Chapter 50

2.5K 64 0
                                    


CHAPTER 50:

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

---***---***---***---

"Isa pa!"

"Ughk!"

"Kaya mo pa?"

Teka anong nangyayare? Ba't madilim? Wala ata akong makita, eh wala naman talaga akong makita -__-, luminga ako. Naka-blind-fold ako.

"Boss. Gising na yata yung babae" may nadidinig akong ingay. Napapikit nalang ako ng biglang may nagtanggal ng blind fold ko.

"Hi Ms. Rain." napadilat ako at sinamaan ang lalake ng tingin.

"Ah!" napatingin ako sa harapan dahil sa biglang may sumigaw.

O_o.

A-Anong ginagawa n'ya rito?

"Ahh!" sigaw n'ya ulit ng hampasin ito ng kahoy sa likod.

"Levi!" tawag ko, tinignan lang n'ya ako. Paano ba kasi ako napunta dito!

"Kasi naman Levi, pagbibigyan kita at hindi kana magugulpi kung iiwan mo nalang si Rain sa'men." isang boses na naman ng demonyo ang nadinig ko.

"Baliw ka ba?" nakangising tanong ni Levi. Naramdaman kong nakatali din pala ako.

"Hoy Jame itigil mo na nga ang kahibangan mo!" sabi ko, tingignan lang n'ya ako.

"Ngayon wala na talagang mangingialam sa aten." aniya. Lumapit ito sa'ken.

*PAK*

Pakiramdam ko namanhid ang pisngi ko sa sampal na 'yon ni Jame.

"H-H..Hoy J-Jame! Sabi mo hindi mo s'ya sasaktan!" nanlaki ang mata ko sa nadinig ko mula kay Levi.

"Eh? Meron ba akong sinabe?.....Ah sorry nakalimutan ko na hindi pala ako marunong tumupad sa usapan." aniya at sinampal na naman ako.

"Ano ba! Jame! UGH!" sigaw ni Levi. Ang tanga mo kasi Levi! Ano bang ginagawa mo dito!? Umalis si Jame sa harapan ko at ipinakita si Levi na mukhang nahihirapan na. Nang-iinit na ang mga mata ko. "Ah!" sigaw n'ya ulit ng hampasin s'ya ng kahoy.

"Ano ba! Hoy Levi! Gago ka! Lumaban ka d'yan!" naiiyak na sabi ko. Tinignan n'ya ako ng nakakaloko.

"Sasaktan ka nila kapag lumaban ako." mahinang sabi nito pero parang isinigaw n'ya lahat ng iyon sa teinga ko.

Snow White and the Seven Jerks [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon