Day 8

677 20 0
                                    


(Pagdating ni Amisa kinaumagahan, sinimulan na niya agad ang pag-aayos ng mga gamit sa bagong nire-rentahang apartment. Kasalukuyan niyang nilalagay ang kaniyang mga libro sa bookshelf ng may kumatok sa pintuan.

Isang batang lalaki ang tumambad sa kaniya.)

Boy1: May pasok po ba ang Mabini?

Amisa: .........Mabini?...Mabini Elementary School ba kamo?

(Tumango ang bata.)

Amisa: <Teka, bakit ako ang tinatanong niya? Hindi naman ako associated sa paaralan na 'yon. Marami namang pwedeng tanungan diyan pero bakit ako pa? And more importantly, sino ba ang batang 'to? Ngayon ko lang siya nakita, ah.>

(Andami niyang gustong itanong sa bata pero tumingin na lang siya sa labas para i-check ang panahon. Wala na ang bagyo kaya siguro may pasok na ulit.)

Amisa: Ahem.. Mas maganda ang panahon ngayon kumpara kahapon. Umaambon lang naman at hindi mahangin. Kaya sigurado may pasok kayo.

Boy1: Ganun po ba? Sige po!

(Naiwang nagtataka si Amisa. Napapailing siyang bumalik sa loob at sinara ang pinto.

After 15 minutes...)

Knock..Knock..

(Isang batang lalaking kasinglaki ng bata kanina ang nakatayo ngayon sa harap ng apartment. Napakunot-noo si Amisa.)

Little boy2: Eh ang Rizal po? May pasok rin po ba?

Amisa: ................... Rizal? Elementary school rin ba 'yon?

Little boy2: Opo.

Amisa: <facepalm> Maligo ka na at mag-almusal. May pasok kayo ngayon.

(Nang makaalis ang bata napapakamot na sa ulo si Amisa.)

Amisa: <Ano bang nangyayari dito? May hindi ba ako alam? Mukha bang updated ako sa mga school announcements? Bakit ako? Why? Why??>

Knock. Knock.

Amisa: Na naman???

(Pagbukas niya ng pinto, isang babaeng nakasuot ng highschool uniform ang kaharap niya this time.)

Girl1: Ang City High? Walang pasok diba?

(Napabuntung-hininga si Amisa.)

Amisa: Ang elementary may pasok, kayo pa kaya? Sige na, umalis na kayo. Baka ma-malate pa kayo sa school.

Girl1: Che! Hindi ko pa naman nagawa 'yong assignment ko sa Math. Okay, thanks po........... Oi, JP, may pasok naman pala! Paasa ka naman, eh!

(Walang lakas na sinara ni Amisa ang pinto. Ano bang nangyayari sa mga kapitbahay niya? Ito ba ang paraan nila para i-welcome siya?? Napaka-weird naman kung----)

Knock. Knock.

Amisa: Ha??? Sino na naman this time?? College student?? Hindi ba nila makita? Umaambon lang, oh. Hindi pa ba nila naririnig ang hugot na 'Mahirap umasa sa wala'?? Ba't ba ang kulet nila??

(Pero wala siyang choice kundi ang buksan ang pinto. Uunahan na sana niyang magsalita ang bisita pero nagulat siya nang makita ang mismong may-ari ng apartment complex.)

Amisa: Ah..um.. Magandang araw po sa inyo, Manong Greg. Bakit po kayo andito?

Manong Greg: Magandang araw rin sa'yo, Amisa! Naku, pasensiya na kong naistorbo kita. Kaso may kaunting problema kasi ako ngayon eh..Hehehehe...

Amisa: <My God, please don't tell me..>

Manong Greg: Hindi ko kasi mahanap 'yong towel ng misis ko na kahapon eh sinampay ko doon sa railing. Pero nang tingnan ko kanina wala na. Eh, 'yon pa naman ang pinakapaboritong tuwalya niya kaya siguradong lagot ako 'pag nawala 'yon. Kaya Amisa, baka matulongan mo ako sa paghahanap... 🙏

Amisa: ............

Manong Greg: Amisa hellooo.. Okay ka lang ba?

Amisa: ....... 'Yong may Hello Kitty po ba na logo at kulay Pink ang tinutukoy niyo?

Manong Greg: Ah! 'Yon nga! Nakita mo ba??

(Napabuntung-hininga si Amisa.)

Amisa: Nasa rooftop po. Baka hindi niyo po napansin kasi natatakpan nung maputing kumot.

Manong Greg: Ganun ba? Naku, maraming salamat, Amisa!! Bilang pasasalamat, sa amin ka na maghapunan, ha? Masarap magluto ang misis ko kaya magsisisi ka 'pag di ka pumunta. Hahaha!

Amisa: ...........

(After that, hindi alam ni Amisa kung gaano siya katagal nakatayo sa may pintuan kahit na kanina pa nakaalis si Manong Greg.)

Amisa: Hai, oras na ba para lumipat ulit?............

(Nawalan tuloy siya ng mood sa pag-aayos ng mga gamit. Pero nang tumahimik ang paligid nung sumunod na mga oras, akala niya tapos na ang mga panggugulo ng mga kapitbahay. Pero mali pala siya dahil mukhang hindi muna ata siya tatantanan ng mga ito.)

Knock. Knock.

(Akala niya 'yon na 'yong hinihintay niyang magde-deliver ng purified water kaya mabilis niyang binuksan ang pinto. Nagulat siya ng makita ang magandang babaeng nakasuot ng pang-opisina.)

Girl2: Hi. Sorry for the intrusion pero.... may extra pad ka ba diyan? 😊 Bigla kasing dumating sa akin kaso naubusan na ako. I thought kasi next week pa ako dadatnan kaya hindi muna ako bumili. So, can I have one? Pretty please. 🙌🙌

(Napanganga si Amisa.)

Amisa: .. It's decided. Lilipat na talaga ako.

----

97 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon