Chapter 25: Forbidden Jealousy

4K 118 50
                                    


Theon's Point of View:

HINDI AKO PUMASOK sa klase kinaumagahan. Dumiretso ako sa office ni mommy nang hindi ko siya naabutan sa bahay. Hindi niya pwedeng ibenta ang bahay. Iyon na lang ang meron ako na nakakapagpasaya sa'kin.

"You can't sell that house!"I automatically blared when I got in her office unannounced.

Nanlaki ang mata niya dahil may mga kausap siya. Her eyes are telling me to get out. In the end, the people she's talking to left.

"What was that TJ! They're our investors!"

"You're not selling the house!"I repeated without minding what she just said.

"What house?"

"Wag ka ng magkaila! Dad told me about your wicked plans! Give me the papers back. Ipapademanda kita and I'm serious!"diretsong lumabas sa bibig ko.

Nanginginig ang bibig niya, an indication that she can barely hold her anger.

"You didn't buy that house! Dad did! Wala kang karapatang ibenta 'yon!"sigaw ko sa kanya na nagpapitlag sa kanya.

"Get out! Get out!!!!!"

"Give me the papers back. Give it back to me or I'm leaving—I'm leaving for good!"

Nanlaki ang mata niya do'n. Kapag hindi ako sisipot sa kasal, alam kong ikakamatay niya. Dahil dati pa ay binalaan na niya akong 'wag mantsahan pang muli ang pangalan niya.

"Are you out of your mind!? You have to marry Amity!"

"I know. So you give me the papers back right now!"

To my surprise, sinampal niya ako.

"Walang hiya ka! I'm your mother TJ! Nakakalimutan mo na ba 'yan? Is it about that woman again? I talked to her the other day and she was with someone else already! Kaya tumigil ka na sa kahibangan mo!"

"No. I may be marrying Amity pero hinding-hindi mo mababago ang pagmamahal ko kay Dillenna! Ibigay mo sa'kin ang papeles ng bahay kung ayaw mong mamantsahan ko na naman ang pangalan mo."pananakot ko pa.

Hindi ako umalis hangga't ibinigay niya ang hinihingi ko. I went to our house and kept the papers in the basement. There's a treasure chest which only Dillenna and I know. Do'n ko itinago ang titulo ng bahay. Laking gulat ko nalang nang makita ko rin do'n ang polo ko.

What's with this polo?

Tumulo ang luha ko nang maalala kung kailan ko huling isinuot ang polo na 'yon. It was that night we set her up. The night which led me to marry her. Naging desperado ako dahil mahal ko siya. I want to be like that again. But I know that even if I'll go into desperation, I still cannot have her back.

SINALUBONG ako nina Ayden, Matthew at Gavin. Hanggang ngayon, nakakailang parin na wala si Bryce. He's still confined to the hospital.

"TJ, have you talked to her?"bungad ni Matt nang salubungin nila ako papapasok ng classroom.

Hindi ako umimik. I have a feeling that if I'm going to utter a word, I'll eventually break to tears. Lately, I waited for her at the gate, same as usual. Pero sa tuwing dumadating siya, nawawalan ako ng lakas. Lalo na these past few days na lagi niyang kasama si JD. Ang hirap niyang kalimutan. Her kind, she herself is not someone I should forget.

"Theon. Kailangan natin siyang ilayo sa lalaking 'yon. Natatakot ako na kapag pinatagal pa natin ay baka lumalim na ang pagkakaibigan nila."pukaw ni Ayden.

Napakuyom ako ng kamao nang sumagi sa isipan ko ang nakangising mukha ni JD nong nasa London kami. I'm certain na sinundan niya kami intently within those days we're there. I stood up and faced Matt and Ayden who are looking up at me.

"Hindi ako papasok. Gagawa ako ng paraan na makausap si Dillenna. Kung sakaling maghanap si Amity. Kayo na ang bahalang magdahilan. And Ayden, pakihatid narin sa kanya."

THIRTY MINUTES na akong nakatayo sa labas ng classroom niya. Kitang-kita ko siya mula sa kinatatayuan ko. She's busy texting since her class started. Sino kaya ang ka-text niya? Hayys. Dillenna, para na akong sasabog sa sobrang selos. Kunti nalang talaga, sasabog na ako. I don't have the right to feel this. I just really love her so much.

Maya-maya pa ay nagpaalam siyang mag-cr. A few minutes after she entered the comfort room, I slowly sneaked inside. She hummed—giving me cue of which cubicle she's in. It was locked when I attempted to open it so I knocked it hard with my knuckles.

"Ano ba? May tao pa! Ang tanga naman oh! Nakalock nga!"

Napangiti ako nang marinig ang nagtataray niyang boses. My baby... Kumatok ulit ako dahil gusto kong marinig ulit ang matinis at masungit niyang boses.

"Ano ba? Kapag hindi ka titigil, kakalbuhin talaga kita!"sigaw niya ulit kasabay ng tunog ng pagflush.

Kakatok pa sana ulit ako ngunit bumukas ang pinto ng cubicle. In abrupt pace, hinila ko siya pabalik sa loob at ni-lock ang pinto.

"What are you doing?"she blared with her eyes fuming.

"Let's talk please."

"Fuck no! Let me out, jerk!"she shrieked.

"You're not going out from here unless you'll promise to stop seeing JD!"

"We already have talked about this! And for the second time, I'm not going to listen to you because I can do whatever I want! I'll go with whoever I want! Now, let me out! Let me out or sisigaw ako!"banta niya.

Nakahawak parin ako sa mga kamay niya. Nagulat nga ako na hindi siya kumawala sa pagkakahawak ko.

"What are you smiling about? Let me out!"she blared again.

Napatingin siya sa kamay niyang hawak-hawak ko.

"Bitiwan mo 'ko! Bwiset!"

"Please Dillenna. Stop seeing them. I'm begging you. Titigilan na talaga kita. Hindi mo na ako makikita, ni anino ko. Just stop seeing them."

"Ano ba'ng pakialam mo! Mga kaibigan ko sila!"tugon niyang bahagyang nagpangiti sa puso ko. Kaibigan lang? "Right this moment Theon, mas pinagkakatiwalaan ko sila kaysa sa'yo. Kaya tigilan mo na ako."matigas na saad niya.

My heart stiffened because of her words. Sakit. Sobrang sakit. But I know I deserve it. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi siya nagprotesta. But she's not hugging me back. She was silent... for a moment.

"Theon, maawa ka sa'kin. Tigilan mo na ako. Please."she whispered and I knew that she's already crying.

"Dillenna. I'm sorry. Please, listen to me. Kahit ngayon lang, stop seeing them."I replied without letting her go. "Please. Babygirl..."

"Pwede ba? Wag mo na akong pakialaman! Theon, paulit-ulit mo 'kong pinapatay sa ginagawa mo eh!"she said between her sobs.

And before she could finally open the door, I snaked my arm around her waist and pulled her close to me.

With a pair of tearsescaping from my eyes, I kissed her.

***



Landi mo talaga Theon! Ba't mo ba kasi ginaganyan si D? Selos ka lang eh! >_<

Hahahaha. Angels, vote and comment! ♥


Thank you for keeping me inspired! GODBLESS.♥

PS: THANK YOU SA MGA NAGBABASA NG TO THE MOON AND BACK. 60K READS NA SIYA THIS MORNING.  SALAMATTTT! MAHAL KO KAYO BABIES. ♥

Married UNHAPPILY Ever After  °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon