Chapter 11: The Promise

4.6K 131 55
                                    


OMG! Sa mga anti-Theon diyan! Sorry, I still love him. Joke. Hahaha. Okay, srsly, D moved on. The end. Kidding aside, ito na! Enjoy reading babyloves! 


Dillenna Heera's Point of View:

Staying alone in the condo is crowding my mind with a lot of terrible things. I almost thought of killing myself. Kaya bago ko pa magawa ang mga binubulong ng demonyo sa'kin, umalis na lang ako at nagtungo sa bahay. I owe my parents a peronal apology for what I told them last night. They threw a birthday party for me. Nang sunduin ako ni daddy, ipinagtabuyan ko siya dahil sa sobrang galit na nangingibabaw sa puso ko.

"Honey, it's alright. You're dad went home very anxious about what had happened in school that day. When it stemmed to us that it could be about him, we understood right there what you really feel. There's nothing to be sorry for, okay?"malambing na sabi ni mommy na nagpaiyak sa'kin.

Niyakap ko siya ng mahigpit at napapikit ako.

"Thank you mom. I wish dad's here."

"He would also love to... Alam mo anak, no'ng bata ka pa, excited na excited akong dumating 'yong panahon na magtatapat ka sa'kin tungkol sa mga personal na nangyayari sa buhay mo. Naiinggit nga ako kay Amity dahil mas nagagawa mo pang magtapat sa kanya kesa sa'kin."

Nakonsensiya naman ako sa sinabi niya. I've realized that most years, I judged them not of being my parents but of being the famous them. I hated the kind of life I acquired from them in which wherever I go, everybody is rooting for me to do well just because they are my parents. I hated the luxury of it all and I closed my doors for them even when they tried a lot to open it.

"I want you to know honey that I am always ready to listen to you. You can tell me everything."

Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya dahil mas lalo akong napaiyak sa sinasabi niya. Hindi sa nakokonsensiya lang ako, ngunit dahil nanghihinayang ako sa mga taong mas pinili kong pagkatiwalaan ang tao na siyang sumira sa kaligayahan ko ngayon. Mom's right. She should have been the one I trusted. At times, moms may become crazy, but they will never betray us—that of course excludes his mom.

"I'm sorry mom. I feel so sorry for trusting that traitor over you—"

"Honey? What are you saying?"

Inilayo ko ang sarili ko sa kanya at dumungaw sa bintana. Itinuon ko lang ang atensiyon ko sa nagsasayawang mga bulaklak sa ibaba. Naramdaman ko na lang ang mga kamay ni mommy na humahagod sa likod ko.

"She's pregnant mom. She's pregant kaya ko iniwan si Theon."walang kabuhay-buhay na naisatinig ko.

Niyakap ako ni mommy.

"Honey? That is really terrible."Hinagkan niya ako sa noo. "You're so strong. You're so strong baby. I don't know what I would do if I were in your place."

Am I? If I am, will I still be for the rest of my life which I will never get to spend with him? Can I stay strong?

"Dillenna, remain strong. Everything will fall back into place. I can see your father's spirit in you. You're so strong. Alam ko anak, kahit ilang pagsubok pa ang dumaan sa buhay mo... naniniwala akong walang makakawasak sa'yo. You will still stand. You're strong and you're not just an ordinary woman."

Am I? Am I really strong? Could I remain standing against all odds? Really? Because to be very honest right now, I don't know.

ON MY WAY BACK to the condominium, napagpasyahan kong dumaan muna sa bar upang makatulog agad ako pag-uwi. Hindi ko namalayan ang oras. Wala akong naramdamang epekto sa iniinom ko. Niloloko ba ako ng bartender na 'to? Baka naman all this time, tubig lang ang ibinibigay niya sa'kin. Tumayo na lamang ako at nagdesisyong umalis sa lugar. Hindi pa ako nakarating sa labas, umiikot na ang lahat sa paningin ko. Napahawak ako sa kung saan-saan. Hindi ko na maaninag ang daan. Everyone's faces are blurry. Bumugso ang takot sa dibdib ko nang magsimulang dumilim ang paningin ko. Somebody, please, save me—. Before everything eventually went black, I felt arms encasing me in an embrace.

Married UNHAPPILY Ever After  °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon