Chapter 7: The Guys

4.5K 129 52
                                    



Dillenna Heera's Point of View:

Matagal saka ako bumaba ng kotse. Hindi parin kasi tumitigil sa pagtulo ang mga luha ko. Hanggang ngayon, sumasagi parin sa isip ko ang encounter namin ni Theon kanina. Ang kapal ng mukha niyang gawin sa'kin 'yon. Mas lalo lang niya akong pinapahirapan. I closed my eyes and heaved a sigh.

"Ma'am, bababa ho ba kayo o hindi?"sita ng driver sa'kin.

Sarap katayin ng driver na 'to! Ang lungkot at sakit na naramdaman ko kanina ay napalitan agad ng inis. Inirapan ko 'yong driver bago ako kumuha ng pera sa wallet.

"Sa susunod, pwede bang 'wag kang atribido! Nag-eemo 'yong tao, dinidisturbo mo!" asik ko sa kanya at ipinid ng malakas ang pinto. Sira-ulong driver!

OPENING THE DOOR of the private room, I was greeted with three pairs of eyes. Itinuon ko ang tingin ko sa nakahigang si Bryce. I looked away when I got a closer glimpse of his face. Namamaga yong mukha't braso niya. The circles of his eyes are very dark.

"Heera."nahihirapang sambit niya.

Parang dinudurog ang puso ko habang sinasalubong ko ang mga mata niya. What happened to him? Magkasama pa kami kagabi eh!

"Bryce? Ano'ng nangyari? Who did this to you? You look terrible!"naiiyak na sabi ko.

"I'm still handsome."he declared na tuluyang nagpaiyak sa'kin.

"Bryce? Ano bang nangyari? Magkasama pa tayo kagabi ah..."tanong ko ulit habang niyayakap ko siya. "Sino'ng may gawa sa'yo nito?"

"He—Heera. 'Yong—yong braso ko."he murmured.

Shit D! You're leaning on his arm! Inilayo ko ang sarili ko sa kanya. My eyes are streamed with tears again when Matt told me what the Doctor said about Bryce' condition. He got his bones broken and it will take years for him to walk again. Napangiwi ako habang pinapakinggan ko si Matt.

"That's enough Matt. That's awful. What we're going to do now is to find who did this to him! Whoever they are, they have to pay!"

Hindi sila sumagot. Nagkatinginan silang dalawa ni Ayden. Magtatanong pa sana ako nang bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa no'n ang humihingal pang si Gavin. Diretso siyang lumapit sa'kin at saka ako niyakap.

"I'm so worried about you! Are you okay?"puno ng pag-aalalang tanong niya.

I frowned at his question. Hindi ba dapat kay Bryce siya mag-alala? And why wouldn't I be fine? Well, I was fine until that jerk ruined my day.

"I'm okay, Gavin. Oo nga pala, tulungan mo 'kong maglipat ng mga gamit sa condo."

Tinapunan nila ng masamang tingin si Gavin.

"Everyone, stop it. It's my choice to move in to his place."pangaral ko habang iniirapan sila.

"Heera. You'll kill me with that decision."singit ng nahihirapang magsalita na si Bryce.

"Come on people! Magsitigil nga kayo. Akala niyo ba gano'n lang kadaling palitan 'yang bwesit niyong kaibigan!"wala sa isip na nautal ko.

Oh! Fuck your stupid mouth D. Now all of their eyes are directed to me. Itinaas ko ang dalawang kamay ko in retreat at pasimpleng umirap sa kanila.

"Sinundo ka niya diba?"Bryce asked without discretion.

"Bryce—" awat sana ni Gavin rito.

"It's okay Gavin. Hindi ako sumama sa kanya. Tapos na ang mga panahon ng katangahan ko. Bryce, magpagaling ka. Aalis na ako. Babalik lang ako dito kapag magsasabi ka na sa'kin sa kung ano talaga ang nangyari sa'yo."

Married UNHAPPILY Ever After  °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon