THEON JACE' POINT OF VIEW:
Medyo masakit 'yong ulo ko nang magising ako. Tumama pa sa mukha ko ang tumatagos na sinag ng araw mula sa bintana. Napakapa ako sa tabi ko. She's not here. As quickly as horror dawned me, I went on my feet and went downstairs.
"Nay? Si Dillenna po?"
"Ha? Wala ba sa kwarto niyo? Hindi pa siya nakababa ngayong umaga."
Napatingin ako sa direksiyong tinitingnan ni Nanay Lucy. May mga nakahanda sa mesa. From the looks of it, it's not newly-cooked. Then, realization struck me.
"Madaling-araw ka ng umuwi. Ano ba'ng problema, hijo? Hinintay ka ng asawa mo hanggang hatinggabi pero hindi ka dumating. Hindi nga kumain 'yon maging ng pananghalian kahapon. Anak, ayusin niyo kung ano man ang problema. Mag-asawa na kayo."pangaral ni Nanay sa'kin na lalong nagpa-guilty sa'kin.
Alam ko. Alam ko kung ano ang dapat kong gawin. Nahihirapan na rin naman ako.
Dali-dali akong umakyat at pumasok sa walk-in closet niya. Dumaan ako sa secret passage papuntang basement. Do'n ko nga siya natagpuan. Natutulog siya. Parang pinipiga ang puso ko habang pinagmamasdan ang asawa ko. Gustong-gusto ko siyang yakapin at halikan. Nang lapitan ko siya ay saka ko namalas na namamaga 'yong mata niya. Magdamag na naman ba siyang umiiyak?
Napakuyom ako ng palad. Gustong-gusto kong saktan ang sarili ko. Bakit nagpapatalo ako sa kanila? Bakit 'di ko nalang siya ipaglaban? Mahal na mahal ko siya. Sobra. She is my life. Ayaw ko siyang mawala sa'kin.
Hindi ko napigilan ang pananabik kong mayakap siya. I enveloped her in my embrace and kissed her on the lips.
"Theon?"
Napamulat ako ng mga mata at sinalubong ang mga tingin niya. Niyapos niya ako ng sobrang higpit. Napapikit ako. God. I missed her so much. Tatlong araw palang kaming ganito, para na akong pinapatay. Paano nalang kaya kung—
"Theon. Bakit ka naglalasing? Ayaw mo na ba sa'kin? Di ba sabi mo kahit na anong mangyari, mahal mo 'ko? Nagbago na ba Theon?"sunod-sunod na tanong niya.
My heart contracted from her agonizing words. Niyakap ko nalang siya ng sobrang higpit. Hinagkan ko ang tuktok ng ulo niya.
"Hindi mo na ako mahal? Theon, kapag iiwan mo 'ko, pwede mo bang dalhin mo nalang ang puso ko? Para naman hindi ko maramdaman ang sakit. Kasi ngayon palang na iniisip 'kong aalis ka, na hindi mo na ako mahal, I feel dying already."wika niyang umiiyak.
"Fuck. Ang gago ko Dillenna. Ang gago ko. Mahal na mahal kita pero sinasaktan kita."hindi ko napigilang aminin.
Kusang lumabas ang mga salita sa bibig ko habang umagos sa pisngi ko ang luhang matagal ko ng pinipigilan. Lahat ng ito Dillenna, hindi ko kailanman ginusto. I just don't have a choice.
"Baby, mahal na mahal kita. Patawarin mo 'ko."I whispered to her.
Lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa'kin. Ilang minuto kaming nasa gano'ng ayos nang maramdaman kong ang init niya.
"Oh Shit! May lagnat ka."
Kinarga ko siya hanggang sa kwarto namin.
"Okay lang ako, Theon. Mawawala rin agad 'to."
"No, you're not."
Nagmamadali akong bumaba at nakiusap kay Nanay Lucy na gumawa ng soup. Bumalik kaagad ako dala ang bimpo at maliit na basin na may tubig. Pinunasan ko ang mukha niya't nilagyan ng bimpo ang noo. I continued wiping her arms.
"Mahal na mahal kita."sambit niya bigla na nagpatigil sa'kin.
Earnestly, I fixed my eyes on her. Hindi ko siya kayang tiisin. Hindi ko na mapigilang 'wag siyang pansinin. I leaned down and kissed her torridly. She kissed me back with the same intensity as mine. Bumaba ang halik ko sa leeg niya. As I poured kisses to her neck, I remembered she's sick and so I stopped.
"Magpahinga ka muna, D. You're as hot as hell."
"What do you mean by that? Is the hotness you're saying referring to my fever or to my massive sex appeal?"
Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Kinurot ko 'yong ilong niya. Itinakwil niya naman agad 'yong kamay ko.
"Ewan ko ba kung may sakit ka ba talaga eh. Kung makapagbiro ka—"
"I'm not joking. I'm seriously asking you."Seryoso nga 'yong mukha niya. Napatikhim tuloy ako habang tinitigan ko siya.
"You're the hottest woman I've known. You're seductively and naturally hot as hell, yes. And right now, you're sickly hot as hell too."
"And this might be making you more conceited, Theon, but you have the most beautiful face my eyes have set on. I can't imagine my life without seeing it's beauty at all."
My wife. It's the way my wife exactly talks. She speaks naturally sexy and tempting. She begins with a phrase which tries to insult me. Eventually, I lost my sanity as I again began kissing her ardently and sensuously. We both stayed in bed for the whole day. Hindi narin ako pumasok ng klase. Hugging her as she lay down beside me, my comfort is intervened with Nanay Lucy's voice.
"Theon! Anak, your mother's here."
Fuck! She can't be here! Ugh! Halos liparin ko na ang pagbaba ng hagdan.
DILLENNA HEERA'S POINT OF VIEW:
Kinapa ko ang katabi ko ngunit hangin lang nag nahawakan ko. Dali-dali akong napabangon. Nasaan si Theon? Bumugso ang takot sa puso ko sa naiisip ko. He can't leave me. Hindi pa ako nakababa ay narinig ko na ang boses ng mommy niya.
"Ako ang gagawa kung hindi mo gagawin."anang mommy niya sa tonong galit na galit.
"Mom. Just give me another week."mahinang tugon ni Theon.
"A week? Naririnig mo ba'ng sarili mo—"
"Just another week."mariing sabi niya at akmang aakyat na ng hagdan.
Kung may sinabi pa'ng iba ang mommy niya ay hindi ko na narinig. Nagmamadali na akong pumasok ng kwarto nang makita siyang tumalikod. Ano'ng pinag-uusapan nila? Why is she so angry? And why do I suddenly feel scared?
BINABASA MO ANG
Married UNHAPPILY Ever After °[KathNiel] ✓COMPLETE
FanficI slept. I woke up. I'm married. I'm not happy.