Chapter 37: Eschewing the Pain

4.7K 116 69
                                    

DILLENNA's POINT OF VIEW:

FROM the restaurant where we've eaten our lunch, Theon and I returned to the campus; both with elation written on our faces. Ang saya-saya ko dahil bumabalik na sa dati ang pagsasama naming dalawa.

"Na-miss ko yong pang-aaway mo sa'kin."marahang bulong niya habang kinukuha ang kamay ko't hinalikan. "Na-miss ko yong kasungitan mo. Not that I don't like you acting very sweet to me, I just really miss the woman in you whom I loved first."

"Maghintay ka lang. Malapit na siyang bumalik. Try me. I think you know what exactly annoys me when it comes to you."

He smirked at me. Just as we alighted from the car, I heard the girls intently whispering as we passed them. Una, hindi malinaw sa'kin ang mga sinasabi nila. Pero dahil may isang tangang estudyante, na bumulong daw kuno sa lakas ng boses niya, dinig na dinig ko ang pinag-uusapan nila.

"Kawawa naman si Theon. Nakapag-asawa ng malandi. Nagpapakamartyr kahit na harap-harapan siyang niloloko." Napapitlag ako't huminto sa paglalakad.

"Baby, don't—they're not worth your time. Sinabi mo diba? I just have to trust you... I do, Dillenna. I trust you. Kahit gulong-gulo parin sa'kin ang lahat. Hayaan mo na sila. Ang mahalaga, naniniwala ako sayo."

Isang matamis nalang na salita mula sa kanya, mapapaiyak na talaga ako ng tuluyan. Ang saya ko lang. Niyakap ko na siya kahit na alam kong nagtataasan na ng kilay ang mga babaeng nag-uusap patungkol sa'kin kanina.

BAGO PA AKO malapitan ni Gavin after our last class that afternoon, nakisabay na ako sa mga kaklase ko palabas. Nagmamadali akong naglakad hanggang sa makalayo sa kanya. Nang lingunin ko siya ay titig na titig siya sa'kin. Napatingin naman ako sa paligid. I can feel someone watching me from afar. And the weird fact is it isn't scaring me. Rather, I feel secure. Kaninang umaga, hindi ko alam kung nagmamalikmata lang ba ako. Nakita ko si Liam habang kausap ko yong mga kaklase ko at nasa likuran ko lang ang gago. Pero nang i-check ko naman ay wala siya. I miss him. He is a big brother to me—yon bang ipagtatanggol ka sa kahit kanino at kahit ano.

Dumiretso na ako sa classroom ni Theon. Namataan ko naman agad siya. The only thing is, may kahalikan siya. I blinked for a few times but the sight I'm seeing didn't change. A million daggers splintered my already broken heart. Patakbo akong dumiretso palabas ng campus. Gustong-gusto ko silang sugurin. Pero nanghihina ako dahil...

Dahil ayoko siyang mawala ulit sa'kin.

Nang makarating na ako sa bahay ay tinawagan ko agad si Amity. Nakailang ring pa ako saka siya sumagot.

"Hey A. Pwede mo ba akong puntahan rito sa bahay? Kung—kung okay lang?"

"D? Are you okay? Umiiyak ka ba?"

"No—no—"Napahagulhol ako. "Ang sakit. Gustong-gusto kong sumbatan siya pero hindi ko magawa dahil baka iiwan niya ako."

"Oh God. Papunta na ako. Don't hang up."

"Thanks A."

Wala pang sampung minuto ay dumating si Amity at niyakap ako kaagad.

"What happened?"

"I saw him kissing Jannicca. Again."

Contrary to what I've anticipated her to react, she looked away. Afterwards, she said something.

"That—that's terrible. He's che—chea—ting."

"Yon na nga. Pero hindi ko magawang sumbatan siya. Kasi naman eh. Baka iiwan niya ulit ako. Hindi ko alam A. Hindi ko alam kung makakaya ko ulit kung aalis siya. 'Yong puso ko A, hindi pa nga naghihilom sa nangyari the last few days, dinudurog na niya ulit. Hindi sa nagsisisi ako na nangyari ang lahat ng 'to sa buhay ko. Pero, hindi naman ako gano'n kasama to deserve this, diba?"

Walang tigil sa pagdaloy ang luha ko habang niyayakap niya ako.

"I'm sorry A. Alam ko naman na hindi ka pa kailanman nagkaboyfriend tapos sayo ko sinasabi 'to. Eh paano kasi, hindi ko narin pwedeng kausapin si Liam. Namiss ko na nga yong sira-ulong 'yon eh. Can you do something to ease my pain, A?"

"What's it, D?"

"Mag-ayos na kayo, please?"

She looked away. Hindi siya nagsalita hanggang sa marinig ko ang ugong ng kotse ni Theon. Napatayo kaagad ako. Niyaya ko si Amity to run upstairs. Bago paman siya makapasok ay nasa kwarto na kami.

"Halata bang umiiyak ako?"tanong ko sa kanya. Umiling lang siya. Inayos ko yong buhok ko.

"Dillenna?"tawag niya kasabay ng pagbukas niya ng pinto.

"Theon."nakangiting tugon ko. Dumapo ang tingin niya kay Amity. Ngumiti rin si A sa kanya.

"Can you leave us for a while, Amity?"walang kangiti-ngiting sabi niya.

She nodded and went out. As the door closed, he fixed his stare at me.

"Anong ginagawa mo D?"

"What? I didn't—"

"Kanina pa ako paikot-ikot sa campus para hanapin ka. You didn't even tell me you went home already. Alam mo ba kung ano ang nararamdaman ko? Ang akala ko umalis ka na naman at hindi na babalik—"

"Theon, hindi mo kailangang sumigaw. I'm sorry. Sumabay na ako kay Amity kasi uhm—nag-early dismissal kami sa huling klase namin."tugon kong umiiwas ng tingin sa kanya.

"Don't ever do it again Dillenna."

Napatango ako. Nang akmang lalapit ako para yakapin siya, he turned his back on me and went out. Namumuo na naman ang luha sa mga mata ko. Maya-maya pa ay bumalik si Amity sa kwarto. She just hugged me and said nothing.

"Okay lang namang magpakatanga minsan diba?"naitanong ko ng wala sa sarili. She gave out a light chuckle.

"Ako nga, araw-araw nagpapakatanga."

Napaangat ako ng ulo at tinitigan siya. Nginitian niya ako ng ngiting sa sandaling iyon ko lang nakita sa mukha niya. Have she been in love already?

"A? Do you want to talk about it?"

Umiling siya habang tinitigan ako.

"Si Bryce ba? O si Ayden."

Napasinghap siya at saka ako niyakap. Maya-maya ay nagpaalam na siya. Hinatid ko siya hanggang sa labas. Bigla akong natakot nang makaalis si Amity at nasa labas parin ako ng bahay. Patakbo akong pumasok sa loob. Kinunutan naman ako ni Theon nang makita niya akong humihingal.

"Babalik na si Nanay Lucy bukas. May kinuha rin akong tatlong katulong."walang-emosyong sabi niya. Napatango lang ako. "Kumain ka na. Nagtake-out ako for dinner."

"Hindi mo ba ako sasabayan?"

"Tapos na akong kumain. Dumaan ako sa bahay bago umuwi."

Lalo akong nawalan ng ganang kumain. Sa halip na pumunta sa dining area ay dumiretso ako sa kwarto. Ang bigat-bigat ng nararamdaman ko. Bakit pinaparamdam niya sa'kin na ako pa ang may kasalanan? Siya 'tong sinasaktan ako di ba?

Mag-uumaga na ay hindi ko pa naramdamang tumabi sa'kin si Theon. Oo. Kanina pa ako naghihintay sa kanya. Nagpapanggap lang akong tulog. Bandang alas-3 ay bumaba ako para uminom ng tubig. Pumunta ako sa sala pagkatapos para i-check kung nando'n ba siya. He's really there, sleeping soundly on the sofa. Habang pinagmamasdan ko siya ay unti-unting naglandas ang luha sa pisngi ko. Bakit niya ginagawa sa'kin 'to? Sinasabi niyang kahit na ano pa ang mangyayari, ako lang ang mahal niya... na naniniwala siya sa'kin... na...

"Theon. Nasasaktan ako. Sobra. Ang sakit-sakit. Pwede mo bang ibalik ang asawa ko?"hindi ko napigilang isatinig habang hinahaplos ko 'yong pisngi niya.

"Mahal mo ba talaga ako Theon?"

Married UNHAPPILY Ever After  °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon