BABIES, HETO NA ANG PABORITO NIYONG CHARACTER NG STORY NA 'TO. HAHAHA. WAG NIYONG AWAYIN, PLEASE. :D
***
Amity's Point of View:
Next week na ang graduation namin. At apat na araw nalang, kasal na namin. Ito 'yong matagal ko ng pinapangarap. Ngunit ngayong nangyari na, hindi naman ako masaya. Papakasalan nga niya ako pero hindi naman ako ang mahal. Walang sandaling hindi ako umiyak sa tuwing naiisip ko si Dillenna. Tulad na lang ngayon. Napahimas ako ng tiyan ko habang hinahayaan ang mga luhang kumawala sa mga mata ko.
"Baby Dillan, ang swerte ni mommy. Nagkaroon siya ng kaibigan na tulad ng tita Dillenna mo. She sacrificed for you... for us."bulong ko rito habang patuloy sa pagtulo ang luha ko.
Alam kong galit kayo sa'kin dahil sa mga pangyayari. But believe me, hindi ko rin ginustong mangyari 'to. My love for Theon was supposed to be in secrecy. It was just that night.
In stealth, I tiptoed out of the house and immediately called for a taxi. Miss na miss ko na siya. Miss na miss ko na ang bestfriend ko. Alam kong ang sama-sama ko. Hinayaan kong mangyari ang lahat. Pero lahat naman tayo ay may kahinaan di ba? Lahat naman tayo nagkakamali eh! Hindi ko rin naman hinangad na humantong sa ganito ang lahat. Eksaktong pagdating ko sa tapat ng bahay nila ay lumabas siya ng gate. Babalik na sana ako sa loob ng taxi ngunit bigla-bigla naman itong humarurot. Bigla akong nanlamig. Nararamdaman ko ang mga matang nakapukol sakin. I slowly looked around.
Glaring at me, she's standing with a man beside him.
"Let's go, Chase."sabi niya sa kasama niya.
"D."mahinang tawag ko.
Nakailang hakbang na sila no'n. Sandaling huminto ang lalaking tinawag niyang Chase ngunit hinila ito ni Dillenna at nagpatuloy sila sa paglalakad papuntang kotse.
"D. Let's talk. Please—"
"Bullshit! Ganyan ka ba ka-gaga Amity? Pwede ba? Tumigil na ka'yo sa panggugulo sa buhay ko!"she blared with an apparent anguish in her eyes.
"Dillenna, please just hear me out."
"Damn you! Ayaw kitang makita! Ayaw kitang makausap. Ayokong mag-aksaya ng panahon."
"Please D—"
"Ano pa ba ang gusto mo? Nasa'yo na siya, ano pa ba ang kulang? Ano 'to? You went here to brag me about your wedding! Iyan ba?"nanggigil na angil niya sa'kin.
Lalo akong nanginginig habang tinitigan ko siya. Alam kong nagpipigil lang siyang 'wag akong saktan. Nakahawak naman sa braso niya ang lalaki.
"Get in the car Chase. Let me talk to this snake here. 'Wag kang mag-alala. Hindi dadapo ang kamay ko sa kanya. Hindi ko dudumihan ang sarili ko."
Wala akong pakialam kung kahit pa manonood 'yong lalaki sa'min. Right that moment, humagulhol ako sa harapan niya.
"What now? Why should I listen to you?"she blared right after the guy she's with went inside the car.
"I'm sorry."I muttered in voice almost a whisper. "I'm so sorry D. Believe me... hindi ko ginustong mangyari lahat."
With an arched brows, she flashed a grimace. May mga luhang nagbabadyang lumabas sa mga mata niya. She scoffed.
"Nagpapatawa ka ba? I have seen a lot of things already Amity. Matagal na. I have been warned but I chose not to listen because I trusted you which is my terrible mistake. Ano'ng hindi mo sinasadya A? Ang i-text araw-araw ang asawa ko? Ang burahin ang pictures naming dalawa? Ang mga pagtitig mo sa kanya? Ang paglandi mo sa kanya? Ang traydurin ako? Alin ang hindi mo sinadya do'n?"
BINABASA MO ANG
Married UNHAPPILY Ever After °[KathNiel] ✓COMPLETE
FanfictionI slept. I woke up. I'm married. I'm not happy.