Jed Damon's Point of View:
Nakatutok lang ang mga mata ko sa wall clock sa loob ng study. It's already nine. Hindi ko mahagilap ang mga tao sa labas. I don't know where Chase and Ax went while the girls are locking themselves up. When the long hand of the clock reached 6, I got up on my toes and went upstairs.
"Ellie?"
"Kuya Jed?"
"Ellie, it's already 9:30 and your ate Heera needs to sleep already."I announced.
Binuksan niya ang pinto at tumambad sa'kin ang namumugtong mga mata niya. Lumungkot agad ako nang makita siya sa ganong disposition.
"Ellie, anong problema? Akala ko ba hihintayin mo pa si baby? Bakit bigla ka nalang uuwi?"
Sa halip na sumagot ay yumakap siya sa'kin. Afterwards, nilapitan kami ni Dillenna.
"Sige na ate Heera. Thank you so much ate. Mamimiss kita. I promise I'll be here kapag ihugugot mo na si baby." She muttered and tried to fake a smile. "Kuya Jed, wag mong pipilitin si ate kapag hindi niya sasabihin sa'yo ang pinag-usapan namin."
Hindi siya nagbaba ng tingin hanggang sa napatango niya ako.
"Kuya, I wanted to see a ring on ate's finger before babygirl comes out. Please don't hurt her kuya Jed."she said when Dillenna and I are already out of the room.
Dahil narin sa ipinangako ko kay Ellie, hindi nalang din ako nagtanong kay Dillenna. I know her— that no matter what we do to make her tell me whatever that secret Ellie has entrusted to her, she will never tell because she has a word of honor. Ang tanging pangako na lagi niyang di tinutupad ay ang pangako niya sa sariling hindi na niya iiyakan pa ang mga taong nanakit sa kanya. Whenever she's alone, she still cries. What she doesn't know is I have caught her a lot of times already. Alam kong nagpapanggap lang siyang masaya. She still longs for her jerk ex-husband.
"Damon?"pukaw niya sa'kin.
"Angel-face?"
"You're spacing out."
"May naalala lang ako."I reasoned out.
"I'm already sleepy."
"Oops. Don't sleep yet."
I went to the mini-kitchen of the room and prepared her a glass of milk. Bumalik agad ako bago pa siya makatulog.
"Here, angel-face."
Nilagok niya agad ang gatas at saka humiga sa kama. Ibinalik ko muna sa kitchen ang baso.
"Damon? You can sleep in the bed."
"No. I'll be fine here angel."I replied and walked towards the couch.
"Demon!!!"sigaw niyang nagpalaki ng mata ko.
Nang lingunin ko siya, nakangiti siya ng malapad sa'kin. Tinaasan ko siya ng kilay, wala lang, panunudyo lang sa kanya. Tinawanan niya ako.
"Ba't ang oa mo?"tanong niya sa'kin nang makalapit na ako sa kanya.
"Hindi 'yon oa."
"Oa ka. Alam ko namang wala kang gagawing masama sa'kin eh. Ikaw lang yata ang Demon na sobrang bait eh. Let's sleep na please?"
We went under the covers silently. Nilingon ko siya, she already has her eyes closed. Ilang minuto ang lumipas, hindi parin siya nagsasalita. She must have really been asleep. Magdadalawang oras na yata akong papikit-pikit para lang makatulog pero heto parin ako, balisang-balisa at naglalakbay ang diwa. Tatagilid na sana ako nang bigla niyang pinulupot ang kamay niya sa bewang ko. Dahan-dahan akong gumalaw paharap sa kanya. Kahit sa dim light na dala ng maliit na lamp shade sa bedside table, klarong-klaro sa sa'kin ang napakainosente niyang mukha.
"Ang tanga niya, angel. Nagawa ka niyang lokohin at pakawalan. "I whispered as I caressed her face. "At ang swerte niya. Kahit ang gago niya, mahal na mahal mo parin siya."
After kissing her forehead, I encased her in an embrace and closed my eyes.
"Mas tanga nga lang ako dahil kahit alam kong imposible. Mahal na mahal parin kita."
I felt the sudden constriction of my chest. Thinking how sarcastic it was, I grinned at the pain I suddenly felt. Wala akong karapatang magreklamo kung masakit, pinili ko naman 'to eh.
"DEMON."
Itinakwil ko ang kumikiliti sa tungki ng ilong ko. Pero wala pang ilang segundo ay bumabalik na naman 'yon.
"Demon!!!"
Agad akong napadilat at diretsong tumayo sa sigaw niya. Nagsalpukan 'yong mga noo namin.
"Angel? Aww! Are you okay?"
Hindi siya nagsalita. Nakahawak lang siya sa noo niya.
"Angel? Angel—"
"Hahahahaha."tawa niya nang akmang hahawakan ko na siya. "Ba't ba ang nerbiyoso mo Demon?"
Hindi parin ako makapaniwala sa ginawa niya. Kinabahan ako ng sobra sa ginawa niya eh. Ang lakas kaya ng pagkasalpok ng mga noo namin.
"Hey, Damon? Are you mad?"lumukot yong mukha niya. "Damon?"she called out in her sweet and seducing voice.
Hays. Simpleng tawag lang niya, napapawi na agad lahat.
"Galit ka ba?"tanong niya sa malumanay niyang boses.
"Wag mo na ulit gagawin 'yon, Angel. Alam mo namang natataranta agad ako kapag tungkol sa'yo eh."
Nginitian niya ako ng matamis at inosente niyang ngiti at saka ako hinagkan sa noo.
"Opo. Hindi na po uulitin. Sorry."
"Kiss muna."I said jokingly as I pointed her my cheek.
Ang ikinabigla ko, hinalikan nga niya ako. She kissed me... on the lips.
"Maligo ka na, tsonggo." She said and headed to the doorway.
Before she finally went out of my sight, I figured out that she's already taken her bath and changed her clothes. Bloody hell. Kaya pala ang bango-bango niya kanina pagkagising ko. Samantalang ako, di man lang nakapaghilamos o magtoothbrush—
She kissed me. She kissed me. She kissed me. She—
"Demon! Hurry up!"sigaw niya mula sa doorway.
Ba't ang hype ng babaeng 'to ngayon? Napasabunot ako ng buhok sa kakaisip ng nangyari.
"Dillenna Heera, you're driving me crazy."I whispered as if she's heard me.
TITO JAMES CALLED me on the phone later that afternoon. Kahit labag sa kalooban ko, iniwan ko na naman ulit si Dillenna kina Chase. May problema daw kasi sa company and today is his only vacant time to consult me.
"Are you okay, Jed? You seemed bothered since you arrived."tito James noticed.
"I'm sorry tito—I was just—"
"You were thinking of that woman you took home. Jed, the future and the failure of the company lies in your hand. Get back to track. You've been gone for five months already. We need our CEO back."
Hindi ako makapag-isip ng matino. Umuwi akong gulong-gulo ang pag-iisip. Kailangan ako ni Dillenna. Kahit hanggang sa manganak lang siya. Napakunot ako ng noo nang makita ko sa may kalayuan sina Chase at Dillenna.
"Don't tell me you went to the garden again, goddess. Why won't you just tell me the truth? Sa'n ka galing?"sunod-sunod na tanong ni Chase.
I see. Kakarating lang pala ni Dillenna— Wait! What? Sa'n siya nagpunta?
"Chase. I want to rest. We'll talk later."sagot niyang nakayuko.
"Dillenna? Where have you been?"tanong ko nang malagpasan niya si Chase.
She turned around to face me.
She opened her mouth butsaid nothing.
Sa'n ka nanggaling D? -_-
VOTE AND COMMENT PLEASE. ♥ LOVE YOU ANGELS! :* GODBLESS.
BINABASA MO ANG
Married UNHAPPILY Ever After °[KathNiel] ✓COMPLETE
FanfictionI slept. I woke up. I'm married. I'm not happy.