CHAPTER 5:

4.2K 125 3
                                    


CHAPTER 5:



*3:30 AM*



Bumangon ako sa kama ko at tinupi iyon ng maayos, medyo inaantok pa ako pero ayos lang. Pinlantsa ko yung uniform na ako mismo ang bumili pati plantsa, pinag-iipunan ko lahat ng kailangan ko simula ng magbakasyon. Pagkatapos kong magplantsa ay bumaba na ako papunta sa C.R dala ang damit na susuotin ko. Ang uniform pala namin sa Mount Hardy Academy ay yung nakikita mo sa mga Korean na may pamatong pa na Jacket or what so ever, sa mismong eskwelahan ko ito binili para may discount.


Pagkatapos kong maligo ay naghanda ako ng pang-almusal nila, hindi ako kakain. Nang maihanda ko iyon ay umakyat ulit ako sa kwarto ko para itago ang plantsa at iba kong gamit dahil masyadong pakialamera si Mama, lahat ng importante tinatago ko sa isang kahon. Tapos lumabas ako at pupunta sa secret storage namin ni Keisha, malapit lang kasi ang bahay n'ya.


Bumalik ako sa bahay at inayos ang sarili ko, suklay, suot ng medyas, sapatos at kung ano pa.



*TING!*



Tumunog yung messenger ko.


~Keisha hart hart~

Sabay na tayo?



~Ako~

Sige, tapos na ako.



~Keisha hart hart~

Punta ako.



~Ako~

Bilisan mo.



At 'yon, inayos ko ang laman ng bag ko at nilagay ang cellphone ko bumaba na ako ng may narinig na akong tahol ng aso, and'yan na s'ya.


"Tara." aya nito at pinasakay ako sa kotse n'ya, nakangiti akong sumakay.


"Alam mo ba na naging kakaiba ang araw ko kahapon?" panimula ko habang angmamaneho ito papunta sa MHA.


"Bakit? Nakabasag kaba ulit tapos pinagtawanan ka lang ng Boss mo?" sabat n'ya. Inirapan ko lang s'ya.


"Hindi, kasi parang gwapo day kahapon at kung sino-sino ang nakita kong mga gwapo." sabi ko.


"Talaga! 'mga'!? Ibig sabihin hindi lang isa?" react n'ya tumango naman ako. At 'yun kinilig na naman s'ya. Kinwento ko pero hindi ko sinabe ang mga pangalan lalo na doon sa Halli.


"Shet! Mas bet ko yung dinala ka ng lalake sa Pharmacy!" impit na tili n'ya. Iba naman ang sa'ken.

Snow White and the Seven Jerks [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon