Chapter 36: Her Angel from Afar

4.9K 117 33
                                    

LIAM'S POINT OF VIEW:

Nakita ko ang twitter posts ng mga kaklase niya—pictures of them hugging and kissing taken from different angles. Nakakatuwa nga, nasa 6th Spot ng Twitter trend #MrMrsCrawford. Somehow, I felt happy knowing she's back to school. Dalawang linggo siyang hindi pumapasok, hindi ko rin siya nakita at nakausap ng mga araw na 'yon. Miss na miss ko na nga siya.

Sinadya kong dumaan sa classroom nila. Pinapalibutan siya ng mga kaklase niya. Si Gavin naman, nasa likuran lang nila, pinapanood si Dillenna. Inutusan ba 'to ng Crawford na 'yon na bantayan siya? Nang mapalingon si Dillenna sa direksiyon kung sa'n ako nakatayo ay agad akong nagtago. Ayokong mag-away ulit sila. Kaya ako na ang lalayo.

Sinabi sa'kin ni Amity through text kung gaano siya ka devastated nang mawala si Theon sa kanya. Oo. Hanggang ngayon din ay hindi ko na nakakausap si Amity. Tinitingnan ko nalang siya sa malayo. Galit parin kasi siya sa'kin. Tinext niya lang ako sa kalagayan ni Dillenna para daw malaman ko kung ano ang resulta ng ginawa ko. Hanggang ngayon talaga, palaisipan sa'kin kung saan nagpunta si Dillenna matapos ang gabing 'yon.

(Flashback)

SINUNDAN ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng gate. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Totoo ang sinabi ko sa kanyang kaya ko lang naman nagawa 'yon kay Amity dahil pinipigilan kong mangyari sa kanya ang nangyari kay Dillenna.

Hindi ba dapat ay maging masaya na ako ngayong inamin na niya sa'king masaya na siya at mahal niya ang gagong Crawford na 'yon? Pero hindi ee, 'yong sakit na naramdaman ko nang malamang ikakasal siya ay hindi man lang nakakatiting sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Mahal na niya ang asawa niya.

Bago ko pa maisipang magpakamatay at magpalunod sa pool ay pumasok na ako ng bahay. Dumiretso ako sa kwarto.

Nagising ako nang may biglang humablot sa'kin. Diretsong tumama ang kamao niya sa mukha ko. Agad nawala ang antok ko. Nang maaninag ko ang mukha niya ay otomatikong gumanti ako ng suntok.

"Ilabas mo ang asawa ko, Kan!"

"Ano'ng pinagsasabi mo—"

Hinugot niya ang laylayan ng teeshirt ko.

"Wag mo kong gagaguhin! Nasa labas ng bahay mo ang kotse ni Dillenna!"

Dumapo ang tingin niya sa bedside table ko. What the fuck! Bago pa ako makaiwas, sinuntok na niya ako ulit. Hindi na ako nakaganti pa dahil hindi ko lubos maisip kung paano napunta sa kwarto ko ang cellphone at bag niya. Habang nakahandusay ako sa sahig ay kinuha niya ang mga gamit ni Dillenna.

"Dillenna! Dillenna!"he shouted as he tried to look for her anywhere in my room. "Hayop ka, Kan! Sa'n mo itinago ang asawa ko! Dillenna! Dillenna!"

Inikot niya ang buong kwarto ko. Maging ang closet ay binuksan niya para tingnan kung nandon si D.

"Dillenna—"

"Son. That's enough. Let's get home."anang daddy niya.

Saka ko lang din nalamang nandito pala ang ama niya all along. Akmang lalapit pa ulit sa'kin si Crawford pero hinila na siya palabas ng ama niya. Naiwan naman akong napatulala. Paanong napunta ang mga gamit ni Dillenna sa kwarto ko?

Nang mahimasmasan ay agad ko'ng chineck ang CCTV footages kagabi. Shit! Tinakpan ang CCTV sa labas ng bahay. Maging ang paglabas ni Dillenna ay hindi ko makita. At 11:37:24, nawala ang power. Finast-forward ko yong footage sa kwarto ko. Mag-iisang oras din saka bumalik yong kuryente.

Married UNHAPPILY Ever After  °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon