DILLENNA'S POINT OF VIEW:
NAPAMULAT ako ng mga mata nang makaramdam akong may nanonood sa'kin. With a blank expression on his face, he gazed at me fixedly.
"Good morning, love."bati ko sa kanya.
"Maghanda ka na. Male-late na tayo."tugon niya sa pagbati ko na umiwas ng tingin. Para na namang dinaganan sa bigat 'yong puso ko.
Ayokong umiyak sa harapan niya kaya't tumakbo agad ako sa banyo. Habang binabasa ko ang sarili ko sa ilalim ng shower, ramdam ko parin ang mainit na likido mula sa mga mata ko. Ano ba'ng nangyayari sa kanya? Bakit ba niya ako sinasaktan?
Lalong sumama ang pakiramdam ko nang makarating kami sa campus. Sinalubong kami ni Jannicca. Nakangisi siya sa'kin at tinapunan niya naman ng nang-aakit na tingin si Theon. Right that moment, gustong-gusto ko siyang kalbuhin pero sa halip ay napatigil ako sa paglalakad.
"Ah... Theon, wag mo nalang akong ihatid. Pupunta muna ako ng library."I muttered and pecked a quick kiss on his cheek.
Hiding behind the shelves in the library, I silently cried my heart out. Nasa'n na ang matapang at malditang si Dillenna Heera? Bakit siya nawala? Hindi ko na alam kung kaya ko pang tiisin lahat ng pasakit niya. Oo. Mahal na mahal ko siya. Ayaw kong mawala siya sa'kin. Pero sa ginagawa ko para akong hinay-hinay na pinapatay. Hindi ko alam kung kaya ko pa. I stopped sniffling when I felt someone sitting beside me. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko.
"Matthew?"I muttered in a hoarse voice.
Hindi siya nagsalita. Tinitigan niya lang ako. Nagbaba ako ng tingin at napasinghap ng malalim.
"Bakit ganito, Matt? Kung kailan mahal na mahal ko na siya, saka naman niya ako sinasaktan ng ganito."
He pulled me to him and embraced me tightly. Wala eh. Kapag ganitong may dumadamay sa'kin, lalo lang akong napapaiyak.
"You don't deserve this pain Heera. Sana may magagawa ako so you won't have to suffer the agony. Kung pwede lang sana kitang bawiin. Kung sana lang... ako parin 'yong mahal mo."
Nasa likod kami ng pinakadulong shelves kung saan nakalagay ang mga aklat na wala masyadong nagbabasa. Nasa gano'ng ayos lang kami hanggang sa maramdaman kong bumigat ang mga mata ko.
"HEERA... WAKE UP. WAKE UP, BABY."
Niyuyogyog niya ako kaya't nagising ako.
"You're dreaming."bungad niya nang idilat ko ang mga mata ko.
Basang-basa yong mukha ko dahil hilam sa luha. Naglalaro sa isipan ko ang napakasamang panaginip ko. My husband is cheating on me... with my bestfriend. And we're already divorced. I realized and found myself lying on Matt's lap while he stroked my hair with his fingers.
"It's a bad dream."nasambit ko lang at saka bumangon.
I glanced at my wristwatch. It's forty minutes past eleven. Damn! Hindi ako nakapasok sa classes ko. At sigurado akong hinihintay na ako ngayon ni Theon.
"I have to go. Thank you, Matt."
"Kapag pagod ka na Heera. Kapag hindi mo na kaya. Nandito lang ako."mahinang saad niya nang makailang hakbang na ako.
Pinigilan ko ang sarili kong 'wag maiyak. Ridiculous. Sobrang namumuhi ako sa kanya dati ng saktan niya ako. Pero ngayon, siya 'tong karamay ko. The way of the world is cruel. Sa huli, napagdesisyonan kong 'wag siyang lingunin at magpatuloy na lang sa paglalakad. Dumiretso na ako ng parking space, nagbabakasaling nando'n siya't hinihintay ako. To my surprise, he's there. He's just leaning his body on the car habang nakapamulsa. Nang makita niya ako ay agad na nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Halos magtagpo na ang mga kilay niya. His eyes are fuming with rage. Bigla akong kinabahan habang tinitingnan siya.
BINABASA MO ANG
Married UNHAPPILY Ever After °[KathNiel] ✓COMPLETE
FanficI slept. I woke up. I'm married. I'm not happy.