Chapter 11: Alone With Him

6K 147 26
                                    

Dillenna Heera's Point of View:

I was reading my favorite book of James Patterson nang tawagin ako ng katulong namin... telling me that my jerk slash fiance is dowstairs already and a woman is with her. Dali-dali akong bumaba. Kitang-kita ng dalawang mata ko ang nadatnan ko sa sala. It's Amity. She's wiping his face. Uminit 'yong ulo ko. Really? She's doing this in my own house! Is she trying to insult me? Napatitig ako sa sira-ulong si Theon and found out how messed he is!

"Stop it Amity. I'll do that to my "fiance". You can go."

Pareho silang nagulat nang bigla akong magsalita.

"Dillenna."they called out in unison.

"Pwede ka ng umalis. You heard me."pagtataray ko.

She opened her mouth to say something but I gestured my hand to stop her. Doubtfully, she slowly headed out. Nang tuluyan na siyang makaalis ay kinuha ko agad ang cotton ball at idiniin 'yon sa sugat ng malanding fiance ko.

"Aray. Wag mo naman masyadong idiin."

"Ang galing mo rin 'no? Ano 'to? Nakipagbug-bugan ka? Sira ulo ka ba? Sinadya mo 'to. Ginusto mo 'to kaya 'wag kang aaray-aray diyan!"I angrily complained and thrusted intently the cotton to his wound again.

This time, hindi na siya nagreklamo.

"Wag mo 'kong tingnan ng ganyan! Ang kapal ng mukha mo!"

"Why are you so mad at me?"tanong pa niyang nagpasinghap sa'kin sa inis.

Itinapon ko ang hawak kong cotton ball at alcohol sa harapan niya. Nagulat siya sa ginawa ko.

"Tinatanong mo 'ko? Nagawa mo 'kong sigawan kanina sa campus! Nagalit ka'ng nilapitan ako ni Matthew! Ano 'to? Bawal akong lapitan at ikaw pwede? Sa dami ng babae, si Amity pa talaga ha? At talaga pang dinala mo dito sa bahay ko?"

I realized I'm clutching my fists of so much anger!

"Bahala ka sa buhay mo! Gamutin mo 'yang sarili mo!"

I feel so insulted by Amity's presence. I knew it. Gusto niyang ipakita na I'm not really the wife-material... that I'm the incompetent one. Fine. Totoo namang siya 'yong sweet at maalaga sa'min. Ano ngayon?

"SHIT!"

Ibinato ko ang unan sa pinto sa sobrang galit na nararamdaman ko. Ang kapal ng mga mukha! Ang kapal!

Kinabukasan ay puro pasa ang mukha niya. Buti nga. Ginusto niya 'yan. He deserves it. As usual, tahimik na naman kaming pumunta sa school.

"About yesterday... I—"

"Don't talk to me. Mula ngayon, gagawin ko lahat ng gusto ko. Lalapitan ko kung sino ang gusto kong lapitan. Don't worry, you can do the same. Pareho naman tayong walang nararamdaman sa isa't isa so why the hell would we care?"

Hindi siya nakasagot. Iniwan ko na siya at dumiretso sa classroom ko. Bago ako makaakyat sa second floor ay namataan ko sa kalayuan si Matthew. He's with Janicca! Sabi ko na nga ba! Niloloko lang ako ng gago. He's still with her.

Hindi ko namalayang naiyak ako. Umasa akong totoo 'yong sinabi niya kahapon. Akala ko talaga... ipaglalaban niya ako. Sabi niya di ba? Ba't ba ang daming sinungaling at manloloko sa mundo!?

"Heera, okay ka lang?"anang kaklase ko.

"Nag-away ba kayo ni Theon?"tanong ng isa pa. Pinalibutan na nila ako.

"We're sorry Heera. Alam na namin ang totoo. Inamin ni Janicca kanina. Sorry kung naniwala kami."

"Tuloy parin ba ang kasal ninyo ni Theon?"

Married UNHAPPILY Ever After  °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon