Dillenna Heera's Point of View:
Ang ganda talaga ng Japan! Nakakamangha lahat ng tanawin. Kaya rin siguro pabalik-balik sina mommy't daddy rito. And the place is very romantic! Hmmnn. Wait. Ang bango... The scent of grilled foods really never fails to starve me.
"Dillenna..."
"Hmmm..."
"Dillenna."
I slowly opened my eyes and was only greeted by the face I never want to see everyday. Bumangon agad ako. Talagang nananaginip pa ako sa Japan ha? Tss.
"It's lunch time. Sa'n mo gustong kumain?"
"Ayokong kumain."
Umupo siya sa tabi ko at nagbaba ng tingin.
"Forgive me please."he whispered, looking straight to my eyes.
"Pwede ba Theon? Tigilan mo nalang ako! Kahit ano pang gawin mo, ayaw kong makipagbati sa'yo! I hate you and I hate you. Kuha mo?"
Patakbo akong bumaba sa hagdanan ng tree house at diretsong pumasok ng bahay. Nakasalubong ko si Lucy na may dalang tray na may glasses and a pitcher of juice. Nabunggo ko siya ng hindi sinasadya.
"Pasensiya na hija."she automatically apologized. Nabasa ng juice 'yong damit ko.
"Ba't ba hindi kayo nag-iingat? Hindi lang kayo ang tao rito."
"Pasensiya na talaga hija. Hindi kasi kita napansin—"pagpapaumanhin niya sabay punas ng damit ko.
"Huwag mo nga akong hawakan! Pareho lang kayo ng alaga mo! Mga walang-kwenta!"I yelled at her.
"Dillenna! Apologize to Nanay Lucy—"
"Why the hell would I do that?"I angrily blared at him who looked so furious right now.
"This is too much! Wala kang respeto! Kung galit ka sa'kin 'wag mong idamay 'yong taong wala namang ginawa sa'yo."
"Theon, hijo. Tama na. Okay na."awat ng yaya niya. Tss.
Tinaasan ko siya ng kilay. Lalong nagtagis ang bagang niya. He dragged me upstairs towards our room and locked the door.
"Tama na Dillenna! Nakakahiya ka! Pinapahiya mo ang mga magulang mo! Grow up! Hindi ka na bata!"
To my surprise, he suddenly punched the wall. Napaigting ako sa ginawa niya.
"You know what, I don't deserve this. Nobody deserves to be treated the way you treated me. I tried to understand you. You're too narrow-minded. Pagod na ako Dillenna. Isang linggo palang tayong magkasama pero ganito na tayo. Kahit sinong tao, susukuan ka. You don't deserve to be loved!"
Sasampalin ko na siya pero hinawakan niya ako sa braso.
"You're so cliché."
I hate feeling like this! Why do I always end up crying even how hard I try to be brave! Nagbabadya na naman ang mga luha sa mata ko.
"What? Stop it. Hindi mo na ako madadala sa pag-iyak mo! Ikaw na nga 'tong pinakikisamahan, ikaw pa 'tong nagmamatigas—"
"Shut up! Sumusobra ka na! Akala mo ba hindi ako nasasaktan sa mga pinagsasabi mo?"
"Wala akong pakialam kung nasasaktan ka. Ginusto mo 'yan. Magmula ngayon, wala na tayong pakialamanan. Pero 'wag na wag mong idadamay si Nanay Lucy. She's the woman you can never become Dillenna. Ni katiting ng kabutihan ni Nanay ay wala ka. Walang magmamahal sa'yo gaya ng pagmamahal ng mga tao sa kanya kapag mananatili kang ganyan. Hindi ka kamahal-mahal."
Kinuha niya lahat ng mga damit niya sa closet at lumabas. Naiwan na naman akong nagpipigil ng galit. I cried silently as I replayed every word he said to me since then. Nasasaktan rin naman ako eh. Bakit ba pinaparamdam niyang laging ako 'yong may kasalanan?
"Hindi kita pinipilit. Akala mo ba masaya akong pakasalan ka? Pareho lang tayong napipilitan Dillenna."
"Makinig ka nga Dillenna. Stop acting like a child. Hindi ka na bata. Alam mo, kaya siguro hinayaan ka ng mga magulang mong makasal na rin dahil pagod na sila sa katigasan ng ulo mo."
"Ginusto? Hah! You're deluded! Hindi ko ginustong makasal sa isang taong napaka-isip bata. Dillenna, no one will ever like to marry you. You're immature."
"...Hindi ka kamahal-mahal."
"...Hindi ka kamahal-mahal."
"...Hindi ka kamahal-mahal."
MASAKIT ANG MGA MATA ko nang idilat ko kinaumagahan. I went to the mirrow to see my reflection. My eyes are bloated. My hair is messy. I look horrible. Lazilly, I headed to the bathroom. The water felt good on my skin.
My mind impulsively replayed what I did and what happened yesterday. I can't believe I have overslept for almost fifteen hours. Buong hapon akong nag-iiyak sa kwarto hanggang sa makatulog ako. I suddenly felt guilty about everything. For a week, kahit alam kong napipilitan lang siya, he tried to be very nice to me. Araw-araw pa nga siyang humihingi ng tawad. Tama nga siguro siya. Kaya hinayaan nina mommy't daddy na makasal ako kasi hindi naman ako kamahal-mahal. Sakit lang ako sa ulo.
"Hija?"
Napadilat ako ng mata nang marinig na may tumatawag sa'kin sa labas.
"Hija? Dillenna?"
I turned the shower off and wrapped the towel around me. Dali-dali akong lumabas.
"Good morning hija."she greeted when she saw me. "Dinalhan kita ng pagkain. Hindi ka pa naman kumain kagabi."
"S-salamat. Si... si... Theon?"
"Umalis siya kagabi kasama ang mga kaibigan niya. Nag-aalala nga ako kasi hindi pa rin siya umuuwi. Wag ka ng masyadong mag-alala hija. Alagaan mo muna ang sarili mo't ang magiging anak mo."
"Hindi po ako buntis."I absently said. "Everybody won't believe me." My tears fell again without a warning.
Kinuha niya ang kamay ko na laking gulat ko nalang.
"Kaya nagkakaletse-letse 'tong buhay ko eh."dugtong ko pa.
"Naniniwala ako sa'yo hija. 'Wag ka ng umiyak. Wala na kayong ibang magagawa sa ngayon kundi ang ayusin ang relasyon niyong dalawa ni Theon bilang mag-asawa. Iyon na 'yong mahalaga ngayon. Sagrado ang kasal. Nanumpa kayo sa harap ng Diyos."
"Hindi po namin mahal 'yong isa't isa."
"Maaaring hindi pa ngayon."
"Wala pong magmamahal sa'kin. Hindi naman po ako kamahal-mahal. Kaya nga siguro... hinayaan ng mga magulang ko na makasal ako dahil pagod na sila sa'kin."
"Wag mong sabihin 'yan anak." Pinaupo niya ako sa kama. "Walang magulang na hindi mahal ang anak nila. At kapag mahal mo ang isang tao, hindi ka mapapagod." Pinunasan niya yong luha sa pisngi ko.
"Pasensiya na po kayo. Hindi ko mapigilan 'yong luha ko. Salamat po dito sa breakfast. Magbibihis lang ako sandali."
Ngumiti siya at saka tinungo ang pinto. Bago pa siya makalabas ay tinawag ko siya.
"Nanay Lucy. Pasensiya na po sa sinabi ko kahapon."
"Kalimutan mo na 'yon hija. Naiintindihan naman kita."
"Salamat po ulit."
Medyo gumaan 'yong pakiramdam ko matapos kong masabi 'yon. Kakabukas ko palang ng closet ay tumunog ang telepono. I hurried to take the call.
"Heera. Can you come over?"
"Gavin?"
"Yes. Ako 'to. Come to my place. Theon's very drunk—"
"What?"
BINABASA MO ANG
Married UNHAPPILY Ever After °[KathNiel] ✓COMPLETE
Fiksi PenggemarI slept. I woke up. I'm married. I'm not happy.