CHAPTER 1:
Rain's POV
"Ano ba Rain! Gumising ka na! Aba Linggo ngayon! Ano hindi ka pa ba gagalaw!?" narinig ko ang maingay na bunganga ni Mama. Napakamot ako sa ulo ko at pilit na bumaba sa kama ko. Kainis naman ala sais palang eh!
"Sandali lang po!" sagot ko at inayos a ng pagkakatupi sa pinaghigaan ko. Bumaba ako at nakita kong kumakain na si Papa at Mama ng almusal.
"Aba! Bilisan mo at maglaba kana! Dahil maghuhugas ka pa ng pinggan at mamamalengke!" bulyaw ni Mama pagkababa ko, hindi ko na s'ya nilingon at nagdere-deretso na ako sa likod bahay, pinuyod ko ang buhok ko at naupo sa maliit na kahoy na upuan sa harap ng batya na puno ng mga labahin.
"Ano ba 'yan hindi pa nga ako naka-kakain galaw agad." bulong ko at kinuha ko ang pishnet(mian 'di ko pa alam yung spelling eh) at inumpisahang kuskusin ang damit.
"Ito pa!" biglang utas ni Mama at itinapon sa plangganang katapat ko kaya pagkahagis n'ya ng damit sa batya ay natalsikan pa ako sa mukha! Umalis ito kaya pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Minsan gusto ko nalang umiiyak pero walang lumalabas na luha =_=. nakakapagod din siguro.
-
-
-
-
Alas otso na at patapos na ako sa pagsasampay, alas sais kasi nila ako ginising. Ngayon wala na si Papa at nasa trabaho. Pagkatapos kong maglaba ay pumunta na ako sa lababo para hugasan ang pinagkainan 'nila'.
"Ate kumain ka na po ba?" nagulat ako ng biglang kalabitin ako ni Snow, nakababatang kapatid ko. Maputi kasi s'ya kaya Snow.
"Opo." pagsisinungaling ko, hindi naman n'ya mahuhulaan kasi limang taon palang s'ya.
"Ok ka lang po ba?" tanong n'ya ulit habang isinasalansan ko ang plato para mahugasan na.
"Opo, sige na maghuhugas pa ako oh." sabi ko at ipinakita yung plato sa kan'ya. Ngumite ito at saka umalis, pinagpatuloy ko ang paghuhugas.
Pagkatapos kong maghugas ay pinunas ko ang kamay ko sa isang malinis na pamunas.
"Ma?" tawag ko. "Ma, yung pamelengke?" tanong ko, nasa upuan ito at nanonood ng TV.
"Walang iniwang pera ang tatay mo kaya ikaw na." anito, bumagsak ang balikat ko at napabuntong hininga.
"Aalis na po ako." sabi ko at lumabas ng bahay.
"Lagi nalang! Palaging ako!" usal ko saka tuluyang naglakad papunta sa palengke, medyo malayo pero ok lang para tipid. Isa pa sa Friday pa ang sahod ko mabuti nalang nakabili na ako ng gamit para sa pasukan bukas. Naglakad ako at ayos lang naman ang suot ko.
"Kyaaaaa! Omo! Halli is here!" may narinig akong ilang tilian, nilingon ko lang iyon. Pero hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Snow White and the Seven Jerks [Completed]
RomanceTag Rankings: #61 Kilig #74 SnowWhite Kilala nating lahat ang kwentong "Snow White and the Seven Dwarfs/Dwarves" di'ba (alien lang ang di nakakaalam) na kung saan si Snow White ay kumain ng mansanas at sa isang kagat ay namatay (dahil bulok! Charot)...