Chapter 5: The Date

4.6K 115 67
                                    

HELLO BABIES! I'M SO HAPPY RIGHT NOW. SALAMAT SA LAHAT NG NAGBABASA NG STORY NA 'TO. SALAMAT DIN SA MGA NAG-FOLLOW AT NAGBABASA NG 'TO THE MOON AND BACK' AT 'COURT THEM FIRST'. I LOVE YOU BABIES. ♥ GODBLESS.



Dillenna Heera's Point of View:

Hanggang ngayon talaga, hindi parin ako mapakali. Hindi ako makapaniwalang nakausap ko 'yong sira-ulong lalaki na 'yon. Yes, it's the guy from England nong nasa London Eye kami ni Theo—Ugh! I don't want to bring back memories of that place.

Why is Gavin acting so weird? Tss. From the looks of it, magkakilala sila. And they are not just ordinary acquaintances. There is more to it. Kung hindi lang dumating ang Jannicca na 'yon kanina, malamang alam ko na ngayon kung sino ang kumag na 'yon. Di bale, I will have all the time in the world mula bukas. Lilipat na ako sa building nila Gavin. No need to rush.

Pauwi na ako at dahil nagpaalam si Gavin sa'kin na hindi niya ako masasabayan dahil may importante siyang lakad, mag-isa na naman ako ngayon. Wala rin ang mga weirdos. May event kasi sa auditorium at halos lahat ng mga studyante ay nando'n. Sandali akong napahinto nang tumambad sa harapan ko si Amity. Hindi kami nagkausap ng maayos dahil madalang nalang kaming magkita.

"I miss you."bulalas niya. "D. How are you?"naiiyak niyang tanong.

When I have regained my composure, I smiled at her.

"I'm fine. You look—different. Ikaw ba? Are you okay?"pagbabalik ko ng tanong sa kanya.

"I am."

I bet you are. Of course.

"Are you mad at me, D?"

"Fuck no! Is there a reason for me to be mad at you? You're the 'kindest and the best friend in the world' and nobody will ever be mad for having you as a friend. You're always the best. Halika nga!"

Niyakap ko siya. Tuluyan na siyang umiyak sa balikat ko. Cry. Cry it out. Tss.

"Is the baby fine?"

"Yeah. Liam is so attentive of him."

"Him? Have you known already? It's just two months."napakunot-noo kong tanong.

"We're expecting a boy. His father and grandparents are expecting a boy. We really haven't known yet."sagot niya habang pinupunasan ang luha sa pisngi niya.

"O—okay. But everything's great, isn't it?"

Tumango siya. I hugged her once more saka nagpaalam. Hihintayin pa yata niya ang ama ng anak niya kaya nauna na ako sa kanya. Tsk.

Umiinit ang ulo ko habang naaalala ko ang pag-uusap namin kanina ni Amity. Lalo lang akong nagagalit sa lahat. Wala sa sariling nagtungo ako sa bar sa halip na umuwi ng bahay. Hindi pa ako nakapasok nang sumalubong sa'kin ang lalaking hindi ko inaasahang makita.

"We met again, angel-face."

"Get out of my way. I'm not in the mood to play your games."maangas na sambit ko.

Naiinis ako. Kapag hindi siya aalis ay talagang makakatikim siya sa'kin. Mukhang nabasa niya ang laman ng isip ko. He gave way and I was so free to get inside the bar. Nakailang lagok na ako ng martini ng biglang may humablot sa'kin palabas ng bar.

"Shit! Ano ba? Bitiwan mo 'ko!"

Nang maaninag ko kung sino ang kumaladkad sa'kin mula sa bar, tumahimik na lamang ako't sumunod. Saka lang ako nagtanong nang nasa loob na ako ng kotse niya.

Married UNHAPPILY Ever After  °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon