Chapter 33: The Wife's Misery

4.6K 110 36
                                    

Dillenna Heera's Point of View:

Dalawang gabi na akong natutulog ng mag-isa sa bahay namin. Tsk. Hindi nga pala ako nakakatulog. Nangingitim na nga ang ilalim ng mga mata ko at nanglalalim narin. Ilang ulit akong dinalaw nina mommy pero hindi ko naman sila makausap ng maayos. Sa tuwing nakikita ko sila ay lalo lang akong natatakot—na baka may mangyari sa kanila at kung ano na ang mangyayari sa amin ni Theon.

Hindi ko siya ma-contact. Feeling ko kapag lumipas pa ang ilang mga araw na hindi ko siya nakikita't nakakausap, tuluyan na akong mabaliw. Later that morning, I have finally made up my mind. I have to do this. I have to do something. Ang lakas ng kaba ng dibdib ko habang pinipindot ko ang doorbell. Katulong nila ang nagbukas kaya't medyo kumalma naman ako kahit papaano.

"Ay—Kayo po pala, ma'am Heera. Na—napasyal po kayo?"nauutal na bungad niya.

"Nandito ba si Theon?"walang ano-ano'y tanong ko.

"H—ha? Wa—wala. Wala po."

Napataas ng kusa ang mga kilay ko sa inasta niya. Akmang papasok ako nang sinadya niyang iharang ang katawan niya. Umakyat lahat ng dugo ko sa ulo at umandar ang kamalditahan kong ilang araw ng hindi nakalabas.

"May tinatago ka ba sa'kin? Ano? Binilin ba 'to ng amo mo? Wag akong papasukin—"

"Hi—hindi po ma'am. Hindi po. A—ano—ano po kasi—ah—"

"Ano'ng problema rito?"

Napalingon agad ako at tumambad sa harapan ko ang mapagmataas na mukha ng ina niya. Unti-unting napalitan ang galit ko ng kaba.

"Ano'ng ginagawa mo rito?"she asked again.

"Ti—mom—"

"We don't like to see you here. Pwede ka ng umalis—"she shoved me away without reluctance.

"Ano'ng ibig niyong sabihin? Kinokonsenti niyo ang anak niyo na magkasira kami?"halos di makapaniwalang na-utal ko nalang.

"Akala mo ba ay hindi namin alam ang nangyari? My husband went with my son sa pag-confront ng lalaki mo! Alam narin namin na hindi ka buntis."

"Hindi ko ide-deny yang huli. Pero ang sabihin mong nagloloko ako kay Theon, with all respect to you as his mother, hindi ako ganyang babae—"

"Hindi!? Did you hear yourself? I could have belived you if you didn't set up my son to marry you for our money."

Kusang nagkuyom ang palad ko. Pinigilan ko ang sarili kong 'wag makagawa ng eskandalo.

"Hindi ko kailangan ang pera ng anak niyo. Hindi ko kailanman hinangad na yumaman. You know what, 'Mrs. Crawford', you've changed my perceptions towards you."

Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Patakbo akong pumunta sa kotse at agad na umalis. Halos hindi ko na makita ng maayos 'yong daan dahil sa mga luhang nagbabanta sa mga mata ko. Bago pa ako maaksidente ay hininto ko ang kotse. I heard the honkings of the cars behind me. Napapunas ako ng luha at bumalik sa pagmamaneho.

Isang Linggo akong nagmumukmok sa basement. Hindi ako lumalabas. Gustong-gusto ko ng umalis ng bahay pero hindi ko pa kayang kalimutan ang mga ala-alang binuo naming dalawa. Araw-araw akong umiiyak. Araw-araw, pinipiga 'yong puso ko sa sobrang sakit. Minsan nga naisip kong iwan na ang lahat for good.

"Dillenna! Anak!"narinig kong sigaw nila. I can't almost hear them. Sigurado akong hindi nila alam ang daan papunta sa library na'to. Kami lang naman ni Theon at ni Amity ang nakapasok rito.

Mag-iisang oras rin silang sumisigaw sa pangalan ko. Maya-maya pa ay narinig ko ang mga yabag nila. They're coming to the basement.

"D! My God! What have you done!"bungad niya agad at niyakap ako.

Iiyak na sana ako sa braso niya nang ma-distract ako sa scent niya. What's going on?

"Amity?"

"D... Come on. Let's get out of here—"

"Dillenna, anak. Umuwi na tayo."sambit ni mommy na umiiyak rin.

I looked at dad. He's furious. What had happened? Yumakap ako kay mommy at humagulhol na parang bata.

"I can't go home mom. I have to see him. Uuwi rin siya rito. Alam kong uuwi siya."

Nilingon niya si Daddy whose expression now is something I can't comprehend.

"Mom? Anong nangyari?"

Lumapit si daddy sa'min at niyakap kami. The next thing I've known is dad sniffing.

"We're so sorry, honey. We should have believed you from the very start. Hindi ka sana naikasal sa anak ng mga mapagmataas na mga 'yon—" dad wasn't able to continue what he's talking because I interrupted.

"Nag-away kayo? Dad? Mom—You shouldn't have—"

"Kung sa'min niya sinabi 'yon, we'll let it get past us."tugon ni dad sa galit na tono.

"Somebody sent us a video of you and that woman arguing. Hindi ka nga namin nasabihan ng mga masasakit na salita na kami ang nagpalaki sa'yo—tapos—Sige na Dillenna. Uuwi na tayo—"

"Mommy, no. Hindi pwede. Aayusin namin 'to."

"You can't stay here, anak. Lalo lang lalaki ang ulo ng mga magulang niyang asawa mo."

"I can't leave this place mommy. Wala akong pakialam kung iisipin nilang mukhang-pera ako o ano—walang akong pakialam sa sasabihin nila. Hindi ako aalis rito."

Napatingin na lamang silang tatlo sa'kin.

"Mom. Dad. Can you talk to him please?"

Tumango si Daddy. Bago sila umalis ay niyakap ko siya ng mahigpit.

"I'll be fine here. For now mom, dad, A, iwan niyo na muna ako. Gusto ko pong mapag-isa."

NAKAUSAP KO SILA later that night. Hindi raw nila nakausap si Theon. Dahil sa napakaraming pumapasok sa isipan ko, hindi na naman ako dinalaw ng antok. Paulit-ulit ko nalang pinapanood ang mga pictures namin.

"Paano ko ba aayusin ang pagsasama natin kung ganitong binabalewala mo 'ko? Mahal na mahal kita. Umuwi ka na Theon, please."

From a very horrific dream, I woke up because of the scent blocking my nostrils. Minulat ko agad ang mga mata ko. He's here. My husband went home. He's sitting on the bed, watching me fixedly.

"Theon?"I called out and reached his hand.

He's real. He's here.

"Theon, wag mo na ulit akong iiwan."

Yumakap ako sa kanya but he isn't hugging me back. Perto di bale na. Ang mahalaga nandito siya.

"Go back to sleep."mahina niyang sabi.

I gazed at him. Hindi niya ako tinitingnan habang hinahayaan niya parin akong hawakan ang kamay niya. Parang dinudurog ang puso ko sa ginawa niyang pagbabaliwala sa'kin. Kahit mabigat sa dibdib ay humiga ako ngunit hindi ko binitiwan ang kamay niya.

"I love you Theon."I muttered.

Sinilip ko ulit siya—umaasang titingnan niya ako't sasabihing mahal niya din ako. Pero wala. Hindi parin siya kumibo. In the end, I chose to close my eyes. Before I fell into a deep sleep, I felt the warm liquid ebbing from the side of my eyes. Nagising ako kinaumagahan nang mag-isa sa kama. Dali-dali akong bumaba at dumiretso sa kusina. Ganito kami dati diba? Ang aga- aga niyang gumising para magluto—

"Theon?"tawag ko nang wala akong madatnan sa kusina. "Theon?"

Nilibot ko lahat ng parte ng bahay pero hindi ko siya nakita. Nananaginip lang ba ako kagabi? Nooo! Sigurado akong umuwi siya. Nayakap ko pa nga siya diba? Hawak ko ang mga kamay niya. He was here.

But he left me again.

Married UNHAPPILY Ever After  °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon