Chapter 42: The Married-Couple's Adventure V3.0

4.6K 107 21
                                    

Dillenna Heera's Point of View:

Himbing na himbing parin ang tulog niya. Makaganti nga, hindi ko siya gigisingin. Hahaha. Nakapag-ayos na ako at saka ko binalikan si Theon para gisingin. But I was starstruck watching how perfect he looks. Bakit kaya hindi ko napapansin noon ang kagwapuhan niya? Well, hindi naman kasi ako tumitili sa mga gwapo. Nagkagusto nga lang ako dati kay Matt dahil naging knight-in-shining-armour ko siya mula sa nakakainis na taong naging asawa ko ngayon.

Theon's a greek-God who came to life. Kahit saang anggulo ko tingnan, he is a mirror of perfection. Nang dumapo ang tingin ko sa mga labi niya, biglang sumagi sa isipan ko ang pangyayaring nadatnan ko isang araw sa classroom nila. Ba't niya kaya nagawa 'yon? Ang sabi niya diba? Mahal na mahal niya ako? Bakit may hinalikan siyang iba? I shoved away the thoughts! Ang mahalaga, mahal niya ako. Ang tanga. Alam ko. Pero bahala na. Mas hindi ko kaya kapag mawala pa ulit siya.

Dinampi ko ang labi ko sa labi niya. Hindi ako umalis hangga't hindi siya gumising. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. Tinawanan ko naman agad siya.

"Your way of waking me up makes me want to go back to sleep."pilyong saad niya.

"Landi mo! Bumangon ka na kung ayaw mo'ng maiwan. Haha."

NANLAKI ULIT ang mga mata niya nang makita ang ayos ko. Nakangisi ako habang tinaasan ko siya ng kilay. Ang sira, hindi parin bumangon at ang mas masaklap, hinila niya ako at niyakap.

"Sana ganito tayo lagi, Dillenna. Alam mo ba kung gaano mo 'kong napasaya. Kahit sa simpleng pagsusungit at pagngiti mo, para ko naring pagmamay-ari ang mundo."

"Is it the England Effect, babyboy? You're so rhetoric. Sinaniban ka ba ni Shakespeare?"tudyo ko sa kanya.

Hinugot niya ako't hinalikan. "That's for mocking me. Ang seryoso ko tapos ikaw naman 'tong nagloloko."madamdaming saad niya. Nakabusangot pa siya, ang cute lang.

"Oh, sorry na. Kahit ako, wala na akong ibang hinahangad, kundi 'yong maging ganito tayo lagi. I want to live my married life happily ever after."seryosong sabi ko.

Niyakap niya ulit ako.

"Bumangon ka na at maligo, baby. Excited na akong magliwaliw sa England."

THEON JACE' POINT OF VIEW:

Pinakauna naming pinuntahan ang Radcliffe Camera (The Old Bodleaian Library). Walang mapagsisidlan ang sobrang saya na nararamdaman ko habang pinapanood ko siyang nakangiti habang kaharap ang matayog na formation ng Library. Her amazement as she saw the proudly-standing architecture was belittled by the glow her face is showing when we are surrounded with a lot of books.

Books, certainly, are her first love. Not that I'm not a fond of book, she is just really obsessed with books.

"I can live here forever, Theon."she exclaimed and returned her gaze at the books brimming around us.

Maging ang tour guide namin ay manghang-mangha sa panonood sa kanya. Nilibot namin ang mga pinakamahalagang parte ng library. Huli naming pinuntahan ang underground bookstore nito. Di ko maiwasang mapangiti. She's influenced by these libraries she kept on telling me about. Kaya nga ang library niya sa bahay ay nasa basement rin.

I already have called someone from here before we fly to England. I have given them the list of books to be prepared which I'm going to purchase. Habang namimili si Dillenna at inamoy ang mga aklat, nilapitan siya ng isang crew.

"Have a wonderful morning Lady Crawford. Can you confirm these books to be purchased, please?"

Nilingon niya ako. Nginitian ko lang siya kaya sumunod na lamang siya sa babaeng umasikaso sa kanya. After the three hours we spent in that library, we took our lunch so we could continue visiting her favorite places.

"Theon, you might see apparently the joy I'm feeling right now, but you don't really know how happy you've made me. Thank you baby."she muttered to me with a mixture of the British accent she's crazy about.

"Anything for you, love. Lahat gagawin ko. Lahat ibibigay ko, mapasaya lang kita."

Since nasa Oxford kami, hindi narin namin pinalagpas na bisitahin ang Oxford University, her dream school. After taking pictures of her, naglibot agad kami. Nakakalugod ng damdamin ang mga ngiti at tumatawa niyang mga mata.

Before we visited a couple more of museums, we first went to see the largest library in United Kingdom of Great Britain, the British Library. All my life, I have finally found the best scenery my eyes have ever laid upon—her joyous countenance and engrossing smiles. I already have taken many candid shots of her. I suddenly wanted to become a photographer. No. I don't want to be 'a photographer'; what I want is to be 'her lifetime-photographer'.

"Babygirl, don't you think you have to sleep?"ani ko nang makabalik kami sa penthouse. Diretso kasi siyang kumuha ng isa sa mga aklat na binili namin kanina.

"Laters, babyboy."Sininghot niya 'yong aklat at humiga sa kama habang niyayakap 'yong aklat.

Whilst I stared at the book, I crazily wanted to rip it to pieces. Tss. Sira ulo ka ba Theon? Seriously? Pati aklat, pinagseselosan mo na ngayon? Napailing na lamang ako at tumabi sa kanya. Lumingon siya sa'kin.

"Are you tired, babyboy?"she asked in a sweet tone. Lumuhod siya at hinila ako para umupo sa kama. She gently massaged my shoulders.

"I'm fine babylove. Come here."I pulled her to me. Pinaupo ko siya sa hita ko habang nakapulupot ang mga kamay niya sa leeg ko. "Masaya ka ba, Mrs. Crawford?"

"Sobrang saya. Kaya, thank you."He kissed me on my both cheeks. "Thank you, Theon."

As a response, I owned her lips and drowned her with a kiss. After few more minutess of cuddling with each other, we ended the night full of love.

"Theon, are you crying?"

Shunning her stare, I looked away and abruptly wiped the tears that have escaped from my eyes.

"Bakit, Theon?"

Niyakap ko siya at napapikit ako. Ganito naman talaga kami dapat hanggang sa pagtanda namin diba dahil nangako kami sa harap ng Diyos na magsasama kahit ano ang mangyari. Natatakot ako. Paano kung sa pagbalik namin ng Pilipinas... mapaghihiwalay na nila kami?

"I'm just so happy seeing you feel the same. Dillenna, mahal na mahal kita. Hindi ko alam kung ano ang magiging buhay ko kapag wala ka."

"You don't have to envisage a life without me. Hindi naman tayo maghihiwalay eh. 'Wag mo lang akong iiwan."naiiyak na tugon niya.

"I love you so much babygirl. Let's sleep. We still have a lot to do tomorrow."

"I love you more, love. Thank you for everything."

Married UNHAPPILY Ever After  °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon