DILLENNA HEERA'S POINT OF VIEW:
Maaga akong nagising kinaumagahan. Puno na naman ng takot ang puso kong baka iniwan na niya naman ako. Sumilay ang ngiti sa labi ko when I heard the sound of the gushing water from the shower.
"Theon? Theon? Are you there?"natatarantang tawag ko pagkagising ko.
"Baby? May problema ba? I'm almost done here." Narinig kong sagot niya mula sa shower.
"I love you."I whispered involuntarily.
"I love you baby. Maghanda ka na. You're going back to school."
What? No. Two weeks na akong hindi pumapasok. I don't want to face anyone from the campus. I don't want to see my friends. I think, I can't really be seeing one of them after what had happened. The worst is, I felt scared at the sound of school because I know I'll have to see him no matter what. Lalo na at kaibigan ni Theon ang gagong 'yon.
"Dillenna?"
I went back to my senses after hearing him talk. Some of the water from his hair spattered to my face. He looked so hot, as always. A pang of pain tickled my heart. I don't ever want to lose this man. My life will be empty without him. Mahal na mahal ko na siya.
"Okay ka lang ba, baby? Nakatulala ka diyan?"panggigising niya ulit sa'kin.
"Theon, I don't want to go to school anymore—"
"Baby, why? No. You have to get back to school. Look, after your classes, susunduin agad kita. Sasamahan kita lagi habang nando'n tayo."
"I'm scared."wala sa sariling nasabi ko.
Nang marealized kong naisatinig ko 'yon, kinabahan ako.
"Why would you be scared? Is there something you want to tell me, love?"
Niyakap ko na lamang siya. Ngayon ko naalala, kaklase ko nga pala si Gavin. Pareho kaming nasa Arts and Design Track. Kaya nanlulumo na naman ako. Kahit na hindi ko pa siya nakikita ay nanginginig na ang mga tuhod ko. Natatakot akong masabi kay Theon ang nangyari at kung ano ang maaaring gawin ng gago sa mga magulang ko gaya ng binanta niya.
"Does this have something to do about what happened Dillenna? Is this about Lia—"
"No! Believe me Theon... It's never Liam. He might have loved me beyond friendship but he treats me like a sister after I married you."
"I want to believe you... pero... Dillenna, kung hindi kayo magkasama, nasa'n ka ng mga araw na 'yon?"
My whole body is now shaking involuntarily. I felt all my energy leaving my system. Kaya napaupo ako sa kama at napatitig lang sa kawalan.
"Dillenna—"
"Can you just trust me Theon?" I asked looking up to him. "Maniwala ka kahit minsan hindi sumagi sa isip ko ang lokohin ka. Not even in the future..."
Niyakap niya ako at tuluyan ng tumulo ang magkapares na butil ng luha sa mga mata ko. Hinagkan niya ako at muling niyakap.
"Magtitiwala ako sa'yo. But baby, you really have to go to school."
Tumango ako at saka dumiretso sa banyo. Everything's going to be fine. Everything will be fine. Magiging okay ang lahat.
HUMIGPIT ANG PAGKAKAHAWAK ko kay Theon nang salubungin kami ng mga kaibigan niya pagdating namin ng campus. Ang kapal ng mukha ng gago! Nagawa pa niya talaga akong tingnan matapos ng ginawa niya sa'kin.
"Good morning Heera."bati ni Ayden na bahagyang nagpangiti sa'kin. "I'm glad you two are fine."
Hindi yata nila kasama si Matthew ngayon? Hindi na lamang ako nagtanong at baka kung ano na naman ang maramdaman ni Theon. For the short length of time, I've learned how jealous and possessive he is to me. Kaya naman lalo akong natatakot na baka malaman niya ang ginawa ng gago. He might kill him.
"Ihahatid ko lang muna si Dillenna sa classroom—"
"Magkaklase kami, TJ. Pwede na kaming pumunta ng magkasabay—"singit ng gago na agad ko ring binara.
"No, Theon!"halos pasigaw kong tutol. Napatingin silang lahat sa'kin. Inilipat rin nila ang tingin sa walang-hiya. "Love, you promised me this morning. Alam mo namang mami-miss agad kita eh." I tried to sound very sweet as possible.
Naningkit ang mga mata ni Gavin. Niyakap ako ni Theon sa mismong harapan nila at hinalikan.
"Oh! That's sweet." Bryce muttered. "Gusto ko narin tuloy'ng mag-asawa."
Ngumisi lang si Theon at saka tuluyang nagpaalam. Nakasunod naman sa'min ang hayop habang naglalakad kami papuntang classroom. Nakaakbay sa'kin si Theon habang hawak niya ang isang kamay ko. Nang nasa tapat na kami ng room, humarap siya sa'kin.
"If you need anything love, just call me and I'll be here right away. Ako narin ang bahalang kumausap sa mga teachers mo. Get your focus back. Everyone is deeming for Dillenna Heera Padilla and I'm one of that everyone. Baby, you're the most intelligent girl I've known. Ayokong isipin ng mga tao na naging pabaya ka magmula ng maging tayo."mahabang saad niya.
Niyakap niya na naman ako. Ang sarap lang sa pakiramdam.
"Thank you Theon. Hinding-hindi ko kakalimutan ang mga sinabi mo. Salamat dahil, pinagkakatiwalaan mo 'ko. Mahal na mahal kita. Wag kang mambababae ha?"mangiyak-ngiyak kong sabi.
Napangiti naman siya sa huli kong sinabi.
"Manlalalaki ako."tumatawang saad niya.
I embraced him for a few seconds. When he let me go, he kissed me on the lips and I realized almost everyone is looking at us.
"What?"he mouthed. "Pabayaan mo sila. This is just normal. We're married, remember?"
I smiled sweetly at him.
"Hindi ko nakakalimutan, Mr. Crawford. Isa pa, it's just awkward pero wala akong pakialam sa kanila. Ikaw lang ang mahalaga sa buhay ko ngayon, Theon."
"Alam mo, Mrs. Crawford, kapag ganito ka ka-sweet sa'kin, hind tayo makakapasok sa mga klase natin. Ibalik mo ang malditang asawa ko."pabiro niyang sabi.
Niyakap ko ulit siya. Oo na. Para kaming praning, kanina pa kami nagyayakapan na para bang pupunta ako ng ibang bansa.
"Sige na. Pumasok ka na rin sa klase mo. Maghihintay ako sayo sa huling klase ko. Wag kang papa-late. I love you."
"I love you baby."
Hinayaan niya muna akong makapasok saka siya umalis. Akmang lalapit sana si Gavin sa'kin at laking pasasalamat ko sa mga kaklase kong minsan kong tinawag na weirdos. Nilapitan nila ako, nakapalibot na naman sila sa'kin.
"We heard it! Ang sweet niyo namang mag-asawa, Heera!"simula no'ng kaklase kong kulot ang buhok.
"You looked so cute together."anang isa pa.
"Bagay na bagay kasi kayo! Ang ganda-ganda mo tapos ang gwapo naman ni Theon."
"Ayy. Oo nga pala Heera, narinig kasi namin. Usap-usapan no'ng nakaraang Linggo. Kabit mo raw si Liam. Alam naman naming magkaibigan kayo dati pa kaya di nalang namin pinansin. I just thought, you need to know."kwento ng babaeng kaklase ko na hindi ko matandaan ang pangalan.
"Here. Look at this Heera. Wag kang magagalit." Sabi niya sabay tawa.
Ipinakita niya sa'kin ang nasa phone niya at nanlaki 'yong mata ko.
"Hehe. I can't help it. Nate-tempt talaga kaming kunan kayo ng picture kanina. So, heto nga. I'm posting this in my twitter and I hope it's alright. Marami akong followers kaya kung sino man ang nagpakalat nong picture niyo ni Liam last week, maiinggit siyang lalo kapag nakita niya 'to."
Natuwa naman ako habang pinapanood ko siyang magsalita. Mukhang totoo kasi silang masaya para sa'kin kaya pumayag narin ako. Alam ko rin kasing nakikinig lang si Gavin sa'min.
BINABASA MO ANG
Married UNHAPPILY Ever After °[KathNiel] ✓COMPLETE
FanfictionI slept. I woke up. I'm married. I'm not happy.