapit sa basurahan. Hindi naman nakaligtas sa paningin ni Amisa ang hawak nitong pack ng sigarilyo. )

Amisa: Alam mo bang bawal manigarilyo rito?

(Natigil sa paglalakad si Louis. )

Louis: Ano ngayon? Marami namang naninigarilyo rito, ah.

Amisa: Pero ikaw lang ang tao dito ngayon kayo sino sa tingin mo ang sisitain ko?

(Mas nainis si Louis. Pwede naman niyang sabihin ang totoo na hindi sa kaniya ang sigarilyong 'yon pero ewan niya at sumasama na lang siya sa agos ng usapan. Oo, nasubukan na niyang manigarilyo noon dahil sa kuriosidad lalo na't naninigarilyo ang ama niyo pero nang matikman niya ang lasa, nangako siya sa sarili na hindi na siya maninigarilyo ulit. Hindi nga niya maintindihan kung bakit may na-aaddict pa sa sigarilyo, eh. As in. )

Louis: Oo, alam kong smoke-free zone 'to. Now what?

(Matagal siyang tinitigan ni Amisa. Ayaw niyang magpatalo kaya imbes umiwas ng tingin, nakipagtitigan rin siya. Pero may kumuha ng attensiyon niya. Napansin niya ang sobrang putla ng mukha nito na para bang naubusan ng dugo. At saka, bakit pa 'to nakasuot ng jacket eh ang init-init? Ang weird talaga niya minsan. )

Amisa: Alam mo ba kung anong pinaka-aayaw ko? ..... 'Yong amoy ng sigarilyo...

Louis: Huh!

(Mapait na ngiti ang inilabas ni Louis.)

Louis: < Ah, ganun, ah? Pero kapag ang bestfriend mo ang naninigarilyo, okay lang? Ang saya naman, kung ganun. Napaka-unfair, don't you think?? >

(Dahil sa umuusbong na galit, nilabas niya ang lighter mula sa kaniyang bulsa na pagmamay-ari ng isang kaibigan at sinindihan ang isa sa mga sigarilyong hawak. Nilagay niya ito sa kaniyang bibig at nakapanunuyang ngumiti sabay lapit kay Amisa. )

Louis: Hala, paano 'yan? Wala kasi akong pakialam sa gusto o ayaw mo sa buhay.

(At ibinuga niya ang usok ng sigarilyo sa mukha ni Amisa.

Isang nakapanlilisik na tingin ang ibinalik ni Amisa. Mas natuwa tuloy si Louis. Pero ang hindi niya inasahan ay ang biglang pagngiti nito. For the first time niyang makita itong ngumiti and it's so.....

Bago pa siya makapag-react, malakas na kamao ang tumama sa puson niya.

Napaluhod siya sa sakit at napahawak sa jacket ng kaharap para hindi tuluyang bumagsak sa lupa. Bigla siyang nahirapang huminga at umakyat yata lahat ng dugo niya sa kaniyang ulo. Pakiramdam niya naputulan rin siya ng dila dahil hindi niya makayang makabuo ng salita.

Hindi na rin makita ang ngiti sa mukha ni Amisa. )

Amisa: Dapat magpasalamat ka dahil kaliwang kamay at hindi kanan ang ginamit ko dahil kung nagkataon, baka nagkalat na sa sahig ang kinain mong almusal kanina.

(Sunod-sunod na napaubo si Louis at tinakpan ang bibig dahil parang masusuka na rin siya. Tinapakan naman ni Amisa ang nahulog na sigarilyo sa sahig at tinulongang makatayo ang nangingisay na lalaki.)

Amisa: Okay, shall we go?

(At hinawakan niya sa baywang ang kasama at sinuportahan sa paglalakad.

Sa university clinic, nagulat na lang si Dr. Vince nang makita sa harap ang nanghihinang lalaki na nakaakbay kay Amisa.)

Amisa: Nakasalubong ko sa daan, nahihilo yata.

Dr. Vince: Oh.. um... sige..send him in..

(Nang maihiga na nila ang pasyente, doon lang may narealize ang doktor.)

Dr. Vince: Wait, diba siya 'yong student athlete na pinakita ko sayo kaninang umaga? 'Yong nasa white folder---

(Pero paglingon niya wala na sa clinic si Amisa. Naiwang nagtataka si Dr. Vince. )

----

97 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon