CHAPTER 28:
"Hindi nila sisirain ang gabi." sabi ko. "Mauna kana at pupunta pa ako sa registrar, dalawa ang form na ibibigay, kasi sa group 'yon at sa mga damit na isusukat." dugtong ko. Tumango ito ng makuha ang sinasabi ko, naghiwalay na kami ng daan, lumiko ako sa kabilang pasilyo papunta sa registrar office. Pansin ko na wala pang nakapila kaya hindi ako maha-haggard nito.
"Magpapalista po ba?" tanong agad ng Assistant Registrar. Tumango naman ako.
"Yes please." sabi ko.
"Nakapagpasukat na ba kayo?" tanong nito, napapoker face ako. Alam n'ya bang Saturday pa ang mga pang-umaga?
"Special Guest." tipid na sagot ko.
"So, anong form po ang ibibigay ko sa in'yo?" tanong n'ya.
"For the Musical Dance Party only." tugon ko, akala ko magtatanong pa s'ya pero tumango ito at ibinigay ang isang form. Tinanggap ko iyon at tinignan. Number 4 ang entry number na nakuha ko? So may nauna na pala? Pumunta ako sa isang bakanteng mesa at doon naupo. Finill-up-an ko ang bawat tanong.
Name of group: Twins (dahil minsan kapag sumayaw kami noon partner. Si Patchot payatot nakaisip non.) Solo or Group?: Group, Member/s: sinulat ko lahat ng pangalan namin. Marami pa ang mga tanong kaya nasugatan ko na lahat iyon. Bumalik ako sa registrar para ibigay yung papel. Pinakatitigan n'ya pa 'yon. Umalis na ako ng wala na s'yang tanong at nagtungo ako sa field. Naabutan ko ang mga kaibigan ko na nakatanga lang sa langit. Batuhin ko kaya ng bato? Bago pa man ako dumampot ng bato ay nakatingin na si Ana'ng antukin sa'ken, nahulaan yata ang gagawin ko ah? Nakangiti akong naglakad papunta sa kanila.
"Mahal na Prinsesa." nagsalubong ang kilay ko sa ginawa ng mga timawa kong kaibigan.
"Nasisiraan na ba kayo?" kunot-noong tanong ko.
"Shet bes! Si Levi 'yon! Be my partner! What the shell! Beeee!" tili ni Patchot kaya napatakip ako ng teinga, may pagka-Keisha din ang babaeng ito, minsan iniisip ko na si Elisha ba talaga ang kakambal n'ya o si Keisha?
"Magsimula na nga lang tayo para maagang matapos at makita pa natin kung kailan ang event." panghihikayat ko.
"Nakita na namin. Sa Thursday." tugon ni Karla, inilapag ko ang bag ko sa tabi.
"At nakakabadtrip, na kasama ang section natin sa pag-aayos ng field sa Wednesday Rain." reklamo ni Rain, eh anong gagawin ko? Ba't sa harap ko nagrereklamo ito?
"Oh ngayon? Ba't sa'ken ka nagrereklamo?" taas kilay kong tanong.
"Magsisimula na ba tayo o hahantayin pa namin kayong matapos?" singit ni Ana na humalukipkip pa. Napailing nalang ako.
Luis's POV (kayo na bahalang magbigkas)
BINABASA MO ANG
Snow White and the Seven Jerks [Completed]
RomanceTag Rankings: #61 Kilig #74 SnowWhite Kilala nating lahat ang kwentong "Snow White and the Seven Dwarfs/Dwarves" di'ba (alien lang ang di nakakaalam) na kung saan si Snow White ay kumain ng mansanas at sa isang kagat ay namatay (dahil bulok! Charot)...