Chapter 22: Missing Her

3.8K 120 17
                                    


Hi angels! Charing, nahawa na ako kay Demon. :D Hahaha. Namiss ko kayo. Mag-ingay kayo ulit please para maganahan akong magsulat. :D 

Weekend na naman, magba-bonding naman tayo for two days here. :) Wag kayong mang-iwan sa ere, please. :D :D 


Dillenna Heera's Point of View:

"Ba't ba kasi ang daming bobo sa mundo, Demon?"

Tumawa lang siya at saka pinisil ang pisngi ko.

"Hayaan mo na sila Angel. Gano'n talaga. What's important is you keep yourself from becoming like them. Tara na. The weather doesn't seem good. We have to head home before the rain pours down."

Hindi na lang ako nagtanong kahit na nagtataka ako kung saan kami papunta. But when I realized that we stopped in Gavin's building, hinarap ko kaagad si Damon.

"I'm not staying here at all, Damon."

"I know. We're here to get your things."sagot niyang nagpa-arko ng kilay ko.

When I looked around, I saw three guys who went out of the black car Damon once used.

"I asked for some help. I knew girls do have a lot of stuffs."he murmured in a mocking tone.

"Whatever."anas ko at saka nagpatiunang pumasok sa building.

Eksaktong ang panghuling box na ang nilabas namin nang makita namin si Gavin na papasok narin sa unit niya. I tried to act casually.

"Fuentaverde. It's nice to see you."nakangiting bati ni Damon.

Bigla kong naalala ang pangyayari sa cafeteria no'ng unang araw na nagpakita si Damon sa'kin dito sa Pinas. Binati niya rin si Gavin no'n. He even sent his regards to the jerks. Tinapunan siya ng masamang tingin ni Gavin. Napahawak ako sa braso ni Damon. Bigla kasi akong kinabahan lalo na ng magsalubong ang mga mata namin ni Gavin. Tinigasan ko ang puso ko.

"Damon, let's go."yaya ko.

Alam kong sinundan niya kami ng tingin ngunit pinigilan ko ang sarili kong lumingon pa. Nagtagumpay naman ako. Ito na 'yon. Alam kong makakaya ko lahat. Ito na ang simula ng bagong buhay ko kung saan wala na silang konektado sa kanya. I should have done this that very day we parted.

THEON JACE' POINT OF VIEW:

Kanina pa ako nakaabang rito na dumaan siya. Gusto ko lang talaga siyang makausap. Alam kong nangako akong titigilan ko na siya pero hindi ko kaya lalo na't kaligtasan niya ang pag-uusapan.

Yesterday, I approached her early in the morning. But...

"Dillenna. Kailangan nating mag-usap---"

"Wag kang lumapit sa'kin."matigas na saad niya sa'kin.

Kahit sa ganoong paraan ng pagsasalita niya, sumaya parin yong puso ko nang marinig ang boses niya. I miss her so much. I miss her doing stuffs to annoy me. I miss my Dillenna Heera who used to hug me from behind whenever I cook; who used to awaken me by her kisses; who used to never give up on me even when I acted so stupid. I miss that only woman who taught and made me become myself. She's the best thing that has ever happened to me.

"Sir, just step back."anang isang lalaki.

I looked around and found a few more guys in black. She has her guards again.

"Kakausapin ko lang si Dillenna. It's important—"

"No. Please don't let him near me."she muttered which broke me to pieces once again.

Without looking back, she walked straight to her class.

Napapikit ako dahil sa ala-ala ng pangyayaring 'yon. No. I shouldn't stop right there. Kailangan ko siyang makausap.

Isang pamilyar na ugong ng sasakyan ang nagpabilis ng pintig ng puso ko. From a black car, JD alighted and turned around to open the door for her. Nakabuntot rin sa sasakyan niya ang kotse ng mga guards ni Dillenna. Looking at her eyes, I can tell that the smiles she's thrown to him are real. It's just seven weeks after we broke up. Could it be possible that she already has wiped me eventually out of her life?

Sumikip ang dibdib ko sa isiping 'yon. Sino ba ako para hindi niya kalimutan? I hurt her. We hurt her. Forgetting me is the best thing she should do. She doesn't deserve me. I'm a stupid coward. Bago pa tuluyang tumulo ang luha ko, tumalikod na lamang ako't nagtungo sa parking space. Dumiretso ako sa bahay.

"TJ, wala ka bang klase?"tanong ni mommy nang paakyat na ako sa hagdan.

"Wala."

"Where's Amity?"

"Ma. Hindi kami laging magkasama."sagot ko at nagmamadaling umakyat bago pa siya makapagsalita ulit.

Kapag talaga nandito ako sa kwarto, wala na akong ibang magawa kundi ang tingnan ang mga pictures naming dalawa simula pa nong birthday ko. Hayys. Staring at the screen of the camera which revealed a candid shot of her laughing, I wasn't able to stop the tears escaping from my eyes.

Miss na miss ko na siya.



Sorry babies. HAhaha. Walang kwenta ang UD kong 'to. :D Hahahaha. Sorry talaga. Babawi ako sa nect Chap! xD Vote and comment parin kayo please. :D Hahaha.

Thank you lovelies. GODBLESS. ♥


Married UNHAPPILY Ever After  °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon